86.

1.5K 119 111
                                    

INCOMING CALL
Unknown

ACCEPT | DECLINE

"Hello?"

"Hello! Si Choi Seungcheol ba  'to?"

"Speaking. Um, sino po sila?"

"Luh! 'Wag mo akong i-po mas matanda ka sa'kin hyung! Haha!"

"Oh. Magkakilala ba tayo?"

"Actually oo. Nasa Track Club din ako kagaya mo hyung! Two years ang gap natin sa year level! Kabilang ako sa last five runners hehehe. Shet, hindi pala ako dapat maging proud tungkol d'on pero ang hirap talaga ng track gosh!"

"Um. Hala, hindi ko na naalala. Sino ka d'on?"

"Ako 'yong medyo may ka-cute-an hyung. Hihi. Tsaka kasali rin ako sa Troubadors' Club. Ako 'yong pinapakanta ni Taeyong hyung palagi kapag nahuhuli ako sa practice."

"Ay! Ah! Yeah, naalala kita! Boo Seungkwan tama?"

"Ayon! Haha! Yes hyung wow naman angaling naalala pa talaga niya pangalan ko. Galing mo hyung! Akala ko kailangan ko pang isend sa'yo ang picture ko e."

"Hindi na kailangan. Naalala na kita ngayon. Hala paano ko nakalimutan e ikaw ang paborito ng halos lahat ng mga seniors dun. Haha."

"Ang hirap ng cute ano hyung? Ay! Hahaha!"

"Oo nga naman. Bakit ka nga pala napatawag? May problema sa club?"

"Ah no hyung. Kung may problema sa club, hindi ka na namin gagambalain no. Haha. Actually, tumawag ako para mga personal na rason hyung."

"Oh! Ano 'yon?"

"Mm, pabor actually ang hihingin ko hyung. Pwede bang makipagkita sa'yo mamayang hapon? 5PM?"

"Ay hala. Actually nasa Gwangju ako ngayon. Bukas pa ang balik ko. Can you wait till then? Wala naman akong gagawin bukas e."

"Oh! Okay sige hyung. 5PM sa Downtown Kopi. Ayos lang po ba?"

"Sure, sure. Mag-usap na lang tayo then. Marami akong gustong itanong tungkol sa club. Haha."

"Okay hyung! Thank you po! Kita tayo bukas!"

"Bye!"

Call Disconnected

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon