16.

2.6K 189 76
                                    

Dialing . . . Ring ring ring

Call Connected

"Hi, Woozi HIIII—"

"I'm sorry sir. This is not your time. Tumawag ka na lang bukas."

"Woozi?"

"Pakibaba na po ng phone. May kausap pa ako."

"Woozi ikaw nga! Haha. Akala ko kasi hindi. Bigla ka kasing nag-"po" hindi ako san—"

"Hindi ka ba nakakarinig? Sabi ko ibaba mo na ang phone, may kausap pa ako."

"O-Ow. T-Talaga? Pero sabi mo . . ."

"9:00-10:30PM. Alam ko kung ano ang sinabi ko. So kailangan mo pala ng tulong ko? Bakit hindi ka tumawag kagabi?"

"Ah 'y-yon. Sorry may nilakad kasi ako—"

"Choi Seungcheol, tama?"

"O-Oo."

"Kung talagang seryoso ka sa paghingi mo ng tulong, kahit na may lalakarin ka pa, maaalala mo ako at matatawagan mo ako para ipagpaliban ang session na "kailangan" mo. Para na rin sa gan'on hindi ako magmukhang tangang naghihintay ng tawag na hindi kailanman darating at may magagawa pa akong maganda sa panahong inilaan ko sana para sa'yo. So nang hindi ka tumawag, inakala kong puro ka lang kalokohan kaya hindi na ako tatanggap ng mga tawag mula sa'yo. Masisisi mo ba ako?"

". . . g-galit ka ba?"

"Hindi. Sino ka ba para kagalitan ko?"

"A-Ah. P-Pasensya na sa abala."

". . ."

". . ."

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko Seungcheol. Wala akong panahon sa mga taong walang kasiguraduhan sa buhay nila."

". . . De! A-Ayos lang. Pasensya na talaga sa abala. P-Pasensya kung p-pinaghintay kita sa wala. T-Tsaka ayos lang ako. Wala na rin naman akong problema."

"Edi mabuti."

". . . sorry ulit."

"Yeah, sorry din."

"Hmm?"

"I'm sorry for being me. Ang malas mong nakausap mo pa ako. Have a good night, Mr. Choi."

Call Disconnected

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon