EPILOGUE
Dalawang linggo na ang nakalipas nang magtanan sina France at Ren. Sa isang bayan sa Laguna sila tumira. Sa tulong ng isang kaibigan ay nakapagpalit si France ng ibang pangalan. Minabuti nila na gawin ito upang maipagpatuloy nang tahimik ang kanilang pagsasama. Bukod kay Jed ay wala ng iba pang nakakaalam sa sitwasyon nilang ito.
"Khayen!"
Naalimpungatan si France nang marinig ang pagtawag na iyon ni Ren sa bago niyang pangalan. Kinapa niya ang alarm clock sa tabi ng kama na hinihigaan niya.
Time check: 9:00 AM.
Nanlaki ang mga mata ni France. "Ahh! Male-late na ko!" sigaw niya.
Ibinato niya ang orasan sa ilalim ng kama.
Nakasuot lang si France nang maluwag na damit at manipis na itim na short. Gulo-gulo rin ang kanyang kulot na buhok, pero hindi niya na ito inayos. Agad na siyang tumayo at nanakbo papunta sa banyo. Maliit lang ang condo unit na tinutuluyan nila ni Ren. Sa tabi ng banyo nakapuwesto ang pinagsamang dining at kitchen. Nadaanan niya rito si Ren na abala sa paghahanda ng almusal. Tiningnan niya lang ang lalaki. Naiinis siya rito dahil hindi man lang siya nito ginising ng maaga.
Pagpasok ni France sa bathroom, binuksan niya na agad ang shower at isa-isang inalis ang kanyang mga damit, pero bigla siyang napahinto. Napatingin siya sa kanyang katawan, "Bakit parang nananaba ako?"
Napangiti siya. "Siguro hiyang ko talaga ang pagta-trabaho," aniya.
Receptionist si France sa isang Spanish Restaurant malapit sa Chonen University na pinapasukan ngayon ni Ren. Dahil hindi pa naman siya graduate ng kolehiyo, minimum lang ang kanyang sweldo, pero mas gusto niya na ito kesa naman mag-aral at umasa na lang sa kasintahan.
Lumabas si France ng banyo nang nakabalot lang ang katawan sa kulay puti na towel. Napatigil siya sa kitchen. Ready na ang almusal sa maliit na lamesa. Nakaupo na rin dito si Ren.
"Kain na," aya nito.
"Bihis lang ako, mauna ka na."
"Sabay na tayo."
"Mauna ka na nga." Napailing si France at nagsimula ng maglakad pabalik sa kuwarto. Nilagpasan niya si Ren, pero bigla siya nitong hinila at niyakap. Napaupo siya sa kandungan nito.
"Sorry na, Babe."
Naramdaman ni France ang init ng yakap ni Ren. "R-Ren..."
"Tumigil ka na lang kasi sa pagtatrabaho, ako na ang bahala sa'tin, please?" bulong ni Ren na parang bata na nanunuyo.
Nginitian siya ni France at hinalikan sa labi, pero hindi ibig sabihin niyon na susundin niya na ang sinabi nito. Ginawa niya lang 'yon para iparating kay Ren na huwag na itong mag-alala.
Katatapos lang ni France magbihis. Palabas na siya ng kwarto nang makaramdam siya ng pagkahilo. Madalas niya na itong maramdaman lalo na tuwing umaga kaya lang... mas matindi kumpara sa dati ang pagkahilo na nararamdaman niya ngayon. Kung noon ay napaglalabanan niya, ngayon ay hindi niya na kaya.
BLAG!
Bumagsak siya sa sahig, pero bago siya tuluyang mawalan ng malay ay nagawa niya pang isigaw ang pangalan ni Ren.
Nang imulat ni France ang kanyang mga mata ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang malawak at kulay puting silid. Nakatayo sa tabi ng hinihigaan niyang kama si Ren at ang isa pang lalaki na hindi niya kilala.
Dahan-dahan ibinuka ni France ang kanyang labi. "R-Ren..." tawag niya.
Tiningnan lang siya nito. May kakaiba sa mga mata nito-malamlam at mapula.
"U-Umiyak ka ba?"
Biglang umiwas ng tingin si Ren.
Napailing si France. "M-May problema ba?"
Hindi pa rin kumibo si Ren.
"Ren," tawag uli ni France. Nang hindi makatanggap ng sagot kay Ren ay sa lalaking katabi naman nito nagtanong si France. "A-Ano ba ang nangyari?"
Tumugon naman agad ang lalaki. "Mabuti at nadala ka agad dito sa hospital dahil kung pinatagal pa ay baka napahamak na ng tuluyan ang baby mo," anito na nagpakunot sa noo ni France.
"B-Baby?"
Ngumiti ang lalaki, "Yes, congratulations! You're pregnant."
Buntis si France? Paano nangyari ito gayong wala pa naman nangyayari sa kanila ni Ren?
BINABASA MO ANG
Better Than Sex
ChickLitIsang pangyayari sa nakaraan ang magtutulak kay France Gem Sandoval na magpanggap na transgender at pumasok sa Minhye University---isang all boys school na pinamumugaran ng mga delikwenteng estudyante. Makikilala niya rito ang limang lalaki na gagaw...