Chapter Twenty-Two: Celestial Kingdom
Yhannie's POV
Nandito na naman kami ngayon sa labas ng Academy. Kahapon nakuha na namin yung unang parte ng orasan. Ewan ko lang ha. Pero isang maliit na turnilyo ang nakuha namin. At simula ng nakuha namin ito. Hindi na ito tumigil sa pag-ilaw.
Parang hindi nga ako naniniwala na ito yung unang parte eh. Si Shanaia yung nagtago ng unang part. Ewan ko lang bakit sa kanya ipinatago ni Khen eh. Hindi kaya ako pabor na sa kanya ibigay. Baka kung anong mangyari sa unang parte ng orasan kung siya ang may hawak.
Sana sa akin nalang ni Khen ibigay. Iniingatan ko kaya ang mga gamit. Kahit kailan hindi sila nawawala sa akin.
"Yhannie. Anong tinutunganga mo jan. Tulungan mo na kami dito." Natauhan ako ng biglang tinawag ni Dale ang pangalan ko.
"Ha?"
"Tulungan mo kami dito. Huwag kang tutunga-tunganga lang jan." Pag-uulit naman ni Aminah.
Agad akong tumingin sa mapa. Hindi ko naman mahanap yung pangalawang X mark sa mapa.
"May sira ba itong mapa?" Pagbibiro ko.
"Anong sira?" Nagtatakang tanong ni Aminah.
"Wala kaya ang pangalawang X mark sa mapa. Hindi ko kaya ito nakikita." Mungkahi ko. Pero baka naduduling na naman ako o kung ano man. Baka malabo na 'tong mga mata ko.
"Buti pa tanungin natin si Ate Claire." Sabi ko. Habang tinitignan parin ang mapa.
"Oo nga. Sabihin nating wala ang pangalawang X mark dito sa mapa." Sang-ayon naman ni Aminah.
Tumango naman si Dale tanda ng pag sang-ayon.
"Tss. No need for that." Napatingin kami kay Shanaia nung nagsalita siya.
"Huh?" Napakunot nalang ako ng noo. Bakit? Alam niya ba kung saan ito matatagpuan?
May third eye ba siya?
"Tss. This is an important mission Shanaia. Wala kaming oras para sa mga biro mo." May awtoridad na sabi ni Dale.
"Do you think nagbibiro pa ako ngayon? Huh?" Nakapameywang na sagot ni Shanaia.
"Bakit hindi ba?" I muttered.
"May sinasabi ka?" Sabi sa akin ni Shanaia saka nilakihan niya ako ng mga mata niya.
"Oo. May sinasabi ako." Nilakihan ko rin siya ng mata.
"At ano naman yun." Sabi niya sabay roll eyes.
"Mas maganda ako kesa sayo." Pag-sisinungaling ko.
"Tss. In your dreams wicked witch!" Naniwala siya dun? Teka ako wicked witch? Diba siya yun.
"In your dreams airhead!" May diin na sabi ko.
"Pwede ba. Magsitigil kayo." Galit na sigaw ni Khen. Kaya natigilan kaming dalawa. Hala galit na siya. Pero hayaan na normal na yan sa kanya.
"Sabihin mo babae kung saan matatagpuan ang pangalawang parte ng orasan." May awtoridad na sabi ni Khen.
"Tss. Sa Celestial Kingdom!" Simpleng sagot niya.
"Celestial Kingdom?" Nagtatakang pag-uulit ko.
"I've heard that word before. Ang sabi daw nila kaharian iyon na mga Celestial Spirits or ang mga Zodiac Signs natin." Mungkahi naman ni Aminah.
Diba ang mga Zodiac Signs nasa kalawakan? So pupunta kaming outer space? Pero teka, tama ba ang pagkakarinig ko? Kaharian?
"Huh? Diba nasa outer space ang mga Zodiac Signs?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.
YOU ARE READING
Royal Academy for Wizards and Sorcerers
Fantasy[UNDER MAJOR REVISION] All she desired was to live her life normally, but fate wouldn't let her see her world fall apart.