CHAPTER 4
"NAKAKADIRI KA!"
Paulit-ulit gumugulo sa isipan ni France ang mga sinabing 'yon ni Ren. May tumulong luha mula sa mga mata niya. Agad niya naman iyon pinunasan.
Bakit, bakit Ren?
Tulalang naglakad si France papasok ng mansiyon, bumungad sa kanya si Gian na mag-isa sa sala.
"Hoy bakla! Halika, samahan mo kami uminom," yaya nito.
"Kami?" Tumingin si France sa paligid, pero wala naman siyang nakitang ibang tao. Na-curious tuloy siya sa iniinom ni Gian at kung anu-ano na ang sinasabi nito.
Nilapitan niya si Gian at inamoy ang mga baso na nasa harap nito, "Alak?"
"Aist, bilisan mo. Umupo ka na, hahayaan kitang saluhan ako ngayon." Nakangiti pa si Gian habang sinasabi iyon, halatang marami na nga siyang nainom. Bakas sa mukha nito ang tama ng alak.
"Tama na yan, lasing na lasing ka na e kapag naabutan ka nila tita, lagot ka."
Hindi pinakinggan ni Gian ang warning na iyon ni France. Tuloy lang ito sa pag-inom.
"Happy Birthday to me!" sigaw pa nito. Nagbukas na naman ito ng isang bote ng beer.
"Teka, birthday mo?" tanong ni France.
"Oo, regalo ko?"
Bilang pinamulahan si France, "Ah, eh... hindi ko naman alam."
Sumulyap lang si Gian sa kanya at tinuloy pa rin ang pagsasalin ng alak sa baso.
"Gian, tama na! Akin na nga yan!" Inagaw ni France ang baso nito at straight niyang ininom.
Pagkatapos niyon?
EWAN.
Wala ng maalala si France. Nagising na lang siya dahil sa bigat ng kung ano na nakapatong sa legs niya.
Unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata.
Hay paa lang naman pala ni Gian.
Bigla siyang naalimpungatan.
Ano? Paa ni Gian?
"WAAAAAH!" Napasigaw na siya, pero naagapan niya naman takpan ang bibig niya.
Nakahiga sila ni Gian ngayon sa iisang kama, nakabalot sila sa iisang kumot. Walang pantaas na suot si Gian at si France naman... wala talaga ni isang saplot.
Gusto niyang sumigaw, maiyak, at magwala ngayon.
Bakit nangyari 'to? Ibibigay ko lang ang first ko, sa isang tsonggo pa? Hindi!
Pero naisip niya na saka na lang problemahin ang bagay na iyon. Ang mahalaga muna ay ang makaalis siya sa kwarto ni Gian.
Ano'ng gagawin ko? Paano ko aalisin 'tong paa niya sa pagkakandantay sakin ng hindi ko siya magigising? Teka, ano ba kasi talaga ang nangyari kagabi?
Ti-nry ni France irecall sa utak niya ang mga kaganapan kagabi, pero kahit anong pilit niya ay wala talaga siyang maalala.
Dahan-dahan niya na lang inalis ang mabigat na paa ni Gian sa kanya.
Nakakita siya ng towel sa sahig. Ibinalot niya iyon sa katawan niya.
Kinuha niya ang dress at blazer niya sa paanan ni Gian. Pero may kulang pa...
"Nasaan na ba kasi yon?" tanong niya sa isip.
Hindi niya talaga makita. Napabuntong hininga na lang siya. Bahala na nga yon!
Paalis na sana si France sa kuwarto ni Gian nang may something na tumama sa ulo niya.
"Aray!" daing niya.
Nanlaki ang mga mata ni France nang makita kung ano ang bagay na iyon.
Yung panty ko.
Paglingon niya, nakita niya ang masamang tingin ni Gian. "Alis na," anito.
"O-Oo," patakbo naman siyang umalis ng kuwarto.
SA CONDO NI MARJ...
"I'm still inlove with her."
Parang tumigil ang mundo ni Marj nang sabihin iyon ng kasintahan.
"With whom?" He asked Wade.
"France, my ex."
Karma. Yung ang pakiramdam ni Marj na nangyayari sa kanya ngayon dahil sa ginawa niyang panloloko kay Ren.
Halos lumuhod at magmakaawa kay Marj si Ren noon. Sinabi pa nga nito na handa itong maging kabit huwag niya lang iwan, pero wala rin nangyari.
Inaamin ni Marj na naging makasarili siya dati. Pero anong gagawin niya? Nagmahal lang siya.
"I understand," tugon ni Marj kay Wade.
Pero totoo nga bang naiintindihan niya ang binata?
Naglakad na paalis si Wade.
Pilit pinipigil ni Marj ang kanyang damdamin. Ang sakit. Sobrang sakit.
Kahit naman hindi sabihin ni Wade alam ni Marj 'yon, ramdam niya na may ibang mahal ang kasintahan. Siya lang talaga ang nagpahalaga sa kanilang relasyon, pero napagod na ata siya kaya hinayaan niya na ito ngayon. Hindi niya lang inasahan na ganito pala kasakit ang pakawalan ang taong mahal niya.
BINABASA MO ANG
Better Than Sex
ChickLitIsang pangyayari sa nakaraan ang magtutulak kay France Gem Sandoval na magpanggap na transgender at pumasok sa Minhye University---isang all boys school na pinamumugaran ng mga delikwenteng estudyante. Makikilala niya rito ang limang lalaki na gagaw...