[1.3] - choi's

2.7K 165 572
                                    

[1.3] — choi's

PAGKABABA ko ng kotse, agad akong pumasok sa lobby ng Haesung dala-dala ang bag ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGKABABA ko ng kotse, agad akong pumasok sa lobby ng Haesung dala-dala ang bag ko.

Mahigit 13 na oras din ang byahe mula L.A papuntang South Korea. Dapat nga siguro makaramdam ako ng matinding pagod sa haba ng byahe pero hindi ako dinapuan ng pagod. Hindi ako mapakali. Lalong-lalo na pagkatapos kong mabasa lahat nang sinend sa'kin ni Soonyoung. Ni hindi ko man lang natapos ang trabaho ko d'on. The moment he told me about Jihoon, I grabbed whatever I could then took the first flight back home. Bahala na si Veronica ang mag-ayos ng mga 'yon. Wala na akong paki. Wala na akong paki sa sermon na matatanggap ko mula kay hyung.

All I care now is Jihoon. All that matters now is him. No one else.

Halos hindi ako mapakali sa eroplano. Nakatulog ako ng konti pero para namang hindi. Balot na balot ako ng pag-aalala dahil sa lahat ng sinabi ni Soonyoung. Nagbibiro lang naman siya 'di ba? Wala naman talagang leukemia si Jihoon 'di ba? Wala naman siyang kahit anong sakit hindi ba?

Bakit walang sinasabi sa'kin sina Joshua?! Palagi naman akong nangungumusta sa kanila pati na kay Jihoon pero wala naman silang sinasabi sa'kin. Paano nangyaring nagka-leukemia agad si Jihoon? Did he hide it from me all this time? Ako lang ba ang walang alam tungkol d'on? Samu't-saring mga tanong ang gumugulo sa'kin ngayon na pinaghaluan na rin ng kaba.

Nawala lang ako ng tatlong linggo nagka-leukemia ka na agad, Jihoonie?

Ni hindi man lang niya sinabi sa'kin ang kalagayan niya. He didn't even text, didn't even call. Pagkatapos siyang umalis, parang pinutol na rin niya ang lahat ng kaugnayan niya sa'kin maliban d'on sa iniwan kong voicemail na ibinalik niya. I get that he needed space. And he wants to give me some to think.

To think about everything.

Inaamin kong nabigla ako sa mga narinig ko. I was shocked to know they had some kind of interaction behind my back, Jeonghan and Jihoon. Nabigla rin ako nang sinabi niya ang habilin ni Jeonghan sa kanya. But that was just it. Nabigla lang ako.

Hindi ko naman sinisisi si Jihoon sa mga nangyayari gaya ng iniisip niya. He should've just told me though. Naiintindihan ko ang intensyon niya kung bakit hindi niya sinabi sa'kin 'yon, pero hindi ibig sabihin n'on na maiaalis ang fact na may posibilidad na magbago ang lahat kung sakaling sinabi nga niya sa'kin ang mensahe ni Jeonghan. Maybe that's what he was so hung up about.

But what's past is past. Kahit ano man ang gawin ko, hindi ko na maibabalik ang nakaraan kaya wala na ring silbi kung habangbuhay na lang naming alalahanin ang nangyari at hayaan namin itong mamagitan sa'ming dalawa ni Jihoon ngayon. 

My Jihoonie was just overthinking. Baka iniisip niya na dahil sa mga nalaman ko, magbabago na ang nararamdaman ko sa kanya, magagalit ako sa kanya at iiwan ko na siya. 

Pagkatapos ng lahat nangyari nitong huli, naging mas lalong kumbinsido na akong siya na talaga ang mahal ko at wala nang iba. 

Sabi niya, siguraduhin ko raw ang nararamdaman ko para sa kanya. I was sure a long time ago. It was even more strengthened now. 

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon