[0.1] - special

3.4K 191 228
                                    

[0.1] — special

((fanart credits to @gap_svt, internal screaming bcos daddy seungcheol  ㅠㅠ ♥))

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

((fanart credits to @gap_svt, internal screaming bcos daddy seungcheol  ㅠㅠ ♥))

_______________

INAANTOK talaga siya.

Ibinaon na ni Jihoon ang kanyang mukha sa mga brasong nakapatong sa table ng cafeteria tsaka pumikit. Pagod na pagod talaga siya, lalo na't hindi na naman siya nakatulog nang maayos simula kagabi. Pagkauwi kasi niya mula sa HBS pagkatapos ng first shift ay dumiretso na siya agad sa convenience store na pagtatrabahuan naman niya mula 12AM hanggang 3AM. Kasisimula lang niya kagabi kaya napagod siya nang husto pagkatapos mabigla ang katawan niya. Usually kasi, by 1AM tulog na siya. Gumigising naman siya ng mga 8AM para sa klase niya by 9AM. Dahil sa karagdagang trabaho niya ngayon, napipilitin siya matulog ng 4AM. The fatigue was too much considering he only had less than four hours of sleep. His head is throbbing, na para bang may drum na pumupukpok sa ulo niya.

Well, as if naman may choice pa siya.

Kailangang-kailangan niya ito kasi papaubos na ang perang nasa banko at may sariling pag-aaral pa siyang kailangang tustusan. HBS money isn't damn enough. Para lang naman kasi 'yon sa mga estudyanteng gustong magkaroon ng parttime job pagkatapos ng school kaya hindi gaanong kalaki ang sahod. But Jihoon was able to swing by thanks for the bank money.

Yeah. Salamat sa wala, Noona.

"Jihoon, pakabait ka ah?"

"Shut up."

Ngayong naiisip na naman niya ang kanyang kapatid, para yatang gusto niyang may iuntog sa pader. Salamat sa kanya, ganito ang paraan ng pamumuhay ni Jihoon. Nakatira sa isang apartment na maaaring gumuho kahit anong oras, (not to mention, siya lang mag-isa sa complex na 'yon) kumakain lang ng dalawang beses sa isang araw at hindi na halos bumibili ng mga bagay-bagay dahil sa kakulangan sa pera at pagtitipid.

Damn you, woman.

"Orya orya Jihoooooniiiieeee!"

Hindi na kailangang iangat pa ni Jihoon ang kanyang ulo para malamang umupo na sa tabi niya si Soonyoung. At syempre, 'pag sinabi mong Soonyoung, package deal na 'yan. Makukuha mo na rin pati na ang isang Lee Chan, isang Junhui tsaka isang Hansol.

Ah. Tamang-tama, pwede 'tong inuntog sa pader.

"Hi, bebeboi—OH MY GAWD ANYARE SA MUKHA MO?!?!"

Inirapan ni Jihoon ang kaibigan tsaka umiling. "Isang sigaw pa, puputulan na kita ng dila."

"Mukha kang si Sadako sa umaga."

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon