A/N: who wants dedication? Feel free to PM me.
~*~
Chapter Thirty-Four: Journey to Mount Hana
Yhannie's POV
"Anong iniiyak-iyak mo jan?" Cold na sabi ng isang batang lalaki at lumapit sa batang babae na nasa isang sulok.
"Kinuha ni Alexandra yung teddy bear ko." A little girl said habang patuloy na umiiyak.
Naglakad ang batang lalaki at agad pumunta sa isang batang babae na may hawak na teddy bear.
"That teddy bear is not yours. So better give that teddy bear to Akisha or else." Nakapa-mulsa na sabi ng batang lalaki. Matalim lamang siyang tinignan ng batang babae at nagsalita.
"Or else what? Susunugin mo ako?" Mataray na wika nung babaeng Alexandra yung name
"Yes. I'll burn you." May banta na sabi nung batang lalaki.
"Oo na. Ibibigay ko na." Nagdadabog na sabi nung batang babae si Alexandra at nagsimulang maglakad papunta sa isang batang babae sa may sulok.
"Oh Akisha." Sabay abot nung teddy bear.
Tumahan na sa pag-iyak ang batang babae na Akisha ata yung pangalan at nginitian nalang yung si Alexandra.
"Huwag kang ngumiti-ngiti jan. Nakaka-inis yang mga ngiti mo." Mataray na sabi nung Alexandra at nagsimula ng maglakad papaalis.
"K-khen. Sa-salamat." Na-uutal na sabi nung babae sabay ngiti.
"Tsk, simula ngayon kung may aaway sa'yo, sabihin mo lang sa akin at susunugin ko sila." Sabay hawak nung kamay ni Akisha.
"Si-sige ba. Pangako?" Ani nung Akisha.
"Pangako." Sagot naman nung Khen ata yung name. Ang cute nilang dalawa.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at nagsalita ang isang babae. "Akisha kain na. Khen dito ka narin mag-tanghalian." Sabi nung babae. Hindi ko masyadong mahagilap yung itsura. Ang blured kasi.
"Yhannie. Gising na!" Nagising ako dahil sa may narinig akong magsalita. Panaginip lang pala ang lahat.
Napadilat ako ng bahagya upang tignan kung sino ang nagsalita. Nakita ko si Khen sa gilid ng kama ko at nakapamulsa. Anong ginagawa niya rito. Tsk, siya pa talaga ang pinagising nila sa akin ha? Hindi niya ako kaya. Susuko din yan.
"Five minutes." Pagmamatigas ko. Inaantok pa kasi ako. Gusto ko pang matulog.
"Tsk, kung ayaw mong gumising. I'll kiss you." He said in a sweet tone. Sh*t nilalandi ba ako ni Khen? Kiss daw? Anong nangyayari sa kanya. Nababangungot yata ako. Kailangan ko ng gumising. Ipinikit ko ng madiin ang mga mata ko. At muling idinilat. Bakit hindi parin nawawala si Khen. Ipinikit ko uli ang mga mata ko.
Sana sa pagdilat ko, mawala na siya.
Ilang sandali ay may naramdaman akong mainit na hangin na unti-unting dumadampi sa mukha ko. Napadilat ako at nakita ko ang gwapong mukha ni Khen. Ang gwapo niyang tignan. Anong pinagsasabi ko? Lord gisingin niyo na ako sa bangungot na'to please. Di kaya ng powers ko.
"Ahh." Napasigaw ako at umupo. Sigurado ba talaga siya? Hahalikan niya ba talaga ako? Ayoko. Napa-iling nalang ako.
"Akala ko gusto mong mahalikan." Sabi niya saka nginitian ako ng nakakaloko. Wala na lamang akong naisagot at napatingin nalang sa mukha niya. Halatang bagong gising hindi pa kasi nasusuklay yung buhok niya. Pero ang gwapo parin niya. Anong pinagsasabi ko?
YOU ARE READING
Royal Academy for Wizards and Sorcerers
Fantasy[UNDER MAJOR REVISION] All she desired was to live her life normally, but fate wouldn't let her see her world fall apart.