[1.2] - special

2.3K 130 289
                                    

fanart by: gap_svt

________________

[1.2] — special

HE DIDN'T KNOW where to go

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HE DIDN'T KNOW where to go.

Jihoon veered past two vehicles, his motorcycle skidding across the wet pavement. Hindi na niya alintana ang bilis ng pagtakbo ng sasakyan niya, pati na ang lamig ng hanging tumatama sa katawan niya. Mamasa-masa na ang denim jacket (the one Cheol gave him) at ramdam na ramdam na niya ang lamig. Umaambon lang naman. But the November night's autumn breeze was enough to make his teeth chatter.

Pero mukhang walang pakialam si Jihoon habang pinapaharurot ang motor sa kahabaan ng highway. Naiwan ata ang utak niya sa pag-uusap nila kanina ni Cheol nang makauwi siya kanina mula Gwangju.

"Hooney! I'm hoooome!"

The sap was still sappy as ever, wearing that wide grin when he entered their crib. Kumaripas ito ng takbo papunta kay Jihoon na para bang isang asong nahiwalay sa kanyang amo at agad siyang niyakap. Ni hindi man lang nakuhang umangal ni Jihoon nang i-sway pa siya ni Seungcheol habang niyayakap siya. He was too busy feeling his boyfriend's warm hug to worry about it. Niyakap niya naman ito pabalik.

"Namiss kitaaaaa! Tingnan mo. May dala akong pizza! Meron din akong copy ng Civil War. Nood tayo!" masiglang sabi ni Seungcheol sa kanya.

"Napaaga ka yata? Akala ko bukas ka pa uuwi."

"Tinapos ko agad ang lahat ng paperworks d'on kasi nangangati na akong umuwi. Namiss nga kasi kita," sagot ng boyfriend niya tsaka pineck siya sa mga labi. He grinned then shrugged off his coat, leaving Jihoon blinking in surprise.

Agad din naman siyang nakarecover at pinagmasdan si Seungcheol na pumasok ng kwarto nila dala-dala ang kanyang bag. He stepped out a few moments later, wearing a loose white shirt and shorts. Pinalapit siya nito sa couch ng salas. Nag-aalangan man, lumapit si Jihoon sa kasintahan at naupo rin katabi nito. Seungcheol flicked the TV on and started browsing through the channels.

"Hmm . . . kung walang magandang palabas dito, manonood tayo ng Civil War, hmm?" ani Seungcheol sabay subo ng isang slice ng pizza. "Ano bang gusto mong panoorin?"

Jihoon nodded mutely, his fingers fiddling the hem of his shirt. Nagulat siya nang bigla na lang siyang hilahin ni Seungcheol papalapit sa kanya.

"Kamusta ang demos? May natapos ka na ba?" he asked as he sniffed Jihoon's hair and gave it a light kiss. Isinandal naman ni Jihoon ang kanyang ulo sa dibdib nito.

"M-Mm. I'm almost done with one. Kulang pa ang mga lyrics. Hindi ko pa matapos-tapos." Partly because he's as tired as hell and he can't think straight.

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon