37.

2.5K 190 191
                                    

Dialing Woozi . . . Ring ring ring

Call Connected

"Baka iniisip mong ang tanga ko talaga. Hahaha."

"Matagal ko nang iniisip 'yon. 'Wag kang mag-alala."

"Kahit na may sakit, Woozi'ng-Woozi pa rin."

"Magreklamo ka 'pag bigla na lang akong bumait."

"Ibig sabihin n'on, walang imposible sa mundo."

"Ibig sabihin n'on, nakapagpahinga ako ng maayos."

"Hindi ka nakakapagpahinga ng maayos kaya ka bugnutin? Kaya pala may sakit ka ngayon."

"Let's not talk about that."

"Matulog ka kasi ng maaga."

"HBS."

"Ah. Oo nga pala."

". . . anong sinabi mo kay Jeonghan?"

"K-Kanina? Ah. Ang sama ng sinabi ko sa kanya. Gusto kong mhahdkwofie."

"'Wag mong ibaon ang mukha mo sa unan. Magsalita ka ng maayos."

"Gusto kong patayin sarili ko. Hindi ako makapaniwalang sinabi ko 'yon sa kanya kanina."

"Ano nga?"

". . . magsama sila ni Mingyu."

"'Yon lang?"

". . . at hindi ko kailangan ng malanding gaya niya . . ."

". . . wow."

"A-Alam ko! A-Ang sama-sama ko! Aish!"

"Coming from you . . . hindi na ako nagtatakang naiyak siya sa sinabi mo."

"Mas lalo pa siyang naiyak. Umiiyak na siya nang lumapit siya sa'kin e. A-Ang sama ko. Bakit ko sinabi 'yon?!"

"Tapos na. 'Wag mo nang sisihin ang sarili mo. Nadala ka lang."

"Kaya nga kasalanan ko! Kasi nadala ako sa emosyon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya ayan, nakasakit ako. Bakit ba ako ganito?!"

"Ayos lang. Kulang pa 'yan sa lahat ng pasakit na idinulot niya sa'yo. Pasalamat nga siyang 'yon lang nagawa mo sa kanya e. Hindi ka nangloko."

". . . nagi-guilty pa rin ako. T-Tapos . . ."

". . . ano?"

"N-Nagulo na naman ang isip ko nang halikan niya ulit ako . . ."

". . ."

". . . nahihiya ako sa sarili ko. Galit na galit ako sa sarili ko, hindi ko alam. Ang bilis kong bumigay pagdating sa kanya. Haha . . . j-just one kiss."

". . ."

"Isang halik lang para mahulog ulit."

"Yeah . . . I know."

". . ."

". . ."

". . . talaga? Akala ko ba hindi ka pa nakakaexperience ng halik."

". . . ah, shit."

"May nahalikan ka na talaga?"

"A bastard. 'Wag na natin siyang pag-usapan. Baka mas lalong lumakas ang urge kong sapakin siya e."

". . . O-Okay."

"Gustong-gusto kitang suntukin ngayon."

". . ."

". . ."

". . . edi makipagkita ka sa'kin."

"W-What?"

"Makipagkita ka sa'kin. Suntukin mo 'ko. Sapakin ng gitara. Sampalin ng paulit-ulit. I don't care. Just . . . just let me see you."

". . ."

"P-Please."

". . . 'Pag-iisipan ko."

"Gusto kitang puntahan ngayon na."

"May sakit ako. Wala ako sa huwisyong makaharap ka."

"Nasa bahay ka ngayon hindi ba?"

". . . oo. Kung inaakala mong ibibigay ko sa'yo ang lokasyon ng tinitirhan ko, nagkakamali ka."

"Hindi ah. Sinisigurado ko lang na nasa bahay ka."

". . . anong binabalak mo?"

"I swear, hindi ko hahanapin ang bahay mo o ano."

"Anong gagawin mo?"

". . . basta."

". . ."

"Magpahinga ka na ah? Uminom ng gamot sa saktong oras. Uminom ka ng maraming tubig."

"M-Mm."

"See you once you're well."

"Pag-iisipan ko pa sabi."

"Kahit na 'di ka pumayag, hahanap ako ng paraan. Desperado na ako, Woozi."

"Then you're planning to invade my privacy."

". . ."

"Pag-iisipan ko. Kung papayag man akong makipagkita sa'yo, kailangang walang makaalam. Ayokong maperwisyo ang trabaho ko dahil sa'yo."

"PAPAYAG KA?"

"Pag-iisipan ko."

"Pero sa sinabi mo, binigyan mo 'ko ng pag-asa."

"'Wag kang umasa."

"Huli na. Sasagarin ko na lang. Good night, Woozi. See you soon."

Call Disconnected

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon