Chapter 35: We're Back

3.1K 126 5
                                    

Chapter Thirty-Five: We're Back

Yhannie's POV

Habang nakasakay sa Guardian ni Khen. Natatanaw ko na mula rito ang Academy. Ang ganda pala pagmasdan ng Academy habang nasa taas ka.

"Students." Bungad sa amin ni Ate Claire ng makababa na kami sa sinasakyan naming mga guardians.

"Good Morning Head Mistress." Bati nila.

"Hi ate Claire." Bati ko naman ng makababa na ako.

"I'm glad na nandito na kayong anim."

"Kamusta ang naging paglalakbay? Nahanap at nakuha niyo ba ang dalawang Crystal Stones?" Agad na tanong ni Ate Claire.

Tumango-tango naman kaming anim. At kinuha namin yung Crystal Stones sa bag na dala-dala ni Aminah.

"Hindi naman ba kayo nahirapan?"

"Hindi naman po." Sagot ni Dale.

Ini-abot naman ni Aminah kay Ate Claire yung dalawang Crystal Stones na nasa bag na dala niya.

"Thank You." Pagpapasalamat ni Ate Claire. Saka pinagdikit yung dalawang crystal, umilaw ito ng sobrang liwanag kaya napapikit nalang kami ng mata. Ilang sandali pa ay nawala din ang liwanag.

"So, yun na yun?" Singit ni Aira.

"Yes. That's it. Unti-unting babalik na sa dati ang mga kagubatan." Sagot naman ni Ate Claire.

"Buti na lamang at maaga ninyong natapos ang inyong mission. Dahil makakapunta pa kayo sa festival na gaganapin bukas." Dagdag pa niya.

"Festival? Anong klaseng festival? Sa mortal world kasi andaming klase ng festival. Hindi ko na nga mabilang sa pagkarami-rami." Ani ko.

"Okasyon iyon na ginaganap tuwing buwan ng Oktubre." Pagpapaliwanag naman ni Shanaia.

"Anong ngang klase ng okasyon?"

"Sa araw na ito, ipinagdiriwang namin ang araw ng pagbubuwis ng buhay ng mga taga-academya sa naganap na war noong unang panahon." Pagpapaliwanag naman ni Khen. Tumango-tango nalamang ako. Ang dami ko talagang hindi alam tungkol sa eskwelahang 'to.

"Sige na, maari na kayong magpahinga. Ahh insan, sumama ka sa akin sa office, may sasabihin akong importanteng bagay." Hala ano kaya yun? Kyahh. Baka bibigyan niya na ako ng barbie. Diba natapos naman namin ang mission na ibinigay niya. Kyahhh. Am so excited.

Naglakad kami ni ate Claire papuntang office niya. Pagkarating ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Wow. Sosyal ko naman. Estudyante nga lang ako dito, samantalang siya Head Mistress,tapos ako pa ang pinag-bubuksan. Ganda ko talaga.

"Ma-upo ka insan. May sasabihin akong importanteng bagay." Sabi ni ate Claire sabay turo ng upuan sa harapan ng table niya. Umupo naman ako. Siya ay umupo din sa swivel chair niya.

"Insan." Tawag niya.

"Yes ate?" Sagot ko naman.

"May nalaman akong isang mahalagang bagay tungkol sa nakatiklop na parte ng librong hawak mo." Pagsisimula niya.

"Ano yun ate?" Kunot noong tanong ko.

"Ang spell na nakasulat jan ay ang spell na makakapag-pagana ng magical clock plus, mababalik sa dati ang lahat and lahat ng tao na malapit sa kinatatayuan mo. Babalik sa pagkabata sa mapupunta sa future." Pagpapaliwanag niya. Wow naman. Pwede pala akong makapunta sa future.

"But ang taong nag-cast nito ay makakatulog ng mahabang panahon, dahil sa malakas na spell ang binanggit. It means magiging frozen ang heart ng nag-cast nito. You're alive but you're dead also. And worst, baka hindi na magising ang nag-cast nito. I means maaari siyang mamatay." Napalunok nalang ako ng laway ko. Hala. Wag ko dapat I-cast yun. Mag-aala Sleeping Beauty naman ako nun ehh. O baka naman mamatay na ang kakahantungan.

"One more thing insan. Don't trust anyone. Wala tayong kaalam-alam kung sino ang totoo at hindi. And worst baka isa pa sa mga kaibigan mo ang makapag-dudulot sa iyo para mai-cast ang spell." Tumango-tango naman ako. Hala, pati si Aminah? Pati silang lahat? Nemen.

"Mag-ingat ka insan." Paalala sa akin ni ate Claire.

"At saka wag na wag mong sabihin sa iba ang tungkol sa pinag-usapan natin. Maliwanag?" Pahabol niya.

"Sige insan."

"Sige. You may go now. At maghanda ka nalang ng susuotin mo para sa festival bukas."

"Sige ate Claire. Alis na ako."

Alexandra's POV

"Sa makalawa, pag-sapit ng eclipse. Mapapasaakin na ang buong kaharian. Makokontrol ko na ang lahat, lahat. Maghintay ka Akisha. Ikaw mismo, masasaksihan mo ang unti-unting pag-kawasak ng mga bagay-bagay. Sa mga kamay ko mismo, ika'y mamamatay. Ako ang wawakas ng buhay mo." Napatawa nalang ako ng malakas.

"Kamahalan patawad at naistorbo ko kayo. Pinapatawag niyo daw ako." Natagilan ako ng may nagsalita.

"Keziah. Samahan mo ako bukas. Ako na mismo ang pupunta sa kanila."

"Masusunod kamahalan."

"Teka. One more thing. Sabihan mo ang mga alagad kong maghanda para sa pagsalakay sa makalawa, sa pagsapit ng eclipse." Pahabol ko.

"Masusunod po." Sabi niya saka umalis na rin.

~*~

A/N: sorry. Short update lang.

P.S. Stay tuned guys. Malapit na tayo sa wakas. Marami kayong malalamang secrets. Votes and Comments naman jan. Please. Para maganahan namang makapag-update si Author.

Mwahhh.

Your VOTES and COMMENTS are all widely appreciated.

Royal Academy for Wizards and SorcerersWhere stories live. Discover now