Chapter 5: Her Journey Begins

8.9K 315 26
                                    

Chapter Five: Her Journey Begins

~Day 2~ (in Royal Academy)

-6:30 am-

Yhannie's POV

"Bakit ba hindi ako kasya dito sa maliit na cabinet na ito? Diba kasya naman ang mga gamit ko dito. Why? Bakit di ako magkasya?" Ani ko habang tinatry parin na mapagkasya ang sarili ko. Tinatry ko ngayon ipasok yung daliri ko muna. Kaso hindi parin ako magkasya. Hindi parin lumiliit.

Magdamag akong nandito sa maliit na cabinet tinatry na makauwi.

Narinig kong may kumatok sa pinto.

"Yhan." Rinig kong may nagsalita pagkatapos ng mga katok.

Agad ko namang binuksan yung pinto. Nakita ko si Aminah sa labas at nakangiti.

Anong ginagawa niya rito? Nakadrugs nga siguro siya. Wala naman kasing rason para ngumiti. My God. Baka naman ang pangit ko na. Teka makatingin nga sa salamin.

Agad ko namang pinuntahan yung salamin na nakalagay sa ibabaw ng mesa malapit sa kama.

Tiningnan ko yung mukha ko sa may salamin.

"Wala namang mali o nakakatawa sa mukha ko." Bulong ko sa sarili ko.

Nakita kung pumasok at umupo si Aminah sa gilid ng kama.

"Yhan. Alis na tayo. Ngayon ang first day of school. Kaya kailangan nating pumasok ng maaga." Wika niya saka ngumiti.

"Huwaat?" Literal na nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Huh? Di pa ako nakakatulog. Whaaa. Baka natatawa siya kasi may eyebags ako.

"Anong huwaat ang pinagsasabi mo? Bilisan mo na at mag-ayos kana!" Ani niya, sabay tulak sa akin papasok sa CR.

"Pero---" pagrereklamo ko pero naputol dahil sa isinara niya na ang pinto.

"Yung uniform mo anjan lang. Hanapin mo lang jan." Rinig kong sigaw ni Aminah mula sa labas.

Nakita ko yung uniform sa loob ng cr. Ang cute. Yung blouse kulay white. Tapos yung tie kulay blue at green. Yung manggas din may blue at green, pati rin yung kwelyo. Tapos yung palda mukhang hanggang---above the knee. Tapos kulay blue din at saka green saka may kaunting yellow.

"Oh My God. Umaga na pala? Napatapik ako sa noo ko. Ngayon palang ako inaantok. Makatulog nga muna dito. Bahala na siyang maghintay jan sa labas." Wika ko at natulog na muna sa loob ng CR.

---

"Yhan." Nagulat ako ng marinig kong may tumawag sa akin. Kaya idinilat ko ang mga mata ko.

"anong kailangan mo?" pagtatanong ko. Huh? Paano siya nakapasok sa loob ng CR?

"Gumising kana nga sabi at magbihis kana. Ano pang tinutulog-tulog mo jan?" Bulyaw niya sa akin.

"Ehhh. Inaantok ako ehh. Matutulog muna ako for five minutes. Tapos magbibihis na ako." Sabi ko at ipinikit uli ang mga mata.

"Yhan. Ano ba? Gumising kana jan. Malelate na tayo." OA naman nito.

"Opo. Magbibihis na po." Sabi ko sa kanya. Hay walang magawa ehh.

~ M E A N W H I L E ~

Lumabas ako sa CR ng inaantok kaya tumungo muna ako sa kama at humiga. Ipinikit ko muna mga mata ko para makarest man lang kahit sandali

"Hep. Hep. Hep. At anong ginagawa mo jan ahh?" Rinig ko, mukhang boses ni Aminah.

"Humihiga at natutulog. Obvoius ba?" Sagot ko

Royal Academy for Wizards and SorcerersWhere stories live. Discover now