Chapter Twenty-One: Illusion
Yhannie's POV
"So yun na yung unang parte ng magical clock?" Tanong ko sa kanila sabay turo nung turnilyo sa ibabaw ng malaking block ng bato.
"Maybe." Sabay na sagot nilang apat.
"Anong maybe? So hindi niyo alam?" Nakapameywang kung tanong. So papaano kung hindi pala yun ang unang parte ng magical clock? Anong mangyayari?
"Halina kayo. Kunin na natin yung turnilyo sa ibabaw mung bato." Aya ni Shanaia sa amin.
"Huwag. Baka mapahamak na naman tayo. Pahamak ka kaya." Pagpipigil with matching insulto pang sabi ni Aminah.
"Tss. hindi na mauulit yun ano." Confident na sabi ni Shanaia.
"Talaga? Eh papaano kung mangyari na naman yun aber? Mapapahamak na naman kami dahil sa iyo." Biglang sali ko naman sa usapan.
"Hindi na nga mangyayari yun." Confident na sabi uli ni Shanaia.
"Anong hindi? Nakakasiguro ka ba?" Tanong naman ni Aminah.
"Hindi." Simpleng sagot niya.
"Hindi naman pala. Eh bakit ikaw ang kukuha? Gayong hindi ka naman pala sigurado na hindi tayo mapapahamak ulit ng dahil sa'yo." Sabi ni Aminah saka nag*roll eyes* kay Shanaia.
Natahimik lang si Shanaia.
Naging tahimik ang atmosphere dito sa amin. Parang walang gustong magsalita.
May nasabi ba si Aminah? Anong mali sa sinabi niya?
"Alam mo ang sakit mo talaga mag-salita." Sumbat ni Shanaia kay Aminah saka lumabas ng templo. Nakita ko rin ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ni Shanaia. Ngunit pinigilan niya lamang ito.
"Shanaia. Sandali." Pagpipigil ko kaso hindi siya nakinig at lumabas nalang siya ng templo.
"Hayaan mo na siya Yhannie. Tayong apat nalang ang mag-hahanap ng mga parte ng orasan. Hindi naman natin kailangan ng tulong mula sa kanya." Parang naging masakit na kung magsalita 'tong si Aminah ahh. Kahit hindi ako ang sinasabihan niya. Ramdam ko parin ang sakit.
"Pero Aminah. Parte na siya ng grupo. At kung ano man ang naisabi niya noon sa iyo. Patawarin mo na siya." Sumbat ko kay Aminah.
"Akala niya ba hindi siya masakit kung makapag-salita? Masakit din kaya." Pagmamatigas parin ni Aminah.
"Oo nga. Pero kapag wala siya---ugh. Hindi naman natin alam baka mangaylangan din tayo ng tulong. Baka nga siya pa ang makatulong sa atin ehh. Saka diba magiging boring 'tong paglalakbay natin kung wala ang gaya niya?" Pangungunsinsiya ko sa kanya. Sina Khen at Dale naman nakatingin lang sa amin at nakikinig. Uyy. Tulungan niyo naman ako dito oh. Hindi ako magaling sa mga ganito.
"Pero---" natigilan si Aminah ng magsalita ang dalawa.
"Aminah." Sabay na sabi nila. So ganun lang ang maitutulong nila?
"Aminah. Kapag hindi kapa magbabago at papatawarin siya. Wala ka naring pinagkaiba sa kanya." Sumbat naman nilang dalawa.
Wow! Sabay talaga? Ni rehearse talaga nila ang sasabihin nila ahh. Sabay na sabay kasi ehh.
Yun pala yung pinag-iisipan nilang dalawa na sasabihin.
"Sige na nga." Nakasimangot na sabi ni Aminah saka lumabas na ng templo.
Aminah's POV
Nakakainis naman 'to ohh. Dapat hindi ko ginagawa 'to ehh. Pero andito ako papunta sa labas ng temple para mag-sorry sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Diba hindi naman ang ang may kasalanan nun?
YOU ARE READING
Royal Academy for Wizards and Sorcerers
Fantasy[UNDER MAJOR REVISION] All she desired was to live her life normally, but fate wouldn't let her see her world fall apart.