[0.7] - special

3.6K 214 710
                                    

[0.7] - special

7] - special

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


SHIT, Jihoon first thought. Then fuck.

Maiimpyerno na nga ata siya sa rami na ng mga murang nag-aala bala ng machine gun na tumitira sa isip niya. Ah, look at that he invented another curse again.

Seungcheol was there. Nasa labas na siya ng pinto niya at ayaw niyang makalma. Malakas na kumakabog ang puso niya na dala na ng samo't-saring mga feelings na nagkahalo-halo na. Una, dala ng confession niya kanina. Pakiramdam niya hinubaran siya ng mga layers na binubuo niya sa buong pagkatao niya. He felt like he's been stripped to the bones and he felt like exploding just by thinking he just poured his heart out to Seungcheol (who is, by the way, standing just outside his door. Kamusta naman 'yon?). Wala na siyang mukhang maihaharap. Pulang-pula pa rin ang mukha niya. He's overcome with extreme embarassment he can barely move a muscle.

Shit. Shit. Shit.

It's hard for Jihoon to submit to his feelings, even harder to submit to Seungcheol. Natatakot siyang hayaan ang sarili niyang gumawa ng kung ano kasi baka pagsisisihan lang niya ang kung anumang magawa niya ngayon.

His very instincts are telling him to open the door, throw himself at Seungcheol and just forget everything; his pride, his Jihoon-ness and his cold front pero natatakot siya. Nag-aalinlangan. Paano kung binibiro lang pala siya ni Seungcheol?

Paano kung nagbibiro lang siya? Paano kung sinusubukan lang niya si Jihoon at paano kung hanggang ngayon mahal niya pa rin si Jeonghan?

Sobrang daming pag-aalinlangan sa isip niya na sinasabayan ng malakas na pagkabog ng puso niya. Jihoon felt like a ticking bomb. Pakiramdam niya sasabog siya ilang sandali na lang.

Huminga siya ng malalim tsaka kinagat ang mga kuko sa kamay, para kahit paano mapakalma ang sarili.

But what is calm when Choi fuckity-fuck Seungcheol is knocking at his door?

"Jihoonie. Jihoonie. Hindi ba may sasabihin ka kay Seungcheol hyung? Sabihin mo na~"

Jihoon closed his eyes hard and screamed without a sound. Kailangan niyang manuntok, kailangan niyang manakal, kailangan niyang manakit o ano, mapakalma lang ang sarili. Ano na ngayong gagawin niya?! What?! Halos magkapanic attack na si Jihoon sa kinatatayuan niya. He started walking about and in circles.

Bubuksan ang pinto? Hindi? Ano bang gagawin niya? Kung bubuksan niya, anong sasabihin niya?!

Hindi siya sanay sa ganito kaya hindi niya alam kung anong gagawin. The feeling is there, but he just doesn't know exactly what to say, how to express it. Dahil dito, nagpapanic siya na hindi mapakali. The feeling is bubbling inside, it almost hurts.

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon