Chapter 28: History

3.6K 167 6
                                    

Chapter Twenty-Eight: History

Yhannie's POV

"So kung tao ang may hawak ng huling parte ng magical clock." Nagbuntong hininga muna si Aminah bago magpatuloy. "Sino naman ang may hawak nito?"

"Ang may hawak ng huling parte sa si Yhannie." Simpleng sagot ni Ate Claire.

Huh? Tama ba pagkakarinig ko? Yhannie? Ako ba? Minsan magpatingin na ako sa mga espesyalista sa pandinig para naman malaman ko kung may problema na ba ako sa pandinig. Hindi naman siguro Yhannie ang sinabi ni Ate Claire. Paano naman mapupunta sa akin yun? Tsk, ni hindi ko nga alam kung ano yun eh.

"Sino Ate Claire?" Hindi kasi ako naniniwalang ako ang may hawak nun eh.

"Ikaw." Sagot niya sabay turo sa akin.

Napatingin lang silang lima sa akin kaya tinignan ko sila isa isa.

"So. Bakit niyo ako tinitignan?"

"Nasa sa'yo pala yung huling part?" Tanong ni Dale.

"Huh? Paanong nasa akin? Ni hindi ko nga alam kung ano yun eh. At kung ano ang itsura nun.

"Yhan." Napatingin ako kay Ate Claire ng tinawag niya ako.

"Ano yun Ate Claire?"

"Nakita mo ba yung sulat sa loob ng spell book?"

"Yun po ba ang nasa unang pahina?" Kunot noong tanong ko.

"Ahh. Oo."

"Opo. Nakita ko po siya, pero hindi ko binuksan at binasa yung nakasulat. Diba may nakasulat doon sa nakatiklop na pahina, yung nakalagay Don't open until it's time! Kaya ayun. Hindi ko siya binuksan." Pero minsan na-iintriga ako kung ano ang nakasulat doon. Baka spell nga yun para magkaroon ako ng barbie.

"Good Insan. Buti nalang hindi mo siya binasa." Huminga muna ng malalim si insan bago magpatuloy. "Ang mga nakasulat doon kasi ang bagay na makakapagpagana sa Magical Clock."

"Ah." Sabi ko saka tumango-tango. Parang gusto ko tuloy buksan.

'Huwag Yhannie. Diba nga, ang nakasulat doon ang makakapagpagana sa Magical Clock! Pagbinuksan mo yun, tapos baka maisaulo mo yung spell, tapos madulas ka at mai-cast mo. Lagot ka! Gagana yung Magical Clock. Tapos hahanapin niyo ulit yun. Hindi ka ba napapagod?' Minsan nakatutulong din ang mga brain cells ko.

"Yhan." Natauhan ako ng marinig kong may tumawag sa akin.

Napatingin lang ako sa kanila.

"Yhan. Wag mo munang buksan yung nakatiklop na pahina ah." Pagpapaalala sa akin ni Ate Claire.

"Hai!" Sang-ayon ko. Hindi ko na nga lang bubuksan. Kahit kating-kati na ang kamay kung buksan yun.

"Sige na. Tapos na ang ibinigay kung importanteng misyon. Pwede na kayong bumalik sa mga dorm niyo at magpahinga dahil excuse kayo ngayong araw." Pag-didismiss ni Ate Claire sa amin

"Sige Head Mistress. Bye." Paalam nila.

"Sige ate Claire. Alis na po kami." Paalam ko naman.

Lumabas narin kami ng opisina ni ate Claire.

"Anong oras na ba?" Napatingin si Dale sa wrist watch niya.

"7:44 na pala. Saan kayo pupunta?" Dugtong niya.

"Ako pupunta sa library. Marami pa kasi akong hindi alam sa Academy kaya magbabasa muna ako." Sagot ko.

"Ikaw Aminah?" Sabi ko sabay turo sa kanya.

Royal Academy for Wizards and SorcerersWhere stories live. Discover now