Chapter 19: Good Girl

48 5 0
                                    

"Honey, kamusta ka na?"

"Ok lang po Mom"-Ngiting sagot ko at Binaling nalang Ulit ang Atensyon sa Bintana.

Kasalukuyan naming Tinatahak ang Daan patungong 'PRINCETON RESIDENCE' Halos Dala pa nga namin ang Bagahe nila Mommy at Daddy,Eh,Dun na Agad ang deretso namin Mas Nauna kasing Nakauwi ang Mga magulang ni Van Kysler. Sa Dahilang May Inasikaso raw sila rito sa Pilipinas Urgent daw kasi ang Meeting kaya nakauwi sila ng Di Oras.

Naka-uniporme pa nga ako dahil di ko naman alam na Dun agad ang Punta namin.

Dahil Medyo Gabi na rin at Parang Halos Walang Dumaraan sa Daang Tinatahak namin,Mabilis namin narating ang Isang Napakalaking Bahay na Nagmistulang Kaharian sa Modernong Panahon ang Disenyo,Agaw Atensyon ito,Sapagkat Ito lamang Ang Bahay na nakatayo sa Liblib ngunit Magandang Tanawin na Lugar na ito.

Pinaligiran ng Matataas na mga Puno,Pero Ang pag-kakaalam ko May Gate pa kaming Pinasukan bago namin Tinahak ang Daan Patungo rito sa Mala-Modernong Palasyong Bahay na ito.

"We're Here."-Masiglang Sabi ni Mom Habang Nasa Harap namin ang Malaking Bahay.

Marami rin akong nakikitang Gwardiya na Naka-Itim na Tuxedo Bawat isa ay may Hawak na Sandata kadalasan ay Baril.

Lahat sila'y nag-Tayuan ng Matuwid at Sumaludo ng Makababa na kami.

Ngumiti nalang ako,Ang Creepy Kasi Parang Anytime Pwede nila akong Baralin.

"Good Evening Boss."-Magalang na sabi ng Isang lalaki saaking Ama at Ina na kung Tutuusin ay mas Matanda pa ito saaking Magulang.

"Good Evening Hayme."-Masayang Bati naman nila sa 'HAYME' Kunno.

Ginayak kami ni Kuyang Hayme Papasok ng Mansyon Halos Isang Sobrang laking Bulwagan ng Modernesayong Bahay Ang Entrance ng Bahay nila Halatang May Class at Mayaman ang nakatira Hindi nakakasawang Pagmasdan ang Kabuuan ng Bahay.

Napapalibutang ng Glass Wall ang Buong Paligid Natatanaw rin mula rito ang Malawak nilang Hardin at Ang Olympic Size Pool na Sobrang Linis at kumikinang pa yun..

"Kumare!"-Narinig ko ang mga hakbang papalapit sa Dereksyon namin.

"Kumare,Kumpare!"-Rinig ko namang Magiliw na Pagbati ni Mommy.


Nagkayakapan at Beso lang Sila samantalang si Mr. Jhonny Princeton at si Dad ay nag-Fist to Fist lang Sabay tapik sa kanilang Likod..

Mukhang O.P ako sa kanila,Nilibot ko nalang ulit ang Bahay gamit ang aking mga mata,Parang Kahit isang Alikabok wala kang Maaaninag sa Bahay na ito Medyo nakakatakot nga lang kasi Kasi Dapat Laging Bukas ang Ilaw,Medyo Tago kasi ang Kinatatayuan nitong bahay,Paano nalang kung nawalan ng Kuryente,Siguro sobrang Dilim rito.

"Tara Iha."-Ginayak ako ni Tita Shailey Papuntang dinning Area nila.

Magalang naman akong Sumunod sakanya.

Siguro mga Labing Tatlo Ang Kasambahay na Naabutan naming Nag-aayos ng Hapagkainan.

Nang Mapansin ang Presensya namin ay Sabay sabay silang Napatungo at Nagbigay galang..

Nag-siupo na kaming lahat sa Mahabang Kahoy nilang mesa.

"Sabay na rin kayo Manang."-Mr.Jhonny Princeton..

"Wag na ho Ser,Mamaya nalang po,Kakatapos lang rin po kasi namin kumain nung pasalubong ninyo."

Napakabait naman ng mga Kasambahay nila rito.

Pagtapos nilang Mag-usap at Magpasalamatan para sa Paghain ng Mga Pagkain sa Mesa ay nagsimula na kaming kumain parang Italian Chief ang mga nagluto base na sa Textura at Lasa ng mga pasta at ibang Putahe.


The TroublemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon