Chapter Twenty-Seven: Last Part of Magical Clock
Yhannie's POV
Papunta kami ngayon ni Aminah kay Ate Claire. Ipinapatawag niya daw kasi kami. Hays. Nakakapagod kahapon. Muntikan na akong magmukhang kabute.
"Yhan. Ano yung kahapon ah?" Ani ni Aminah habang naglalakad kami saka siniko ako.
"Anong ano kahapon?" Nakakunot noong tanong ko.
Hindi ko talaga ma gets si Aminah. Ano ang pinagsasabi nito?
"Uyy. Kuyari walang alam."
"Hindi kaya kita ma gets." Talaga naman eh. Hindi ko talaga malaman kung ano ang ibig sabihin nito. Nakalilito na kaya.
"Ay. Wag ganern teh. Alam ko na alam mo ang ibig kung sabihin." Napalungo nalang ako sa kanya. Talaga namang hindi ko alam ang ibig niyang sabihin eh.
"Yung kahapon. Yung pagkakayakap mo kay Khen? Ano yun ah?" Sabi niya sabay siko sa tagiliran ko.
"Asus. Yun lang naman pala eh."
"Anong yun lang naman pala? Big Deal yun girl."
"Sandali lang kami umalis para maghanap, niyakap muna?" Dagdag niya.
"Tsk, masaya lang ako dahil nahanap niya yung prutas."
"Wee? Yun lang yun?" Bakit ano pa bang hinihintay niyang sabihin ko?
"Oo nga. Masaya lang talaga ako." Talaga namang masaya lang ako dahil nahanap niya yung prutas. Kung hindi, naku, baka hanggang ngayon mukha parin akong kabute. Ayaw ko kaya yun.
"Oh. Sige. Pero ano pang nangyari?" Na-eexcite na tanong niya!
"Wala ng nangyari."
"Ayiee. Ayaw aminin."
"Aminin ang alin?" Anong aaminin ko?
"Yung nangyari sa inyo kahapon?"
"Wala ngang nangyari. Hinanap lang namin yung prutas. Yun lang yun."
"Yun lang ba talaga? Eh. Bakit ang pula ng pisngi mo?" Hindi kaya mapula.
Hinimas himas ko ang pisngi ko at naramdaman kong ang init nito.
"Hindi kaya mapula." Tangi ko.
Hindi tangi yun. Totoong hindi mapula yung pisngi ko.
"Asus. Wag mo ng i-deny pa girl. Alam kong kinilig ka dahil niyakap mo si Khen. May pa deny-deny karing nalalaman eh no!"
"Hindi ako nag-dedeny. Baka may lagnat lang ako."
"Lagnat ka jan. Hindi mo ako maloloko girl. Alam kong kinilig ka talaga."
"Kilig? What's that? Nakakain ba yun?" Pagbibiro ko.
"Hindi naman talaga ako kinilig. Promise!" Dagdag ko pa.
"Anong hindi. Todo tangi ka eh. Basta ako. Maniniwala akong kinilig ka talaga."
"Bahala ka jan. Kung ano man ang paniwalaan mo." Bahala siya. Paniwalaan niya ang gusto niyang paniwalaan. Basta hindi talaga ako kinilig.
"Pero Aminah. Pansin kong nagiging pala salita na ngayon si Khen. Kasi nung una. Wala talaga siyang sinasabi." Pag-iiba ko. Siguro natakot din siya baka bumaho yung bunganga niya kasi hindi siya nagsasalita.
"Nandito na pala tayo." Dagdag ko ng nasa harapan na namin ang isang napakalaking pinto.
"Hoy. Wag mong ibahin ang usapan. Pero talaga? Pansin mo rin? Ako din ehh. Bakit kaya no?"
"Hindi ko kaya iniiba. Bahala ka na nga jan. At papasok na ako."
Sabi ko sa kanya saka inikot ko yung doorknob at binuksan yung pinto at pumasok sa loob.
"Yhan. Asan na si Mahal." Bungad ni Dale pagkadating ko sa loob. Nandito na pala sila Khen, Dale, at si Shanaia, pero wala si Ate Claire. Asan kaya siya?
"Sinong mahal?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Sino na naman ang ibig sabihin niyang mahal?
"Edi si Aminah. Sino pa ba." Sali namam ni Shanaia sa usapan.
"Ah. Nasa labas. Nauna na akong pumasok."
"Bakit Yhan? Bakit mo siya iniwan sa labas?" Ang arte nito. Ang OA pa.
"Tsk, sino ang iniwan sa labas?" Napatingin ako sa likuran ko ng may narinig akong nagsalita. Nakita ko si Aminah.
"Ah. Wala babe. Ang sabi ko, gusto ko ng lumabas, naiihi na kasi ako." Asus. Galing din magpalusot ng isang 'to eh no?
Bigla akong hinatak ni Aminah papunta sa kanila at umupo kaming dalawa.
Pagka-upo ay agad kung nakitang binatukan ni Aminah si Dale.
"Sinong tinatawag mong babe ah?" Galit na tanong ni Aminah. Si Dale naman, hinihimas yung ulo niya.
"Ah. Wala. Wala akong tinatawag na babe. May narinig ka ba Yhan na tinawag kung babe? Diba wala naman?" Ani ni Dale sabay kindat sa 'kin.
"Ah. Oo wala." Sang-ayon ko naman.
"Oh. I'm glad you're all here now." Napatingin kami sa pintuan ng may nagsalita.
"Good Morning Head Mistress." Bati naman kay Ate Claire.
"Good Morning din." Bati niya naman pabalik.
"Bakit niyo daw po kami pinatawag?" Bungad naman ni Shanaia.
"Oh. May magandang balita ako sa inyo." Sagot ni Ate Claire saka tumungo sa upuan niya.
"Ano naman po yun?" Tanong ni Aminah. Saka napakamot ng ulo
"Tungkol ito sa mga hinahanap niyong parte ng magical clock."
Napakunot nalang ang noo ko. Ano ba ang good news dun? Sasabihin ni Ate Claire na madadagdagan ng isa pang part ang magical clock at kailangan naming hanapin yun? Sana naman hindi na madagdagan. Nakakapagod na kaya.
"Nahanap na naman ang nawawalang huling parte ng magical clock. Ang ikaapat na parte ba." Napangiti naman kaming lima sa narinig namin.
Hay. Salamat naman. Back to Normal na ang life namin.
"Huh? Nawawala po ba yun?" Napatingin naman kami kay Shanaia nung nagsalita siya.
"Yeah. Napansin niyo ba sa mapa na wala ng lumalabas na X mark? Sinong may hawak nung mapa?" Bigla namang nagtaas ng kamay si Khen saka inabot kay Ate Claire ang mapa.
Isa isa kaming lumapit. Nakita kung totoo ang sinasabi ni Ate Claire. Wala na ngang may lumalabas na X mark sa mapa.
"Pero. Nasaan naman yun?" Tanong ni Dale. Oo nga. Nasaan naman kaya yun?
"Hindi nasaan. Ang dapat itanong ay kung sino ang may hawak nun!" Napakunot ang noo namin sa sinabi ni Ate Claire. Paano naging sino? Pero kung tao ang humahawak ng huling parte, sino naman kaya ang may hawak nun? Kyahh. Sino kaya?
~*~
A/N: Oh. Hulaan niyo kung sino ang may hawak nun.
P.S.
Don't Forget to Vote and Comment.
Written by: in_chan039
YOU ARE READING
Royal Academy for Wizards and Sorcerers
Fantasy[UNDER MAJOR REVISION] All she desired was to live her life normally, but fate wouldn't let her see her world fall apart.