Epilogue

3.2K 90 21
                                    

Epilogue:

Maaga akong nagising dahil sa kailangan kong i-check kung nagigising na ba siya.

Sariwa pa sa isipan ko ang mga nangyari kahapon. Ang mga nangyari sa Great War II.

"Resienra Peiertodas" pagkatapos niyang masabi ang spell na yun ay kusang lumutang ang spell book. Bumukas ito sa himpapawid at unti-unting napupunit ang mga pahina nito. Ang bawat pahina nito ay umiilaw. Lumipad ito papunta kay Alexandra.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Ayaw gumalaw ng mga paa ko. Parang naging bato sila. Natatakot ako, baka naman kung anong mangyari.

Pumulupot sa katawan ni Alexandra ang mga pahina ng spell book. Nang mapuno na ng pahina ng katawan ni Alexandra, umilaw ito. Napapikit ako ng mga mata ko dahil sa sobrang liwanag. Pagkatapos nun ay nawala nalang siya sa kinatatayuan niya. Tumakbo ako papunta sa direksiyon ni Yhannie. Kailangan ko siyang tulungan, malubha na ang mga natamo niyang sugat.

"Yhannie." sigaw ko. Binilisan ko ang pagtakbo para mailigtas ko agad siya.

"Yhannie." Ng makarating ako, kusang pumikit ang mga mata niya.

"Yhannie." Sigaw ko habang niyuyugyog ang katawan niya.

"Yhannie. Okay ka lang ba? Yhannie. Sumagot ka!" Nag-aalalang sabi ko habang patuloy siyang niyuyugyog.

"Yhannie. Gumising ka." Sigaw ko.

Binuhat ko siya, mabuti nalang at hindi siya gaano kabigat. Kaya ko 'to. Kailangan ko siyang dalhin papuntang clinic. Kailangang magamot ang mga sugat niya.

Pinahiran ko ang mga luhang tumutulo sa mata ko. Nagsisimula na naman kasi silang tumulo. Bakit pa kasi nangyari 'to? Nakakainis naman kasi eh!

Inaayos na ngayon ang buong Academya. Bumabalik narin sa mga dorm nila ang mga estudyante. Unti-unti nang bumabalik ang lahat sa dati. Okay na ang lahat. Siya lang naman ang hindi. Siya lang ang nawala. Siya lang ang nang-iwan.

Nakangiti na lahat ng nandito sa Academy, lahat ng nakakasalubong ko binabati ako ng magandang umaga pero hindi ko sila pinapansin, masyadong mabigat ang dinadala ko para pansinin ko pa ang ibang tao. Sa sobrang saya nila parang wala nga lang nangyari kahapon e. Siguro masaya lang talaga sila dahil tapos na ang war sa pagitan ng Academy at ng Dark Side. Na mimiss ko na siya, namimiss ko na si bestfriend.

Ng makarating ako sa clinic, nagsimula na namang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Binuksan ko ang clinic at nakita kung nakabantay at nakahiga si Khen sa tabi ni Yhannie. Kahapon pa siya nariyan, simula ng dalhin ko si Yhannie sa clinic nakabantay na siya rito.

"Khen." Ginising ko si Khen.

"Gising na ba siya?" Tanong niya ng gumising siya.

"Hindi pa. Khen ako na muna ang magbabantay sa kanya, kumain ka na muna at magpahinga. Kailangan mo yun, kahapon ka pa nakabantay dito."

"Wala akong gana. Dito na muna ako."

"Khen kumain kana. Hindi niya gustong ganito ka. Nandito naman ako e. Ako na muna ang magbabantay sa kanya."mahinang sabi ko.

"Pabayaan mo na ako. Hindi ako gutom." Hindi na ako umangal pa, baka naman magkagalit pa kami.

Ibinaling ko ang tingin kay Yhannie. Kailan pa ba siya magigising? Gumaling naman ang mga sugat niya, kahapon pa nga e. Pero bakit ayaw niyang gumising? Hinihintay pa ba niya ang prince charming niya? Hinihintay niya pa ang true loves kiss. Sleeping Beauty lang ang peg?

"Bakit hindi pa siya nagigising?" tanong ko kay Claire.

"Gumaling na ang lahat ng mga sugat niya, ngunit parang naka-pause ang puso niya. Hindi ito gumagalaw. Pero hindi pa siya patay. Naka-froze lang ang heart niya. Hindi natin alam kung kailan siya magigising, siguro kung kaya nang mag-function ng heart niya, magigising na siya.

Hay. Hanggang kailan kapa magigising? Nakakapagod na kasing mag-antay. Gumising kana kasi Yhan. Miss kana namin.

"Good Morning sa inyo." Napatalikod ako at nakita ko si Claire.

"Good Morning po." Bati ko.

"Ano ng kalagayan niya? Gising na ba siya?"

"Hindi pa nga po e. Hanggang kailan ba siya ganito? Kailan pa siya magigising?"

"Walang nakaka-alam Aminah."

"I Love You Yhannie." Rinig kong sabi ni Khen. Gumising kana kasi Yhannie. Inaantay kana ni Khen.

-------

Yhannie's POV

Nagising na lamang ako sa isang bakanteng lote.

"Luh. Nahimatay yata ako. Anong oras naba?" Tinignan ko ang relo ko at nakita kong alas sais na pala ng gabi. Lagot, may exam pa kami bukas.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at nagsimula ng maglakad. Habang naglalakad pauwi bigla nalang sumakit ang ulo ko.

"Ahhh." Napahawak ako sa buhok ko. Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa sobrang sakit.

May nakikita ako, isang orasan, nasa bag ko.

"ahhh." Nang hindi na sumakit ang ulo ko tinignan ko ang bag ko at nakita ko doon ang isang orasan. Anong gagawin ko dito. Bakit may ganito dito? Saan ko 'to nakuha?

Ipinasok ko nalang sa loob ang orasan at nagpatuloy sa paglalakad. Baka naman aksidenteng napasok ko ang isang 'to sa bag ng nagmamadali ako kanina para pumunta sa school. Pero wala naman akong naaalalang may ganitong orasan ako.

"Lola. Nandito na po ako." Sigaw ko mula sa labas ng bahay.

"Oh, bakit ka na naman late umuwi?"

"Lola kasi e. Paano ba naman kasi walang sasakyan kanina kaya ayon, naglakad nalang ako pauwi. Pero lola, tignan niyo po oh. Nakita ko sa bag ko. Kakaiba po kasi ang orasan na 'to sa mga nakita ko. Hindi ko naman alam kung ano ang isang 'to at saan ito galing"

Nanlaki ang mata ni lola sa nakita niya sabay sabing "Ang Magical Clock!"

"Ang ano lola?"

"Ang Magical Clock!" Napangiti na lamang si lola saka may kung anong ginawa sa orasan.

Pagkatapos ay bigla nalang itong umilaw kaya napapikit nalang ako ng mata.

Then, after a couple of minutes. I slowly opened my eyes. I found myself in the middle of the forest. Paano nangyari 'to? Kanina, kasa-kasama ko si lola, tapos ngayon nandito na ako.

"Nananaginip ba ako?" Sabay sampal sa pisngi ko.

But then, nothing happens. I think this wasn't a dream.

"Yuko!" Napadapa naman ako dahil sa narinig kong may nagsalita.

"Ok ka lang ba miss? Buti nalang hindi ka natamaan." His voice. This voice is so familiar.

Napatingin naman ako sa harapan at nakita ko si Khen. I knew it was him.

Agad akong tumayo at niyakap siya. "Khen, I miss you!" Mahigpit ko siyang niyakap habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Yha-Yhannie? Bu-buhay ka?" Naramdaman kong niyakap niya rin ako ng mahigpit.

"Khen, na-miss talaga kita. Kamusta ang mga kaibigan natin? Ang academy? Anong nangyari? Nanalo ba tayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Ok na Yhannie. You don't have to worry, okay?"

"Okay." Sabi ko sabay tango.

Binigyan niya ulit ako ng isang napakainit na yakap. "Na-miss talaga kita Yhannie, Mahal ko."

"Na-miss din kita, Mahal ko." Nakangiting sabi ko.

~The End~

~*~
A/N: Yehey. Finally natapos rin. Patawad dahil ang ikli lang ng epilogue. pag may time, i-eedit ko 'to.

Royal Academy for Wizards and SorcerersWhere stories live. Discover now