Chapter Twenty-Five: Darkness Forest
Yhannie's POV
"Bakit ba kasi ang aga natin?" Naiinis na tugon ko habang naglalakad kami.
Ang aga kasi ng alis namin sa Academy para pumunta sa Darkness Forest. Para naman daw maaga din kami maka-uwi.
"Manahimik ka jan Yhannie. Wag ka ngang magreklamo. Kung ayaw mo umiwi ka nalang." Sigaw ni Aminah sa akin. Kung alam ko lang ang daan ehh. Uuwi talaga ako.
"Ang lapit lang kaya natin sa isa't isa. Magkatabi nga lang tayo ehh. Bakit ka sumisigaw." I muttered.
"May sinasabi ka?"
"Ah. Wala ang sabi ko bakit ang ganda ko!" Palusot ko. Wow naman kasi. Lakas makabasag eardrum ang sigaw niya.
"Teka nga pala. Nasaan na ba tayo. Wala pa ba tayo sa forest." Pag-iiba ko ng usapan. Naman kasi eh. Nagugutom na ako. Gusto ko nang kumain. Kung alam ko lang sana ang daan pauwi. Kaso hindi ko nga alam kung nasaan na nga kami.
"Tss. We're here." Natigilan ako sa paglalakad sa sinabi ni Khen. Bigla nalang kasi umihip ng malakas ang hangin at dumidilim na ang langit.
Akala ko ba umaga ngayon. Ganito ba ang ibig sabihin ng maaga? Madilim? Hindi naman nila sinabing uulan ngayon.
"Yhan. Ano pang tinutunganga mo jan. Bilisan mo na ang paglalakad." Sigaw ni Aminah sa akin. Napatingin ako sa unahan ko at nakita kong malayo na sila sa akin. Nakita ko ang mga patay na puno hindi naman totally patay talaga. Meron naman kasing mga dahong natitira. Pero kakaunti nalang.
Binilisan ko nalang ang paglalakad ko dahil ang layo na ng agwat namin. At ako nalang ang naiiwan dito mag-isa sa entrance ng nakakatakot na forest.
Biglang umihip ang malamig na hangin.
"Kyahh. Minumulto pa ako? Minamaligno?" Napatingin ako sa kaliwa't kanan. Ngunit wala akong nakita.
Kyahhh. May multo nga. Galit ba siya dahil sa pumasok kami sa forest ng hindi nagpapaalam sa kanya. Kyahh baka multo ang Guardian nitong forest. Sana naman hindi.
Mula sa kaninang paglalakad ay tumakbo ako papunta kina Aminah.
"Ano bang tinatakbo-takbo mo Yhan?" Nakakunot noong tanong ni Dale ng malakapit ako sa kanila.
"Nag-jojogging ako. Para naman mabawasan ang timbang ko." Pagsisinungaling ko. Tumango-tango lang si Dale.
Bigla akong may narinig na kakaibang tunog. Kaya napaigtad ako dahil sa narinig ko.
"Ano yun?" Natatakot kong tanong. Saka dumikit at kumapit sa kamay ni Aminah
"Tss. Tiyan mo lang yun." Sagot naman ni Shanaia.
"Ahh. Tiyan ko lang ba yun?" Nakaramdam din ako bigla ng pagkagutom. Ang tummy ko. Nagugutom na daw siya. Sana naman may pagkain silang dala.
"May pagkain ka ba jan Aminah?"
"Wala." Tipid niyang sagot.
"Eh. Ikaw Dale?"
"Wala akong pagkain Yhan. Sorry."
"Sha---"
"Wala rin."
"Wala rin ako. Wag kanang magtanong pa." Biglang sagot naman ni Khen.
Huhu. Bakit ganito nalang ang galit ang pagkain sa akin?
Napasimangot nalang ako habang naglalakad kami. Wala talagang awa itong mga kaibigan ko.
"Hindi ka ba kumain ng umagahan ha Yhan?" Napatingin ako kay Dale at tumango. Nagtanong pa siya eh no? Magtatanong ba ako kung may pagkain sila kung nakakain ako? Minsan may pagka-ano din itong si Dale. Obvious na nga, nagtatanong pa. Hindi niya ba nahahalata?
Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong unti-unting lumiliwanag ang langit. Mula sa kaninang madilim na paligid, naging maliwanag na ito. Ang kaninang mga patay na kahoy ay unti-unting tinutubuan ng mga dahon.
Hindi na ako nagtaka na ganito nalang kabilis ang pag-lago ng mga dahon sa kahoy dahil nga, nasa isang magical world ako.
Biglang tumunog ulit ang tiyan ko. Naku naman, sana mahanap na namin ang parte ng orasan. Hindi ko na talaga kaya ang gutom kong ito.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Kyahhh. Tignan niyo ohh. Mga kabute." Tumalon at pumalakpak pa ako dahil sa nakita ko. Kyahh. Gustong gusto ko na talagang kumain.
Tinuro-turo ko yung mga kabute sa paligid ng isang kahoy.
"Tss. Wag mong kainin yan. Baka sumakit ang tiyan mo jan." Bakit ba naman sasakit ang tiyan ko? Kabute lang naman ito. Minsan ang OA din ni Dale.
Tumakbo ako papunta sa may kahoy at agad kumuha ng mga kabute.
"Khen. Paluto naman oh." Sabi ko at nag-puppy eyes kay Khen habang buhat-buhat ang mga kabute.
No choice na ako. Kesa naman mamatay ako sa gutom
"Tsk, wag mo akong sisihin kung may mangyari sa'yo ah." Bored niyang sabi. Ako sisisihin siya? Heller. Ako kaya ang may gusto. Teka may mangyayari ba? Anong masama sa kabute? Minsan talaga ang OA ng mga kasama ko.
Nakita kong bigla namang may lumabas apoy sa kamay ni Khen kaya hinawakan ko ang mga kabute at inilagay sa itaas ng kamay niya.
"Teka lang. Huhugasan ko muna." Ikinumpas ko naman ang mga kamay ko at may lumabas na mga bilog na tubig kaya inilagay ko ang mga kabute sa loob nito. Maya-maya ay inihaw ko na. Ewan ko lang kung anong magiging lasa nito.
Pagkatapos ng ilang minutong ihawan ay kinuha ko na ito at kinain.
"A*munch*yaw niyo *munch* kumain? Masarap *munch* 'to" aya ko sa kanila. Hindi naman kasi masama ang lasa.
"Tsk, were not hungry." Nakapameywang na sabi ni Air Head.
"Ok. Edi ako nalang kakain *munch*"
Kinain ko lahat nung inihaw kong kabute. Masarap naman pala ang lasa. Na try ko na dati 'to sa amin eh. Kaso ang pangit ng lasa. Iba rin naman pala ang lasa ng mga kabute sa kanila. Nasa Mortal World nga ako diba?
"Yhan." Natigilan ako sa pagkain ng tinawag ako ni Dale. Nakakainis naman oh. Sarap ng kain ko dito. Istorbo naman oh.
"Ano?" Nabubw*sit na tanong ko.
"Ahh. Tignan mo yang nasa ulo mo." Sabi niya saka tinuro ang ulo ko. Ano na naman ba 'to? Binibiro niya naman ba ako?
"Pag ito. Isa mo namang biro. Makakatikim ka talaga sa akin."
Kinapkap ko ang ulo at may naramdaman akong bagay na kung ano.
"Ano 'to." Sabi ko habang kinakapkap parin yung bagay na nasa ulo ko.
Nakita ko ang mga ekspresiyon sa mga mukha nila na parang natatawa.
"Kabute yang nasa ulo mo Yhan." Natatawang sabi ni Dale. Ang kabute ang pinagsasabi nito? May naiwan bang kabute sa ulo ko? Sinong naglagay?
"Sinong naglagay ahh?" Tinigan ko silang apat ng masama. Napalungo lang sila.
"I think. Kusa yang tumubo sa ulo mo Yhan." Huwaat? Anong kusang tumubo sa pinagsasabi nitong Bruha?
"Huwaat? Kusang tumubo?" Naguguluhang tanong ko.
~*~
A/N: Heyya! Sa lahat ng sumusuporta. Maraming salamat. Sorry at ngayon lang nakapag-update. Nag-stay muna kasi sa bahay si 'Katamaran'.
Don't Forget to VOTE.
Written by: in_chan039
YOU ARE READING
Royal Academy for Wizards and Sorcerers
Fantasy[UNDER MAJOR REVISION] All she desired was to live her life normally, but fate wouldn't let her see her world fall apart.