KEILA.
The canteen was packed with students. Some were rushing around, while others were eating their meals. Halos mabingi ako sa ingay sa loob kaya napag-isipan ko nalang na lumabas na. Wala din naman akong bibilhin at sinamahan ko lang din naman ang kaibigan ko para bumili ng makakain. Isa pa, I don't have money at tanging pamasahe lang naman ang natitira sa akin. Kung gagastusin ko pa, baka maglakad na naman ako ng ilang kilometro pauwi sa bahay.
"Wala ka ba talagang bibihin?" kunot noong tanong ni Alliana matapos hawakan ang manggas ng suot kong uniporme. Tila pinipigilan akong umalis. "Sagot ko na nga eh," ungot pa niya.
This is why I dislike being poor; I despise seeing sympathetic eyes. People should not treat me like this as it is not a disease. Instead of wallowing in self pity for me, why not blame this stupid and cruel world for making my life so hellish?
Mahina na lamang akong napatawa-an ironic laugh to be exact, bago alisin ang kamay niya sa damit ko. "Ang kulit nito. Sabing gusto nga lang kitang samahan."
"Sus. Ayan kana naman, pumili ka na nga lang diyan Keila," pagpupumilit niya pero mariin parin akong tumanggi. It is tempting to eat, but it is best not to. Hindi ko kailangan ng pagkain ngayon. What I really need is money to pay our rent this month, not food.
Napabuntong hininga siya. "Okay, kailan nga ba kita napilit."
"Not a chance! Bilisan mo nalang kasi at bumili kana, malapit na matapos ang break," pagrereklamo ko kaya wala siyang nagawa kundi ang naglakad papunta sa likuran ng pinakahuling tao sa pila.
Matapos makapili at makabili si Alliana ay naglakad narin kami pabalik sa loob ng room. My teacher was already inside when we arrived, pero kakaunti palang kaming mga estudyante na nasa loob. Nagsimula siyang magsulat sa white board kaya nilabas ko narin ang notebook ko sa Physical Chemistry at nagsimulang magsulat.
Come to think of it, ngayon ilalabas ang result ng mga nakapasa sa DOST scholarship. Sana makapasa ako, malaking tulong din sana sa mga bayarin lalo na't ang mahal ng tuition sa university na pinapasukan ko ngayon. Ginawa ko naman ang best ko nang kumuha ako ng exams, sana magbunga ang paghihirap na iyon.
"Ms. Keila..."
"Keila."
Bumalik ako sa ulirat nang marinig ko ang tawag ng guro. Ngayon, lahat sila nakatingin na sa akin. I was so caught up in my thoughts that I completely forgot I was in the middle of a class recitation. What was that all about? What was the question again? "Would you mind repeating the question po, Ms. Ferrer?"
She looked me in the eyes first, then turned her gaze to the rest of the class before repeating her question. "As previously stated, internal energy can only be changed by doing work on the system or heating it; thus, work and energy are equivalent ways to change a system's internal energy." She turned to face me again. "Ms. Keila, my question is, when both work and energy are positive, is work transferred to the system or lost?"
Akala ko mahirap ang tanong. I'm relieved it wasn't as difficult as I had anticipated.
I let out a sigh. "Since work and energy are both positive, they are done on the system, and energy is transferred to the system po."
"Thank you, you may now take your seat."
Bumalik narin ako sa pagkakaupo at si Ms. Ferrer naman ay nagpatuloy na sa pagdidiscuss ng topic niya. She has been our professor for two consecutive terms already, and she is now teaching us Physical Chemistry 1. Medyo may edad narin siya pero siya ang pinakabata sa mga professor ko this semester. She's neither terror nor kind. Kumbaga, sakto lang para sa isang guro. She's just fond of calling someone's attention para malaman niya kung may nakikinig ba sa discussion niya.
YOU ARE READING
Royal Academy for Wizards and Sorcerers
Fantasy[UNDER MAJOR REVISION] All she desired was to live her life normally, but fate wouldn't let her see her world fall apart.