87.

1.7K 114 154
                                    

Dialing . . . Ring ring ring

Call Connected

"Hi! Si Shenzhen 'to ng Hotline Bling Services! Good evening at welcome! Anong gusto mong pag-usapan sa gabing 'to?"

"My paycheck."

"Anla! Jihoonie?!"

"Hi Junhui."

"Anla! Namiss kita! Teka, teka ico-conference call ko 'to kina Soons!"

"'Wag na. Baka busy sila tsaka baka nand'yan si Z. Icha-chat ko na lang kayo mamaya. Gusto ko lang maranasan ang feeling ng pagiging caller sa HBS."

"Wala si Z. Pero oo tama ka. Baka nga busy sila kasi natahimik ang chatroom e."

"Wow. Working hard."

"Shh. Haha. Hayaan mo na muna sila. So, anong feeling ng caller?"

"Feels . . . weird. Akala ko kay Wonwoo ako ididirect o kay Soonyoung."

"May caller ata ang dalawa. Sa Hoshi Unit, ako lang 'yong walang kausap e kaya dumiretso ka sa'kin."

"EH TANGINA MO TALAGA PWEDE BA 'WAG KA NANG TUMAWAG?!"

"Ang ingay ng tubol."

"Hay. Teka. Katukin ko lang. Soons, pakihinaan."

"Ayoko na. Suko na ako sa mundo."

"Pfft. Hindi pa ba siya nilulubayan ng prank caller na 'yan?"

"Naku, mukhang walang balak lubayan si Soonyoung. Konti na lang mag-aassume na akong may gusto ang prank caller na 'yon sa kanya e. Hindi na ako magtatakang isang araw baka magresign na 'to."

"Pfft. Karma. Ang ingay din kasi."

"Let's talk about you. Ano, kamusta ka na? Tsaka kayo ni Cheol hyung?"

"Para namang isang taon akong nawala imbes na one day lang. I'm fine. We're both fine."

"Ayos ka lang ba talaga na . . . ayon."

"Yeah. Sobra. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas."

"Pero paano 'yan 'pag nandyan si Seungcheol, makakapagpahinga ka pa rin—hehehehe."

"'Wag mong dungisan si Chan. 'Wag niyong dungisan si Chan. 'Yan lang ang request ko sa inyo."

"Grabe siya oh. Nagbibiro lang ako e. But Jisoo noona gave me a heads up. Baka raw sakaling . . ."

"Tangina niyo."

"Hahahahaha! Ang cute ni noona sa inbox ko. Ayos lang noona, sabi ko, maghahanda ako. Ako bahala kina Jihoon. Pffft."

"Tsk. Spare me the details. Oh. Kayo d'yan? May papalit na ba sa'kin?"

"Oh! Oo nga pala! Oo, meron na. Kaso hindi pa nakin namemeet. Kim Haechan ata ang pangalan?"

"That was fast."

"Kilala mo si Z. Nakakahanap agad 'yon ng bago."

"Onga naman. Business is business. Hindi niyo pa nakikilala?"

"Bukas pa ang first day n'on. Bukas pa rin namin makikita. May bagong membro na ang Hoshi Unit bukas."

"Then, send my regards to him."

"Ano na naman kayang klaseng operator ang pinapasok ni Z?"

"How should I know? Just take care of him. Ipagkakatiwala ko na lang sa'yo ang orientation ng new meat ah? Walang kwenta si Soonyoung sa pagpapaliwanag ng mga dapat gawin. Baka kung ano pang kagaguhan gawin n'on sa harap ng newbie."

"Haha, okay roger that Jihoon. Ikaw ah. Ang caring mo pa rin sa HBS. Inihahabilin mo pa sa'kin ang newbie."

". . . I love that job. Gusto ko ring mahalin niya ang trabaho niya. I'm counting on you for that to happen. Okay?"

"Mm. Naiintindihan ko. Kumain ka na ba? Mahirap magkasakit these days. Lalo pa't ipapasa mo na ang demos mo next month~ Hindi ka pwedeng magkasakit~"

"Yeah, yeah. Tapos na akong kumain. Though medyo pagod ako . . . ah. Hindi medyo. Sobrang pagod ko pala. I didn't even do anything today except work on the demo . . ."

"Nakakapagod kaya 'yan. 'Wag kang masyadong tutok sa desktop mo okay? Labas ka paminsan-minsan para makapagpahinga naman ang mga mata mo. Tsaka kung maaari, mag eye drops ka muna bago sumabak sa trabaho. Proteksyon sa mata."

"Yeah. Noted, mom."

"Jisoo noona told me to take care of you after all. Teka, baka pagod ka kasi pinagod ka ni Seung—"

"Shut up. He's not even here."

"Oh? Nasa Gwangju pa rin siya?"

". . . ang updated mo naman. Nahahalata ko na."

"Ay hehehe. Gan'on talaga basta shipper ka."

"No. That's being a creep. At oo. Bukas pa ang balik niya. Pagkatapos n'on, balik na naman siya ng L.A."

"Wow. Sikat ang boypren mo, Jihoon. Ang in demand! Hanggang kailan siya d'on?"

"Not for more than two weeks. Pinangako niya sa'kin na hindi siya magtatagal."

"Ayiiie kasi hindi mo kayang mawalay sa kanya ng gan'on katagal ano?"

"Walang maglilinis sa'min kung wala siya. So kinda."

"Sus. Excuses mo, Jihoon bulok! Pero ayos ka lang na palagi na lang siyang umaalis?"

". . . yeah. I guess. I don't have a choice though."

"Hmm. Oo nga naman. Kaysa namin itali mo sa inyo 'di ba?"

". . ."

"Hehe. 'Di ba Jihoon?"

"Pakyu."

"Hahahaha! Joke lang! Alam kong hindi ka gan'on. Tsaka 'wag mo munang itali. Para sa future niyo rin ang ginagawa niya."

"Wala akong sinabing tataliin ko siya. Hay. Osige. Bye bye na. Hindi ko na kaya ang pagod. Parang . . . nanunuot na sa kalamnan ko."

"Uminom ka ng gamot~"

"Yeah."

"Good night Jihoonie! Tumawag ka ulit soon!"

"Wow. Para namang hindi pa tayo magkikita bukas. Bye."

Call Disconnected

"Why am I so tired . . ."


__________________

1. pls don't hate mingyu / jeonghan or any other member bc of this okay?  just . . . pls don't. ako ang nakokonsensya. T___T

2. hindi pa ako kumakain lolz.

3. yes, si haechan ang papalit kay jihoon sa hoshi unit.

4. and yes, may special book ang markhyuck pagkatapos ng hotline mix / hotline pranks. yes, wait for it.

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon