INTERLUDE + the host

3.8K 216 589
                                    

INTERLUDE
Lee Jihoon's

"SIGURADONG-SIGURADONG-SIGURADO KA ba talagang gagawin mo 'to, Jihoonie?"

Ang ingay nito. Ilang beses na niyang tinanong sa'kin 'yan. Paulit-ulit na lang ah? Sarap batuhin ng bote ng hairgel e.

"Nandito na ako, no more turning back," sagot ko na lang sa kanya. Buti nakatimpi pa ako sa lalaking 'to kundi kanina ko pa stinaple ang bibig niya nang matahimik na. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin bago inayos ang tie ko.

Nakatimpi? Nah. Hindi ko lang magawang saktan si Soonyoung gaya ng palagi kong ginagawa sa tuwing naaasar ako sa kanya kasi kinakabahan ako. Oo, kinakabahan ako. Umaalingawngaw sa buong dressing room ang rhythm ng bass na nasa labas. Rinig ko rin ang bahagyang hiyawan, tawanan at tugtugan ng mga taong nagpaparty sa labas. Hindi pa nga ako lumalabas d'on, kinakabahan na ako.

Kanina ko pa paulit-ulit na inaayos ang buhok ko, ginugulo at ginagawa na naman na parang tanga. I couldn't set my aura right. Ayokong magmukhang sakristan sa ayos ng buhok, ayoko ring magmukhang gago. Pero kahit anong gawin ko, kung hindi buhok-manok ang magagawa ko, para namang afro. Bwisit. Eh kung ishave ko na kaya 'tong ulo ko?

Tinawanan lang ako ni Soonyoung nang mapansin niya ang pagkabalisa ko. Agad ko siyang binato ng hair brush bilang ganti nang biglang pumasok si Joshua.

"Jihoon! Handa ka na?" tanong niya sa'kin nang nakangiti. Napansin kong medyo pawisan siya nang pumasok. Ngayon pa lang, hindi na ako mapakali habang iniimagine pa lang ang init sa club na sasalubong sa'kin mamaya 'pag labas ko.

Tinuro ko ang buhok ko. "Magpapakalbo na ba ako?"

"Ew, Jihoonie ikaw is so gay," pangangasar ni Soonyoung sa'kin kaya sinipa ko siya sa tuhod. Napahiyaw naman siya sa sakit at agad na lumayo sa'kin.

Bakla bang mag-alala sa buhok ko?! Bwisit.

Tumawa ng mahina si Joshua bago siya na mismo ang umayos ng buhok ko.

"Yah, Jihoon, sure ka na ba talaga sa gagawin mo?" tanong ulit ni Soonyoung, sa pagkakataong 'to, wala nang bakas ng pangangasar sa boses niya.

I looked at him through the mirror. "Sabi nang oo."

"Kailangan mo siguro talaga ng pera ano? Hindi ko inaakalang gagawin mo 'to para sa pera."

"Don't make it sound like I'm using my body for this," I grumbled. Tahimik lang si Joshua habang inaayos ang buhok ko at palipat-lipat ang tingin sa'min ni Soonyoung.

"Technically, oo kaya. Sa oras na lumabas ka ng pinto, isa ka nang ganap na host. Ginagamit mo pa rin ang katawan mo minus explicit content lang," sagot ni Soonyoung.

Inabot ko ang bote ng lotion sa mirror desk tsaka ibinato ito sa kanya nang hindi ginagalaw ang ulo. "Wala akong ginagawang masama, gago."

"Wala nga! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, gago ka rin," nag-tsk siya. "Ang point ko lang, paano ka magiging isang kaaya-ayang host kung nakasimangot ka nang ganyan? AYO JOSH! Hindi ba dapat, nagtataglay ng pleasant personality ang isang host? Pagsabihan mo nga 'yan!"

I sneered at Soonyoung yet he only stuck his tongue out to me. Tumawa ng mahina si Joshua bago ginulo ng konti ang buhok ko. Nginitian niya ako sa salamin.

"Mas mabuti sa'yo ang medyo messy-hair, Jihoon-sshi. Na-co-compliment nito ang attitude mo tsaka mukha."

I looked at myself in the mirror. Napatango ako sa kanya kasi nakikita ko ang ibig niyang sabihin. Medyo magulo nga ang buhok ko pero nagustuhan ko naman ang istilo. This is the look I've been wanting to achieve. Ang galing din nitong stylist e. Mag-stick ka na lang sa music, Lee Jihoon. O kaya sa pananakit. D'on ka magaling e.

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon