Chapter Twenty-Six: Rainbowberry
"Huhu. Kyahh. Bakit tumubo sa ulo ko 'to?" Naiiyak na sabi ko. Nakakainis naman kasi ehh. Bakit ba sa pagkaraming tao na pwedeng tubuan ng pesteng kabuteng 'to. Eh ako ang pinili?
"Tss. Wag kang umiyak jan. Para kang bata." Sita ni Shanaia sa akin.
"Eh. Pakialam mo. Gusto kung umiyak eh."
"Tsk, you're so annoying." Bored na bored na sabi ni Khen. Annoying daw ako? Hindi kaya.
"Aminah. Maganda pa ba ako." Pesteng kabute. Nasisira ang beauty ko eh. Naiinggit ba siya sa beauty ko kaya sa akin talaga siya tumubo?
"Nope."
"Huh? Hindi?" Naiiyak na sabi ko. Kyahh. Hindi na ba ako maganda? Pesteng kabute.
Hinila ko ang kabuteng tumubo sa ulo. Ngunit hindi man lang siya matanggal.
Huhuhu. Bakit ba pati kagandahan ipinagkakait sa akin? Sad life.
"Yhan tulungan na kita." Nakangiting abot tenga na sabi ni Aminah. Saka ang kamay niya ay naging parang kutsilyo.
"Ahh. Huwag na. Nakakahiya." Baka pati ulo ko naputol nito.
"Sige na. Ok lang."
"Huwag na baka putulin mo pa ulo ko eh." I muttered.
"Huh?"
"Ahh. Wala. Salamat nalang." Mas gugustuhin ko pang tubuan ako nito kesa putulin mo ulo ko.
"Tsk, I have a solution. May nagsabi sa'kin noon, na may prutas daw na matatagpuan dito gubat. At tanging yun lang ang makaka-gamot niyang nasa ulo mo." Singit naman ni Dale. Minsan talaga makatutulong rin 'tong si Dale.
"Anong prutas naman yun?" Nagmamadaling sabi ko. Gusto ko na talaga mawala 'tong kabute sa ulo ko eh.
"Maliit na bilog daw yun, tapos ang kulay niya, yung kulay ng rainbow."
"Wow naman talaga. Ang galing talaga ng mga prutas dito sa kanila." Bulong ko.
"Ano yun Yhan?" Kunot noong tanong ni Dale sa akin.
"Ah. Wala. Sabi ko saan naman natin mahahanap yung prutas?"
"Ewan ko."
"Ano?" Ano ba naman yan. Hindi niya pa alam. Mayamaya magugutom na naman ako nito eh. Tapos hindi pa kaya namin nahahanap ang pangatlong part ng magical clock.
"Hindi ko alam."
"Hanapin nalang kaya natin." Hanapin mo yang mukha mo. Nakakainis talaga 'tong si Shanaia. Alam niya naman siguro na ang laki-laki nitong gubat at saka may hahanapin pa kaming magical clock.
"Oo nga. Hanapin nalang natin." Naku ito pang si Aminah. Sumang-ayon pa.
"Sige. Kaming tatlo ang magkakasamang maghahanap." Sabi ni Aminah sabay turo kay Dale at Shanaia.
"Di ko pala alam na gusto mo ako makasama my loves. Pero bakit may kasama tayo?" Bigla nalang siyang siniko ni Aminah. Naku. Talaga naman ang dalawang 'to.
So ibig sabihin ang kasama ko si brand ng sabon? Naku naman. Bakit siya? Ang boring kaya niya. Akward kaya pag siya ang kasama ko. Hindi man lang kasi umiimik.
"Sige na maghanap na kayo Yhan. At maghahanap narin kami." Sabi ni Aminah saka kinindatan ako.
Ano ba 'tong iniisip niya? May pakindat pa 'tong nalalaman ahh. Ano na naman kayang ibig ipahiwatig ng mga kindat niyang ganun?
Napakunot nalang ang noo ko sa kanya. Minsan talaga hindi ko maintindihan si Aminah.
"Sige na Yhan. Bilisan niyo na. Sulitin mo ang oras niyo ah." Sabi ni Dale.
YOU ARE READING
Royal Academy for Wizards and Sorcerers
Fantasy[UNDER MAJOR REVISION] All she desired was to live her life normally, but fate wouldn't let her see her world fall apart.