SA ROOFTOP NG UNIVERSITY...
Umupo si Gian sa tabi ni Ren, "Ano, nakuha mo ba yung number niya?"
"Wew, ako pa ba? Oh," mayabang na sabi nito sabay abot kay Gian ng cellphone.
"Aanhin mo ba yan?" biglang tanong ni Jed.
"Oo nga, ano ng plano tsong?" –Chris, habang nakatutok sa ipad nito.
"Don't tell me, type mo?" sabi naman ni Dave na pinipigilan ang tawa.
"Ulul!"
Tumayo si Gian mula sa kinauupuan niya.
"Malalaman niyo rin."
At iniwanan niya na ang grupo roon.
GUMAGAWA si France ng assignment sa kwarto niya nang magvibrate ang cellphone niya.
1 new message from 091543*****
"Unknown number?"
Nagtaka siya dahil bukod sa Tito Vhen at Tita Hanna niya ay wala na naman siyang ibang pinagbibigyan ng cellphone number niya.
Pag open niya ng message.
"Hi Babe, puwede ka ba bukas after class? Dinner? Ren."
"Babe? Si Ren?" Biglang namula ang mukha ni France.
Is he asking me on a date?
Wait, naglo-loading pa....
"AHHH!!!" Napasigaw si France at nagtatalon sa kama.
"Hoy bakla, tumahimik ka nga riyan!" sigaw ni Gian na nasa kabilang kuwarto.
Napatakip si France sa bibig niya.
OMG! Anong isasagot ko? Oo? Sige? Ahh naku, hindi tama to!
PAG-UWI ni Gian sa bahay, nag-isip agad siya ng itetext kay France.
/Hi, puwede po makipag-txtmate?/
TSS, ang cheap!
/Hey yo, wazzup! Wanna txt/
Wew, jejemon na nag mukha pa akong tanga!
/Magandang gabi, kasing ganda mo binibini./
Ano ba 'yan!
Naisip ni Gian na humingi ng suggestions sa mga Mokong.
Pero paano ko naman sila hihingan ng tulong? Baka kung ano pang isipin nila. Negative 'yon. Hays, bahala na nga! Kahit ano na lang.
/Hi Babe, puwede ka ba bukas after class? Dinner? Ren./
MESSAGE SEND!
Napakamot si Gian sa kanyang ulo.
"AHH!" sigaw sa kabilang kuwarto. Maya maya nag vibrate naman ang cellphone ni Gian. /From: Bekiki, Where?/
Akala ko ba man-hater siya, ang bilis niya naman mapa-oo. Mukhang nakuha na nga ni Ren ang loob niya. Magaling, pero kulang pa iyon.
Agad itinext ni Gian kay Ren ang planong naisip niya para mas lalong makuha nito ang loob ni France.
NANGANGATOG si France sa kaba. Ala-otso na kasi ng gabi subalit wala pa rin ang hinihintay niyang ka-date.
Hindi kaya pinagti-tripan niya lang ako?
Dalawang oras ng huli si Ren.
Hindi alam ni France kung bakit nakaya niyang maghintay ng ganoong katagal, dahil sa totoo lang... napakamainipin niya.
BINABASA MO ANG
Better Than Sex
ChickLitIsang pangyayari sa nakaraan ang magtutulak kay France Gem Sandoval na magpanggap na transgender at pumasok sa Minhye University---isang all boys school na pinamumugaran ng mga delikwenteng estudyante. Makikilala niya rito ang limang lalaki na gagaw...