Ilang araw din akong di natulog, pang limang araw na nang kanyang lamay ngaun, pumunta si Mr. Randy Tagudong sa lamay ng girlfriend ko.
Si Mr. Randy Tagudong, ay isang sindikato ng drugs, at isa sa malalaking kapit mula sa mga heneral sa pamahalaan. Mag-kakilala kame ni Mr. Randy, dahil nung nagFun racing ako isa sya sa nagbigay ng malaking donation para sa mga kapus-palad na mamayan ng iram at ng street children.
Nilapitan nya ko at ....
"Condolence, pare. Ilang araw kanang puyat ah, tara sa lobby may bibigay akong pampalakas sayo." Mahinang bulong nya sakin. Habang binabagtas namin ang hallway papuntang lobby ng chapel nila sa mansion.
"What do you mean, Mr. Randy." Sabi ko pagdating namin sa lobby.
Matagal na sakin nakikipagsundo na sumosyo ako sa kanyang negosyong drugs. Bukod na malinis at garatisadong wala pang bulilyaso dahil sa marami syang kapit na malalaking tao sa likod nito.
Iniabot nya sakin ung isang maliit na supot na may laman na parang tawas.
"Ano to Mr. Randy, di ako gumagamit nito alam mo namang parehas akong tao,." Sabi ko sa kanya.
"Pag-isipan mong mabuti, malakas ang kabig ng pera dito sa negosyo nato, sige Mr. Peejay." Sabi ni Mr. Randy habang papalayo sya sakin mula sa lobby.
Habang papalayo sya sakin, napaisip ako sa sinabi nya sakin.
Bumalik na ko sa harap ng ataol ng aking yumaong girlfriend ko.----
Nang mailibing na ang aking yumaong kasintahan, ay di muna ako nakapagtrabaho ng isang linggo dahil sa aking pagiisip kung ano ang aking gagawin. Ngayon na pala babasahin ang last testament na pinirmahan ni Ms. Vanessa Grace Antolino.
Nang pumunta na ko sa mansion nila tita, nandun din ang mga kapamilya nya. Nang binasa na ang huling habilin ni Ms. Vanessa Grace Antolino, iniwan nya sakin ang major share niya sa kompanya ko.
Napaisip ako na, sakin pala nya iniwan yung share nya. Salamat dahil pinagtuunan ko talaga ng pansin ang kompanyang to, salamat sa kanyang kabaitan.
Lumipas ang mga araw, ako'y bumalik na sa aking opisina. Marami akong naiwan na mga appointment, may meeting pa pala ako sa dalawang bigating business personality.
Nasa opisina na ko, nang naisip ko yung sinabi sakin ni Mr. Randy Tagudong. Yung business na sinabi nya sakin, malaking pera din yun at para sa ipon ko na din kapag ako yung nagretiro sa trabaho ko.
Naalala ko din yung meeting namin ni Mr. Kian Choi isa ding businessman mula sa america.
Tinawagan ko si Ms. Ella De jesus mula sa company phone na nakalagay sa kabilang desk ko.
"Paki re-schedule ung mga meeting ko with other business personality, okay." Sabi ko sa aking assistant na si Ms. Ella.
---
BINABASA MO ANG
Crush : BOOK II
Teen Fictionito yung istorya noon na puro kalokohan hahaha. Taapusin ko na ngayon :'>