Chapter 37: The Visit

3.2K 128 30
                                    

Chapter Thirty-Seven: The Visit

Yhannie's POV

Pagkarating sa cotton candy stall ay agad akong bumili.

"Ate, lagyan niyo ng design ah. Dapat yung maganda." Sabi ko kay ateng nagtitinda.

Humarap ako kay Khen dahil hindi parin siya umiimik"Khen gusto mo rin ba?"

"Tsk, nope." Mahinang sabi niya.

"Edi wag! Hindi naman kita pinipilit e," I muttered

"Huh?" Kunot noo niya akong tinignan.

"Ah wala."

"Ma'am ito na po yung cotton candy." Sabay lahad ng cotton candy ng babaeng nagtitinda. Kinuha ko naman iyon. Ang ganda nung ginawa niya. Heart siya then halo-halo yung color. Ang gandang tignan. Parang ayaw ko na ngang kainin, but I'm hungry. No choice na ako, dapat ko siyang kainin.

Kumagat ako sa cotton candy na hawak hawak ko. "Ang sarap talaga nito. I miss this kind of food. Ngayon lang ulit ako nakatikim nito." Sabi ko. Napansin kong nakangiting tumititig si Khen sa akin. Hala! Ano kayang nginingiti-ngiti niya? Gusto niya rin ba? Pero sabi niya ayaw niya e. Basta hindi ko 'to i-shashare. Ang mahal kaya nito, tapos ipang-bibigay ko lang? Bahala siya. Bumili siya kung gusto niya.

After I bite the cotton candy. I saw him still staring at me while smiling. Anong nginingiti-ngiti nito? Nakaka-irita na ah. Hindi ako maka-focus sa pagkain. Parang somewhat naiilang ako. I don't know bakit ko 'to nararamdaman. Inilahad ko nalang yung cotton candy sa kanya. Kahit labag sa kalooban kung mag-share ng pagkain, kailangan kung gawin.

Khen's POV

Habang kumakain siya ng cotton candy, I can't stop myself from staring at her, she's really cute while eating. Nagulat ako ng biglang inilahad niya yung kinakain niya sa akin. Napakunot nalang ang noo ko sa kanya. What she's planing to do? Ipapakain niya sa akin yang cotton candy?

"Sige na. Kumagat kana, pero liitan mo lang ha." Sabi niya saka napa-iling. But there's nothing wrong naman kung kumagat ako. Masarap naman siguro. Kaya kumagat ako sa cotton candy. Yeah, she's right. Its delicious. Masarap nga siya.

After kung kumagat, I feel something, and that's bothering me. I can sense and feel it. I can feel a strange and strong force. But that force somewhat familiar to me. Napatingin ako sa kaliwa't kanan. Wala naman akong nakita. Guni-guni ko lang ba yun?

"Anong hinahanap mo Khen?" Nagbalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses niya.

"Ah, wala." After that, nawala rin yung strange force na naramdaman ko.

Aminah's POV

Naglalakad kami ngayon ni Dale sa loob ng school campus. Tinutulungan siya, marami kasing nagpapagawa ng shop sa kanya. He's an Illusionist Remember? Tinutulungan ko siya dahil paghahatian daw namin yung ibabayad ng mga nagpapagawa. May bayad din kaya yun. And also I was trying to find Yhannie. Pinuntahan ko kasi siya sa dorm niya, sabi daw ng mga babae dun, nakita nilang umalis daw siya kasama si Khen. Kaya pinuntahan ko nalang si Dale. No choice na kasi ako.

After a while. I feel something. A strong force. But that's force is very familiar to me.

"Katana naramdaman mo rin ba yun?" Bulong niya.

"Of course. Anong akala mo sa akin manhid? Wag mo na nga akong tawaging Katana, Shian. Baka may makarinig sa atin."

"Sobrang pamilyar ng force na yun. Nandito ba siya?"

"Oo nga. Ang pamilyar ng force na yun. Siguro nandito nga siya, hindi imposibleng makabalik siya sa hinaharap kagaya natin. Nadamay din siya." Yes. You're right. I'm not Aminah Mcgarden. I'm Katana Highmore. And Dale's true name was Shian Young. Member kami ng Legendary Seven. Ang akala ng lahat, ay nasawi kami sa Royal War. Pero nagkamali sila, napunta lang kami sa hinaharap. Kasama naming napunta, sina Jane at Kurt na hanggang ngayon ay hinahanap parin namin.

"Wala na siya." Sambit ko ng hindi ko na maramdaman ang kakaibang force.

Sana mahanap na namin sina Jane at Kurt. At ang babaeng sinasaad sa propisiya. Ang babaeng ma-isisilang sa eclipse. Ang babaeng mortal, na siyang kapangyarihan ay kumontrol ng huling elemento.

Yhannie's POV

"Saan mo namang gustong pumunta?" Walang modong sabi niya habang nakapamulsa.

"Hmmp. Maghahanap muna ako ng magandang puntahan." Sagot ko naman sa kanya. Nagulat nalang ako ng biglang naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay ko, at nakita ko ang kamay ni Khen na nakahawak sa kamay ko. Hindi ko nalang kinuha. Well wala namang masama diba?

Kaya nagpalakad-lakad muna kami sa loob ng campus. Ang ganda talaga. Andaming booth. Parang gusto kung puntahan ang lahat ng iyon. While walking, a girl with a red dress caught my attention. Parang ngayon ko lang siya nakita. Sa katagalan ko dito sa Academy, parang kilala ko na ang lahat ng estudyante. Pero parang kakaiba siya. Baka tranferee lang.

"Sh*t!" Narinig kong napamura si Khen kaya napatingin ako sa kanya at tinanong siya "Khen, bakit?" Nanlaki ang nga mata ko ng nakita ko na ang kalahati ng itsura niya ay may mga itim na usok.

"Wala. Maglakad ka nalang." Napakapit nalang ako sa kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad. Pero bakit parang natatakot at kinakabahan ako?

Napatingin nalang ako doon sa babae. She's grinning at me while walking toward us. Nakakatakot siya, I can also see a dark smoke na nakapalibot sa kanya. Habang papalapit siya mas lalo pa akong kinakabahan, naririnig kong napapamura narin si Khen, ang bawat mura niya ay may halong takot at galit. Hindi ko talaga siya maintindihan.

Napatingin nalang ako sa paligid para naman mawala ng kaunti ang kabang nararamdaman ko. Pero ang weird ng paligid. Parang somewhat naka-pause sila. Nakahinto ang lahat ng tao. Ang kaninang sobrang ingay ay naging tahimik. Nahaduduling lang ba ako?

Naramdaman kong napahinto sa paglalakad si Khen kaya huminto rin ako. Napatingin ako sa unahan namin. Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang babae kanina na nasa harapan ko na ngayon.

"Hi younger brother." An evil grin curve on her face. Ang weird ng nakikita ko ha. May nakikita akong mga itim na usok na nakapalibot sa kanya.

"Why are you here?!" May galit ang bawat salitang binibitawan ni Khen.

"Oh, hindi mo man lang ba ako kakamustahin? How rude!" Nakangiting sambit nung babae. Hindi ko parin maintindihan ang mga nangyayari. May kapatid pala si Khen? Bakit hindi niya nabanggit?

"Is she your girlfriend? Hindi mo man lang ba ako ipapakilala?" Sabay turo nung babae sa akin. Sino ang tinutukoy niyang girlfriend ni Khen? Ako ba? Luh! Omaygad, baka naman may nakikita silang hindi ko nakikita? Multo? Omg!

"No, she's not!" Sabay bitaw ni Khen sa kamay ko. Napatingin nalang ako sa kanya. Ang seryoso ng mukha niya. Ganyan ba silang magkapatid? Diba dapat sweet ang magkakapatid? Bakit sila hindi?

"Oh well, ipapa-alam ko lang na, malapit ko ng wakasan ang buhay niyong lahat, ay hindi pala lahat, kailangan pa kita younger brother, pagsisilbihan mo pa ako." Then she smirk at us. Pagkatapos ay bigla din siyang nawala. Her body turned into smoke then unti-unting naglaho.

~*~

A/N: guys sorry dahil natagalan ako sa pag-update. Busy lang talaga. Kahit mag-3rd week palang ng klase, sobrang busy na. Plus may pagsusulit pa kami sa lunes. Actually apat na pagsusulit. Kaya kailangan kong mag-aral. Isiningit ko lang talaga 'to. Kaya patawad kung pangit man. Just keep supporting guys. Malapit na tayo sa wakas.

P.S. I wish and I pray na mataas ang makuha kong scores sa lunes.

P.P.S. salamat pala sa bumabahang notifs. Salamat din sa lahat ng readers na matiyagang naghihintay ng updates ko. Kahit sobrang tagal man.

P.P.P.S. uyy, wag na wag niyong sabihing snob si author ha. Hindi ko lang talaga ugaling mag-reply sa comments. Ewan ko ba kung bakit. Pero sa mga message, nag-rereply po ako. Promise.

Last na P.S., sasali ang Royal Academy sa Watty2016. Haha. Napag-tripan ni Author na sumali. Haha.

Read, Vote, Comment and Share.

Royal Academy for Wizards and SorcerersWhere stories live. Discover now