43.

2.2K 175 277
                                    

Dialing . . . Ring ring ring

Call Connected

"Woozi-yaaaaa!"

"Hi. Masaya ka ata?"

"Palagi naman akong masaya? Masayahin kaya ako!"

"Kaya pala halos palagi ka na lang umiiyak sa tuwing tumatawag ka rito?"

"Ehhh. May problema ako kaya ako umiiyak. Iba 'yon sa pagiging masayahin!"

"Mmm. Fine. So, bakit ka upbeat?"

"May good news ako!"

"Tatantanan mo na ako?"

"Heh. Nevaaah!"

"Para mo na rin sinabing pinaparusahan ako ng langit."

"Ang sama mo talaga sa'kin. Ano bang ginagawa ko sa'yo ha? Ha? Ha?"

". . . gusto mo talagang malaman?"

"Oo! Bakit ha? Ha? Ha?"

". . . never mind."

". . . teka nacurious ako bigla. Ano bang ginawa ko sa'yo kaya mo ako tinatrato ng ganito?"

"You're not special, Seungcheol. Ganito talaga ang pakikitungo ko sa lahat ng tanong kilala ko, okay?"

"Pshhhh. 'Di daw special. Sabi mo nga catch ako 'di ba? Ahihihi."

"Mukha ka kasing isda."

"Grabe ka!"

"Hahaha."

"Psh. Parang ayoko nang sabihin sa'yo ang good news ko e."

"Ano ba 'yang good news na 'yan?"

". . . uhm. Nakipagbreak na ako kay Jeonghan ngayong araw."

". . . Talaga?!"

". . . mmm."

"Whoa . . . okay teka. Nabigla ako. Really, now?"

"Oo nga kasi. Nakipagbreak na ako sa kanya. Wala na kami. Tapos. Tuldok."

". . ."

". . ."

". . . wow. C-Congrats? I guess?"

"Akala ko matutuwa ka e."

"Natutuwa ako para sa'yo. Graduate ka na. Congrats."

". . . 'yong mga kaibigan ko kulang na lang magpapyesta sa sobrang tuwa e."

"Masisisi mo ba silang masaya lang sila para sa'yo kasi sa wakas, natauhan ka na?"

"Siguro nga dapat akong maging masaya 'di ba?"

"Hindi ka ba masaya?"

". . . rather than happiness, I feel guilty."

"Bakit na naman?"

"A-Alam mo kasi . . . N-Naging madrama ang paghihiwalay namin ni Jeonghan kanina. N-Nakakahiyang sabihin."

"Madrama? Parang mga breakups sa mga dramas?"

". . ."

". . . No shit?"

". . . oo. G-Gan'on nga."

"Wow. Anong nangyari?"

"Pagkatapos kong sabihin na ayoko na . . . sinundan niya ako habang n-nagmamakaawa hanggang sa sidewalk kung saan may taxi nang naghihintay sa'kin. 'P-'Pag sakay ko . . . kinakatok-katok pa niya 'yong bintana habang umiiyak tapos . . . hinabol pa niya ang taxi ko nang tumakbo na."

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon