Chapter 11: Training turns into Finding

6.6K 240 8
                                    

Chapter Eleven: Training turns into Finding

Aminah's POV

"Hoy babae. Gising na. Umaga na ohh." Panggigising ko kay Yhannie. Paano ba naman kasi, nakahiga parin. Matatapos na ako dito mamaya, pero siya ayun, nakahiga parin.

Hindi nga ako makatulog kagabi ehh. Ang lakas kasing humilik.

"Oo gigising na." Ani niya habang nakapikit ang mata.

"Oh. Bilisan mo na. Gumising kana jan. Magtra-training pa tayo para sa lakad natin bukas." Wika ko habang habang nag-aayos ng buhok at nakatingin sa salamin.

"Yhannie. Gumising kana nga jan." Panggigising ko ulit sa kanya.

"Oo nga. Gigising na." Nababagot na sabi niya habang nakapikit parin ang mga mata.

"Aalis muna ako." Ani ko at iniwan muna si Yhannie. Pupuntahan ko muna si unggoy. Hoy nagkakamali kayo. Magtatanong lang ako kung nai-excuse niya na kami para sa lakad namin bukas sa Seasonal Forest.

Tumungo ako sa boys dorm.

'Hi Aminah. Ang ganda mo ngayon ahh.'

'Hi Aminah.'

'Hey. Miss beautiful.'

Ito ang kinaiinisan ko kapag pupunta ako dito ehh.

"Che. Pumunta na nga kayo sa sari-sarili niyong classroom. Lakas niyo ring makabasag ng araw ano? Pasalamat kayo at hindi pwedeng gumamit ng kapangyarihan dito sa loob ng Academy, kung pwede lang sana. Matagal na kayong nanigas jan sa kinatatayuan niyo." Naiinis na bulyaw ko sa kanila. Mga pambasag ng mood.

"Hey. Dear, ano na naman ba ang sinisigaw mo jan ahh?" Rinig ko mula sa di kalayuan. Mukhang alam ko kung sino na yun ahh. Hinanap kO kung sino ang nagsalita at nakita ko s Dale sa di kalayuan na naglalakad papunta sa direksiyon ko.

Isa pa 'to ehh. Pambasag din ng araw. Ugh. Kailan ba siya titigil sa pagtawag sa akin ng mga nakakatawang endearment.

Ng makarating siya sa pwesto ko, agad ko siyang binatukan.

"Ano ba naman dear. Ang aga aga ang init ng ulo mo."

"Hanggang kailan ko ba sasabihin sa iyo na tigilan mo na ako sa pagtawag ng mga nakakatawang endearment na yan." Sigaw ko sa kanya at binatukan siya uli.

"Teka unggoy. Na-excuse mo na ba tayo?" Bungad ko sa kanya.

"Bakit? Wala naman tayong date o lakad ngayon ahh."

Kinurot ko siya sa tagiliran. Kahit kailan talaga. Ughh. Naiinis na ako, nakakainis talaga siya.

"Teka saging. Joke ko lang yun." Saging? May kausap siyang saging? O baka ako? Di naman ako mukhang saging ahh. Teka isa na naman ba yun sa mga nakakatawang endearment na naisip niya?

"Saging?" Galit at pasigaw kong tanong.

"Teka. Wag kang magalit, di naman yun endearment ahh."

"Anong hindi? Tigil-tigilan mo ako Vastia. Alam ko ang ibig sabihin nun unggoy." Sigaw ko saka binatukan siya ulit. Nilakasan ko na talaga para magtanda siya.

"Aray naman." Ani niya sabay himas himas ng ulo niya.

"Dapat lang yan sa'yo." Sigaw ko.

"Sagutin mo na ang tanong ko. Na-excuse mo na ba tayo para sa training mamaya?" Pasigaw na pag-uulit ko.

"Oo naman. Mabait kaya 'to. Never ko pang hindi nagawa ang mga pinag-uutos mo." Pround na sabi niya saka nginitian ako ng nakakaloka.

"Tss." Yan lang ang nasabi ko. Ugh. That kind of smile. I hate it. Kumukulo talaga dugo ko sa kanya.

Royal Academy for Wizards and SorcerersWhere stories live. Discover now