Chapter 20: Hypnotise

3.5K 164 6
                                    

Chapter Twenty: Hypnotise

"Hoy bago tayo pumasok may sasabihin ako sa inyong dalawang bruha kayo." Sabi ni Shanaia at nilapitan kami. Ano kami pa ngayon ang bruha? Diba siya yung bruha at hindi kami?

"Unang una. Huwag na huwag kayong daldal ng daldal kapag nasa loob tayo ng Skyouri. Huwag kayong ano ng ano!" Makapagsabi naman ohh. Diba siya itong sobrang daldal?

"Yes MA'AM!" Diniinan talaga naming dalawa yung Ma'am.

"Good."

"Good." Pag-uulit namin sa sinabi ni Shanaia.

"Ugh. Bahala na nga." Naiinis na ani ni Shanaia.

Tumawa kami ni Aminah ng walang tunog. Huwag daw maingay sabi ni Ma'am eh. Alam niyo parang loka loka kami ni Aminah. Tumatawa ng walang tunog.

"Bilisan niyo na at pumasok na tayo." Aya sa amin ni Dale sila kasi ni Khen malapit na sa entrance nitong Skyouri Island.

Binilisan naman namin ang paglipad at pumunta na sa entance nito.

"Para silang robot ano? Parang hindi sila gumagalaw." Bulong ko kay Aminah.

Nauna na kami ni Aminah sa pagpasok. Tapos sumunod si Khen tapos si Dale naman. Tapos ewan ko ba kung bakit nasa labas pa si Shanaia.

Suminyas kami na pumasok na siya.

Nag thumbs up naman siya at pumasok.

Nakita kung tuminin si Shanaia sa mga Griffin. At bigla nalang umilaw ng kulay berde ang mata niya.

Oh no. Ano nga ba sinabi at pinaalala ni Khen tungkol sa mga Griffin? 'Ang mga nagbabantay dito ay mga Griffin. Hindi lamang ordinaryong griffin dahil may mga kakayahan silang mang-hypnotise. Huwag na huwag kayong titingin sa mata nila.'

"Oh no. Ma-ma---" bago ko pa matapos ang pagsasalita ko ay may nakita kaming mga leaf blades papunta sa direksiyon namin.

"Lintek talaga 'tong babaeng 'to. Pahamak." Galit at naiinis na sabi ni Aminah.

Inilagan naming apat ang mga leaf blades na atake ni Shanaia.

"Dapat natin siyang kalabanin." Dale smirked after saying those words.

"Huwag Dale. Kahit pa na kinakalaban tayo ni bruha eh, masama na siya. Na hypnotise lamang siya. Dapat lamang natin siyang ilayo sa mga griffin upang hindi na siya ma-hypnotise pa." Utos sa amin ni Aminah.

"Hai." Sang-ayon naman naming lahat.

Ginamit naming apat ang mga mahika namin upang mailayo si Shanaia.

Gumawa si Khen ng kuryenteng hawla at ikukulong sana si Shanaia kaso parang may barrier na pumapalibot sa kanya kaya bigla na lamang natibag ang hawla at kusang nawala.

Ikinumpas ni Aminah ang kamay niya at may lumabas na higanteng kamay na gawa sa yelo itinulak nito si Shanaia. Ngunit kahit anong tulak ni Aminah ay hindi man lang umaalis sa kinatatayuan si Shanaia.

"Ako naman." nakangiting sambit ni Dale saka gumawa ng parang bola at ikinulong si Shanaia. Ngunit hindi parin umaalis sa kinatatayuan si Shanaia.

Ikinumpas ni Shanaia ang kamay niya at gumawa ng mga matatalim na kahoy gaya nung ginamit niya nung naglaban sila ni Aminah.

Ikinontrol niya ang mga ito at ipinatama sa direksiyon namin.

"Protector" mabilis kong sabi kaya hindi na kami natamaan nung mga ginawang matatalim na kahoy ni Shanaia.

"Mag-isip kayo ng paraan. Mamaya ay mawawasak na itong shield na nagawa ko. Pansamantala lamang ito." Nagmamadali kong sabi. Patuloy parin kasi kaming tinitira ni Shanaia ng mga ginawa niyang matutulim na kahoy.

'Yhannie. Isip isip.' Sabi ng isang brain cells ko.

"Manahimik ka nga nag-iisip ako." I muttered. Ang daldal nitong brain cells ko. Hindi tuloy ako maka-concentrate.

'Yhannie. Ang Spell Book.' Utos ng isa ko namang brain cells.

Oo nga. Baka may spell dito. Agad ko namang binuksan yung spell book ko.

"Hanap."

"Maghanap ka Yhannie!" Yan lang ang mga sinasabi ko habang nagmamadaling humanap ng spell.

"Baka pwede na ang isang 'to." May nakita akong spell. Pero hindi ko alam kung gagana ito.

"Guluhin niyo si Shanaia. Gagawa akong paraan." Utos ko sa kanila.

Isa-isa silang umatake kay Shanaia ngunit gaya ng kanina. Hindi parin nila ito matablan dahil may shield na pumoprotekta kay Shanaia.

Habang ginugulo nila si Shanaia. Ako naman ay nag-cast ng spell. "Capite per Vincula" pagbanggit ko. Bigla namang may lumabas na mga baging mula sa lupa ng Skyouri Island.

Hindi ito nakita ni Shanaia kaya nahuli siya nito. Agad ko namang ikinontrol ang mga baging at inilayo si Shanaia sa mga Griffin.

Nagpupumiglas pa si Shanaia kaya medyo nahihirapan pa akong ilayo siya. Ngunit nagtagumpay naman ako dahil naibalik sa dati ang kulay ng mata ni Shanaia at nawalan siya ng malay kaya inilapag ko siya sa ilalim.

"Shanaia." Paggigising namin ngunit hininaan namin ang boses namin dahil baka marinig kami ng mga griffin.

"Shanaia." Panggigising pa namin sabay yugyog sa kanya.

"Shanaia." Pangigising ulit namin.

"Ahh." Nagising siya ng nakahawak sa ulo niya. "Anong nangyari." Pagtatanong pa niya.

"Ikaw itong sumuway sa sinabi ni Khen. Diba kasasabi niya lang na huwag tumingin sa mga mata ng griffin." Mahinang pagpapaliwanag ni Aminah.

"Tss." Tumayo na rin siya mula sa pagkakahiga at nagsimula narin kami sa paglalakad.

Wow ang ganda naman pala nitong Skyouri Island. May tig-limang pahalang na nakatanim na kahoy sa bawat gilid ng Skyouri.

Tapos may mga rose bush pa at halatang alaga sila dahil ang gaganda ng mga bulaklak nito. May nakita din akong maliliit na. KYAHHH. Mga pixies! sila pala 'tong nag-aalaga sa mga bulaklak

Noon nakikita ko lang ito sa barbie. Ngayon nakikita ko na sila talaga sa personal. Kyahhh. Gusto kong magkaroon ng pixie ang cute nila. Gusto kong alagaan ang mga pixie.

"Kyahh. Aminah. Tignan mo may mga pixie. Gustong gusto ko silang yakapin. Ang kukyut nila." Na-eexcite na bulong ko kay Aminah.

"Hindi yan ang pinunta natin dito Yhannie. Sa Academy may mga pixie din dun. Hahanapan kita ng isa." Pambasag talaga 'tong si Aminah.

Parang ayaw ko ng umalis sa lugar na 'to ehh. Ang kukyut kasi nitong mga pixie. Kaso hindi pwede. Ang ipinunta namin dito ay ang parte ng orasan. Hindi ang mga pixies.

"Bye. Bye pixies." Paalam ko dun sa kanila pero binulong ko lang. Mahirap na baka marinig kami ng mga griffin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parang templo ng mga griffin.

Pumasok kaming lima sa loob ng templo. Tapos sa pinakasentro nito. May nakita kaming block ng bato at mayroong nakalutang na isang turnilyo.

Ito na ba yung unang parte ng magical clock? Eh. Ang liit nito ehh.

_________

So how's this chapter?

Kung may mali man po. Pa correct po ako. Salamat.

Vote and comment naman po kayo please. Para naganahang mag-update si Author. At kung pwede i share niyo narin. Advance gift niyo na. Kahit malayo pa ang Christmas. Whahaha.
__________

Written By: in_chan039

Royal Academy for Wizards and SorcerersWhere stories live. Discover now