Chapter Nine: Punishment
Yhannie's POV
"Ate." Sigaw ko dun na nakita kung babae---si Insan. Whaaa. Nakita ko si pinsan. Hihi. Ate talaga tawag ko sa kanya since mas matanda siya sa akin ng 8 taon.
"Yhannie. Ikaw nga. Namiss kita insan. Kamusta ang buhay natin ahh?" Pagtatanong ni Insan.
"Whaaa. Namiss din kita insan." sabi ko saka niyakap si Insan.
"Hay. Di ka parin nagbago ano? Ganun ka parin. Parang bata."
"Sorry to disturb your moment but kailangan silang parusahan dahil sa ginawa nilang pagsira dito sa Academy." Bigla sali nung babaeng medyo maputi tapos singkit yung mata, may pagkatangos din yung ilong, at medyo curly yung buhok. Epal talaga itong si ate ano? Nagmomoment pa kami dito ohh. Kitams? Ngayon nga lang kami nagkita ulit ni pinsan ehh.
"Ohh. Sorry." Ani ni Insan saka nag bow. Nag-bow din ako. Damay damay na ito no!
"Both of you. Go to the office of Ms. Claire now." Ani naman nung lalaki na nag-awat sa amin kanina. Pero tama ba ang pagkarinig ko? Office? Teka nga i recall ko sinabi niya.
'Both of you. Go to the office of Ms. Claire now.' Tama nga. Whaaa. May office si ate Claire? Ano ba ang ginagawa niya rito? Teka akala ko nag abroad siya. Sabi niya pupunta daw siya ng Hongkong!
Hongkong! Baka Hongkong 'to. Oo nga. Kasi may magic magic. Parang fairy tales. Wow. Bakit ngayon ko lang naisip 'to.
"Ate. Nasa Hongkong ba tayo?" Pagtatanong ko habang naglalakad kami ni Ate. Kami yung nauna, tapos yung iba nakasunod lang.
"Hongkong? Anong pinagsasabi mo Insan?" Akala ko Hongkong 'to. Hindi ba? Siguro nga Nasa isang Magical School talaga ako.
"Ate. Ano naman pala ginawa mo dito? Bakit ka napadpad dito?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Insan. Alam mo bang ako ang Mistress dito!" Masayang ani ni insan.
Ano? May saltik ba itong si insan? Mistress ba sabi niya? Masaya ba siya sa pagiging kabit? Proud siya proud? Sino ang lalaking yan ahh?
"Insan naman ehh. Sa dami dami ng pwedeng aplayang trabaho bakit pagiging kabit ang inaplayan mo? Ano ka ba in---" bago ako matapos sa pagsasalita, biglang nagsalita si Insan.
"Hindi ganun yun. Hindi ganun ang ibig kung sabihin. Mistress as in Head Mistress." pagpapaliwanag niya. Naku! Naloko na. Siya pa ang utak ng lahat ng mga Kabit.
"Alam mo ba ang saya maging Head Mistress nitong Academy." Dugtong pa niya. Ay ganun pala ang ibig niyang sabihin. Hihi kala ko kabit ehh.
"Ate. Bakit ganun? Bakit nasira yung kabilang bahagi ng dorm? Sinong gumawa nun?" Pagtatanong ko kay Insan. Oo nga. Sino ang gumawa nun. Kawawa naman ng mga aayos nung dorm. Siguradong mapapagod talaga sila.
"Ikaw at si Khen ang sumira nun insan. Hindi mo na naaalala?" Sagot naman ni insan.
Ako at saka sino? Si Khen? Yung lalaki? Yung kaapelyido niya yung brand nung sabon?
Teka ako? Di ko naman naaalalang ako ang gumawa nun ahh.
Inalala ko lahat ng nangyari simula kanina.
"Oo nga. Ako rin yung sumira sa dorm. Teka paano ako nagkaroon ng kapangyarihan? Isinumpa ba ako?" Natatarantang wika ko. Diba ganito sa frozen? Di na kontrol ni Elsa yung kapangyarihan niya kaya tinangka siyang patayin. Paano kung pareho din yung mangyari sa akin? Paano kung di ko rin ma kontrol yung magic ko? Kakanta din ba ako? Tapos yung title. Let it Flow kasi tubig yung ginagamit ko?
YOU ARE READING
Royal Academy for Wizards and Sorcerers
Fantasy[UNDER MAJOR REVISION] All she desired was to live her life normally, but fate wouldn't let her see her world fall apart.