[0.6] - lee's

3.7K 202 1.1K
                                    

RECORD START

"Hi. Woozi. Hehe. Uhm . . . ay, nahihiya ako kahit na recording lang 'to. Paano ba . . . ano bang sasabihin ko? Haha. Hmm . . . Ah. Okay. So, first week sa L.A. Ayos naman ako, medyo na-awkward-an ng konti kasi English sila rito. Ayos lang naman. Nakakaintindi naman ako. Medyo awkward lang magsalita pero okay na, kakayanin! Fighting! Haha. Uhm, kaya pala sa L.A kasi may pinaasikaso si Minsoo hyung sa'kin dito. Magtatagal ata ako. Mga . . . 3 months? 4? Depende e. 'Wag mo 'kong mamiss ah? Haha. Babalik naman ako agad. Hindi kita paghihintayin ng matagal. Tsaka ngayon pa lang, hinahanap-hanap ko na ang Korea. Ah. Ang bilis kong ma-homesick. Hehe. Pero okay na rin 'to. Kahit papa'no, malayo sa Korea. May . . . May space tsaka time ako para mag-isip. Hanggang ngayon . . . iniisip ko pa rin si Jeonghan. Inaamin ko. Nalulungkot pa rin ako, naiiyak pa nga kung minsan. Pero, siguro sapat na ang distractions dito para mawala siya sa isip ko. Samahan mo naman ako Jihoon. Kahit sa ispirito lang. Hehe. Kailangan ko ng guidance mo.

. . .

Ah, miss ko na agad ang boses mo. Tumawag kaya ako sa HBS? Pwede naman diba? International call? Mahal ang bayad pero worth it naman.

. . .

W-Wag na. Hahahaha. Baka galit ka e.

. . .

Jihoon.

. . .

. . . bye muna~ Seungcheol, out.

RECORD END

_______________

[0.6] — LEE'S

"SA KALSADA?! SERYOSO KA?! LEE JIHOON!" bulyaw ni Soonyoung

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"SA KALSADA?! SERYOSO KA?! LEE JIHOON!" bulyaw ni Soonyoung.

"Ang ingay mo. Shut up."

"Hyung, may bed space pa kami ni Seungkwan. Pwede ka na muna d'on," sabi ni Hansol.

Umiling ako habang isinisilid sa bag ang mga gamit ko. Not much. Kokonti lang naman ang mga bagay ko rito e. "At marinig ang mga ungol niyo gabi-gabi? No thanks."

Namula bigla si Hansol. "H-Hyung naman! Hindi kami gan'on!"

"Bite me."

Ang babata pa nga ng dalawang 'to, nagsasama na. Anong kasiguraduhan ang maibibigay nila sa'kin na wala akong maririnig na kababalaghan bawat gabi?

"Jihoon-ah, baka naman kailangan niyo nang mag-usap ng masinsinan ng ate mo," nag-aalalang sabi ni Jun habang tinitingnan akong nag-iimpake.

"Oo nga hyung. Baka naman pwedeng hindi umabot sa ganito ang lahat," pagsasang-ayon naman ni Chan na nakaupo kasama si Soonyoung sa kama ko.

"Kung pangangaralan niyo lang din naman ako o kaya sisigawan, I'm looking at you Kwon Fucking Soonyoung," tinuro ko si Soonyoung kaya dinilaan niya ako. "Mabuti pa umalis na lang kayo. Hindi nakakatulong ang pagmumukha niyo rito."

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon