21.

3.2K 193 149
                                    

Dialing . . . Ring ring ring

Call Connected

". . ."

". . ."

"Tanga."

"Aray. Gandang pambungad."

"Hindi ko alam kung anong pinakamagandang itawag sa'yo kaya magtiyaga ka na sa 'tanga'."

"May pangalan naman ako e. Choi Seungcheol. Si Papa ang nagpangalan sa'kin."

"Um, no. Mas maganda ang 'tanga'. Mas bagay sa'yo."

"Hindi naman ako tanga e."

"Ah talaga? Kaya pala namali ka ng tinawagan kagab—tsk. 'Di bale na."

"Anong namali ng tinawagan?"

"Wala. Sanay na ako sa'yo."

"Uhm? Okay . . . so, bakit mo pala ako pinatawag?"

". . . may knock knock ako."

"Knock knock? Talaga?!"

"Para kang excited na bata."

"Haha! First time mo e! Teka, okay. Sige handa na ako."

"Knock knock."

"Who's there?"

"Obama."

"Obama who?"

"Obama-self~ don't wanna be, Obama-self~ anymore~"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."

"Aray! Tangin—"

"HAHAHAHA."

"Ilayo mo nga ang phone mo sa bibig mo! Shiz!"

"BENTA WOOZI! IMPROVING KA NA! HAHAHAHAHA! Isa pa! Isa pa! Encore! Encore!"

"Let's keep it at minimum okay? Isang knock knock mula sa'kin bawat session. Ayokong mabingi sa tawa mo."

". . ."

". . . move on na tanga."

"H-Hindi ko pa ata kaya . . . HAHAHAHAHAHA. Grabe! Woozi, ang galing mo!"

"Magmove on ka na. Tapos na."

"Sorry, paulit-ulit na nagpaplay sa isip ko ang knock knock mo e. Obamaself, HAHAHA!"

"Alam mo bang para kang isang baboy na iniihaw sa tawa mo?"

"Talaga? Hindi."

"Ngayon alam mo na."

"Woozi naman . . ."

"Oh edi bumalik ka sa normal."

"Ang galing mo! Ikaw ba ang nag-isip ng knock knock na 'yon?"

"Hiningi ko lang sa kaibigan ko."

"'Yong Hoshi?"

"Hindi. Ni Dino."

"Ah, operator din ng HBS?"

"Oo."

"Pero araw-araw na akong makakarinig ng mga knock knock jokes mula sa'yo 'di ba? Kasi sabi mo kanina bawat session iba naman?"

". . . para ka talagang bata. Ang babaw ng kaligayahan mo."

"Hehe. Pinanganak akong ganito e."

"Ang swerte mo naman."

"Oy, isang magandang katangian kaya ang pagiging masiyahin at optimistic!"

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon