41.

2.5K 192 88
                                    

INCOMING CALL
Unknown Number

ACCEPT | DECLINE

"Hello?"

"Choi Seungcheol?"

"Hoshi?"

"No. This is Shenzhen. Kaibigan din ako ni Woozi. Tumawag ako para tulungan ka."

"Si Hoshi? Ayos lang ba 'yon?"

"Ayos lang. Hindi kami nahuli kasi binaba niya agad. Tsaka hindi naman talaga kita agad kasi may mga cubicles na naghihiwalay sa'min. Katulad ng mga cubicles sa mga normal offices."

"Akala ko kasi nahuli na kayo o ano. Kinabahan ako."

"Makinig kang mabuti. Nandito sa tanggapan ang manager namin kaya hindi ka niya pwedeng makita at hindi rin kami pwedeng makitang kausap ka. Masyadong risky."

"Okay, naiintindihan ko. Um, tatago ba ako?"

"Mas mabuti kung magtago ka muna. O kaya lumayo ka ng konti. 'Yong hindi ka kita mula sa HBS."

"Okay, okay. Nakatago na ako. Nandito ako sa isang tindahan."

"Okay good. Now, pagusapan natin ang dala mo. Unfortunately, hindi ko mahahatid 'yan kina Woozi sa oras na 'to. Hindi ako pwedeng umalis. Kaya ikaw na mismo ang magbigay niyan sa kanya."

"A-Ayos lang ba? Akala ko ba . . . 'yong identity niyo . . .?"

"I trust you in this one. Ibibigay ko sa'yo ang address ni Woozi pero kung nirerespeto mo nga ang privacy niya, hanggang sa labas ka lang ng apartment niya. Ring the doorbell, then leave."

". . . ang laki ng tiwala mo sa'kin."

"Hindi ba ako dapat magtiwala sa'yo?"

"H-Hindi naman sa gan'on. Pero . . ."

"Seungcheol, hindi ka ihahalal bilang Student Council President kung hindi ka mapagkakatiwalaan. Let's say I know enough of you to trust you."

". . . pareho tayo ng paaralang pinapasukan?"

"Ikaw na ba ang bahalang magtugpi-tugpi. Sa ngayon, kailangan mong bilisan. Lately, hindi na ako hinahayaan ni Woozi na mag-alaga sa kanya. Ewan ko ba, bigla-bigla na lang niyang tinatanggihan ang mga tulong na ibinibigay ko sa kanya. Nag-aalala rin ako. Please make sure he's doing okay?"

"Makakaasa ka, Shenzhen."

"Thank you. Itetext ko sa'yo ang address niya. Alalahanin mo na makaapekto kay Woozi ang bawat galaw na gagawin mo. It's not only his identity is at stake but also his job."

"Naiintindihan ko. Thank you."

"You're welcome. Now go. Good luck!"

Call Disconnected

Hotline Mix (Hotline Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon