82.

1.5K 120 78
                                    

INCOMING CALL
Minsoo hyung

ACCEPT | DECLINE

"Hello, hyung?"

"Cheol? Ang tagal mong sumagot. May problema?"

"Um, wala naman hyung. Nag-CR lang. Bakit po?"

"Ah. Naalala mo pa ba ang sinabi ko sa'yo? I need you back to L.A. Hanggang ngayon hindi pa rin naaayos ang gusot na ginawa nila Sebastian. Wala akong ibang mapagkakatiwalaang umayos n'on kundi ikaw lang."

"Ah. Oo, naalala ko hyung. P-Pero . . ."

"Handa na ang flight mo sa makalawa. Pinaayos ko kay Jaeri."

"Hyung."

"Oh?"

"Hyung ayokong tumira ulit sa L.A."

". . . ano? What are you talking about Cheol? Hindi ba napagusapan na natin 'to?"

". . . pinalayas mo na nga ako sa bahay e."

"I heard that. Are we seriously talking about this now? Gusto mo ibring up ko pa ang issue kung bakit kita pinaalis ng bahay? Just get over it. Lumipad ka papuntang L.A, kakalimutan ko ang kasalanan mo."

"Hyung ayoko nang bumalik sa L.A okay? Papayag akong ayusin ang kung anong problema ang nand'on pero babalik akong Korea. Hindi ako titira d'on."

"Bakit ngayon ayaw mo na? Wala ka namang problema noon ah."

"Noon 'yon hyung. This time . . . this time, may dahilan na ako para manatili rito sa Korea."

"What?"

". . . Hyung. I have a boyfriend here. Ayoko siyang iwan."

". . . You have a what?"

"His name is Lee Jihoon. Mahal na mahal ko siya at ayaw ko siyang iwan."

". . . Lee Jihoon? Sandali, hindi ba siya 'yong—"

"Kapatid na Jisoo noona. Yes, I'm dating him, hyung. Sana sinabi ko agad sa'yo n'ong kasal niyo."

". . ."

"May boyfriend na ako hyung kaya ayoko nang sinesetup mo ako sa kung sinong mayamang babae. Mahal ko si Jihoon. And no social status, wealth and fame can change that."

". . ."

"Minsoo darling, halika d'on tayo!"

"Hyung alam kong bad timing 'to. You're supposed to have fun. Pero ayoko nang patagalan pa 'to. Mas mabuti nang malaman mo 'to ngayon."

". . . We'll talk about this later. Lumipad ka papuntang L.A para ayusin ang gusot d'on. Papayag akong hindi ka tumira d'on. Wait, are you still in that flat? Magkasama ba kayo ngayon?"

"Oo hyung."

". . . Tsk. Ano pa bang magagawa ko e ako ang nagpalayas sa'yo sa bahay? Fine. Stay there. Don't do anything stupid. Mag-uusap pa tayo."

"Stupid? Sus hyung. Ako pa? Sige. Salamat, hyung."

"Take care."

"Kayo rin hyung. Gusto ko lalaki pamangkin ah?"

"Ulol."

Call Disconnected

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon