Chapter Eighteen: Important Mission
Yhannie's POV
Umakyat kaming lima sa itaas ng parang stage.
"Yhannie. Ayusin mo nga yang itsura mo. Bakit ganyan na yung itsura mo?" Bulong ni Aminah sa akin. Magkatabi kasi kami ngayon.
"Ahh. Eh. May nakalaban kasi akong isang babae at sinabunutan ako. Kaya ayun sinabunutan ko rin siya. May super speed kaya yung nakalaban ko kaya nahirapan akong talunin. Nakipagsabunutan pa kaya ako para lang makuha ko ang huling dalawang puntos." Pagpapaliwanag ko.
"Hahaha. Bakit ka ba nahirapan? Ang dali-dali lang kayang talunin yun." Pagmamayabang naman ni Dale na nasa tabi ni Aminah.
"Asus ang yabang." sabi ko. Siniko naman siya ni Aminah.
"Ikaw ba Aminah bakit ang taas taas ng score mo. Paano mo natalo ang lahat ng estudyante?" Nagtatakang tanong ko.
"Ahh. Gumagamit kasi ako ng Scrying magic ko para mahanap ang mga estudyante." Pagpapaliwanag naman niya
"Yung nagpapaiyak ng mga tao?" Tanong ko.
"Haha. Nagpapaiyak ng tao." Natatawang sabi ni Dale. Kaya siniko siya ulit ni Aminah kaya natahimik.
"Hindi yun. Ang Scrying ay paghahanap ng isang bagay gamit ang isip mo o gamit ang isang bola."
"Wow. Galing naman parang bolang kristal?" Namamanghang tanong ko.
"Yeah." Tipid na sagot niya.
"Ikaw naman Shanaia. Paano mo napabagsak ang S-Class na robot na yun." Pagtatanong ko naman kay Shanaia na nasa kabilang side ko.
"Simple lang. They have switch." Simpleng sagot niya. Ano? May switch ang mga yun? Bakit hindi ko nakita? Huhu. Kung alam ko lang yun. Sana hindi na ako nagsayang ng pagod pa at hinanap ko nalang yung switch. Dagdag limang puntos din yun ehh. Sana labing-tatlo na yung puntos ko.
"Ito na ang mga medalya niyo dahil sa kayo ang nakasama sa top five." Sabi ni Ate Claire saka ngumiti.
"Isa. Para sa'yo." Isinabit niya yung medalya kay Khen.
"Isa naman sa'yo." Tapos isinabit niya naman kay Aminah.
"Isa sa'yo." Isinabit niya naman kay Shanaia yung medal.
"Para naman sa'yo." Tapos isinabit niya naman ang medal kay Dale.
"At para sa'yo pinsan. Congrats. Ito ang medal mo." Sabi naman ni Ate Claire sabay nginitian ako. At isinuot sa akin ang medal.
"Wow. Thanks ate." Sabi ko sabay inihug si Ate Claire.
"Ate. Ano yung importanteng misyon na simasabi nung lalaki kanina." Bulong ko kay Ate Claire.
"Its for you to find out later. Sa ngayon. Magpagamot muna kayo sa mga healer." Bulong niya naman sa akin.
Hindi ba talaga pwedeng ngayon niya na sabihin? Hindi na kasi ako makakapaghintay pa mamaya ehh.
"Sige na go. Magpagamot na kayo sa mga healer. Lalo na ikaw insan." Bulong niya ulit sa akin Bago bumaba ng stage.
Tumungo naman kaming lima sa mga healer at nagpagamot.
~*~
Papunta na kami ngayon sa office ni Ate Claire doon niya daw kasi sasabihin ang importanteng misyon. Ewan ko ba at bakit hindi niya na sinabi kanina. Ang arte talaga ni insan.
"Yhannie bakit kaba tumakas kanina?" Napakunot ang noo ko ng nagtanong si Shanaia.
"Huh?" Nagtatakang wika ko.
YOU ARE READING
Royal Academy for Wizards and Sorcerers
Fantasy[UNDER MAJOR REVISION] All she desired was to live her life normally, but fate wouldn't let her see her world fall apart.