83.

1.5K 119 234
                                    

[UNKNOWN]
06:21PM

Ang lakas naman talaga ng loob mong halikan si Seungcheol hyung sa harap ng puntod ni Jeonghan.

Nakita ko kayo.

Hindi ka ba nakokonsensya? Jihoon hyung? Hindi ka ba nakokonsensya sa ginawa mo ha?

Or sa hindi mo ginawa?

He begged of you, hyung. Nagmakaawa si Jeonghan na tulungan mo siya. Hinihingi lang niya ang tawad ni Seungcheol. Bakit hindi mo sinabi kay Cheol ang tungkol d'on?!

Kung nandun lang sana si Seungcheol mapipigilan niya si Mingyu! Makakapag-usap sila ng maayos!!!

[JIHOON]
06:22PM

Who are you?

Kilala mo ko?

[UNKNOWN]
06:22PM

Ah. Oo nga pala. Hindi mo pa pala sinasabi kay Seungcheol ang tungkol dun. Kaya ngayon nakasunod pa siya sayo, nasayo pa siya ngayon.

Ano kaya kung malaman niya no?

Hmm pero sa tingin ko wala kang balak sabihin sa kanya ang nangyari e

[JIHOON]
06:23PM

Mag-usap tayo ng harapan. Kung sino ka man.

[UNKNOWN]
06:23PM

Bakit naman ako papayag? Anong sasabihin mo sakin, na wala kang kasalanan? Na pinoprotektahan mo lang si Seungcheol hyung?!

Dahil sa nangyari, Jihoon, nawalan ako ng dalawang kaibigan! Alam kong may mga mali silang ginawa pero humingi ng tulong sayo ang isa sa kanila! Hindi mo man lang tinulungan!!

KUNG NANDUN LANG SANA AKO, AKO NA ANG PUMIGIL KAY MINGYU PERO TANGINA WALA AKO E. IKAW ANG NANDUN IKAW ANG PWEDE SANANG MAKATULONG. KUNG SINABI MO LANG KAY SEUNGCHEOL NA PUMUNTA D'ON SA HIGHWAY MAPIPIGILAN SANA NIYA SI MINGYU. PERO ANONG GINAWA MO?! HA?! WALA!

HINAYAAN MO LANG!! TINGNAN MO!!

[JIHOON]
06:24PM

Who are you?!

[UNKNOWN]
06:25PM

Hindi ko masikmurang nagpapakasaya ka kasama si Seungcheol sa kabila ng ginawa mong kasalanan.

I'm telling him.

Your happy days are almost over Lee Jihoon. Pagbayaran mo ang selfishness mo.

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon