42.

2.9K 203 463
                                    

Dialing . . . Ring ring ring

Call Connected

"Knock knock."

"Woozi?! Omggg! Bumalik ka na! Na-miss kita!"

"Knock knock."

"Kumusta na pakiramdam mo? Magaling ka na ba talaga? Mamaya pinipilit mo lang sarili mo para marinig boses ko ahehehehe. 'Wag gan'on magkasinat ka pa. Ehehehe."

". . ."

"'Di na sumagot. 'To naman! Joke lang."

"Sabi ko knock knock."

". . . Woozi nakalimutan mo na bang sinabi kong ayoko na ng mga knock knocks?"

"Last na. Last na."

"Kababalik mo lang e. Gusto mo bang ako naman ang magkasakit?"

"'Wag kang OA. You loved my knock knock jokes. Alam mo naman siguro ang kanta ng Red Velvet na Ice Cream Cake 'di ba?"

"Oo naman! Paborito ko 'yan!"

"Good. Eh si Duterte kilala mo? 'Yong bagong halal na presidente ng Pilipinas na brinoadcast n'ong isang araw?"

"Hmmm . . . oo ata?"

"Good. Knock knock."

". . . who's there?"

"It's Duterte~ Come and chase me~ mochamgesseo~ i scream you scream gimme that, gimme cream~"

". . ."

". . ."

"Woozi, kumanta ka na lang please."

"Akala ko tatawanan mo."

"Sapat na ba sa'yo ang anim? Ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha. Tip na lang 'yong isa since paborito kita."

"Fuck you."

"Woozi! Walang personalan! Huhu, 'wag kang magalit sa'kin sadyang hindi lang talaga ako natawa kasi korni!"

"Talagang pinamukha mo sa'king korni. Okay. Bye. Thanks for calling. Have a nice life."

"Woozi, 'wag mo namang ibaba huhu. Kay tagal kong hinintay na bumalik ka tapos, ibababa mo agad. 'Wag gan'on."

"Looks like you need to change operator. Ayoko na sa'yo bye."

"GRABE SIYA OH. Hindi nga ako nakikipag-usap kina Hoshi kasi gusto ko ikaw lang kausap ko."

"Too bad. Dapat sana kinausap mo na sila n'ong buhay pa sila."

"Ha? Teka anong ibig mong sabihin?"

"Pinatay ko na sila. Silang lahat."

"WEH?!"

"They committed a crime punishable by death. Sinabi nila sa'yo ang address ko. Ngayon, alam mo na kung saan ako nakatira."

"AY GRABE KA NAMAN WOOZI! 'Wag mo namang ibuntong kina Shenzhen ang galit mo! Concern lang sila, okay? Tsaka hindi sila makaalis kaya ako na lang pinadala nila."

"Exactly why I killed them."

". . . W-Weh?"

"Kidding. Sa isip ko lang sila pinatay. Pero 'wag kang mag-alala, hindi masasayang concern mo para sa kanila kasi may tig-iisang pasa sila mula sa'kin ngayon."

". . . nakakatakot ka, Woozi."

"Thank you."

". . ."

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon