Ten

4.5K 113 15
                                    

CHAPTER 10

DAHAN-DAHANG inalis nung lalaki ang maskarang nakatakip sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata ni France nang makita siya.

"W-Wade?"

Tama, si Wade nga ang lalaki.

"B-Bakit, bakit mo nagawa 'to?" Tinitigan ito ni France. Pakiramdam niya ay ibang Wade na ang nasa harapan niya ngayon, "A-Akala ko ba okay na?"

Ngumiti ito, "Akala ko rin, hindi pa pala."

"Ano?" Hindi niya maintindihan si Wade.

"Mahal kita France!" sigaw nito.

"Kung mahal mo ko, hindi mo gagawin 'to!"

Hindi siya nito pinapakinggan.

"Akin ka lang kaya sasama ka sakin sa New York," mahinahon na sabi nito.

Mas lalong kinabahan si France.

Unti-unti itong lumalapit.

"Hoy kolokoy, huwag kang magtatangkang lapitan siya!" May lalaking nagsalita sa likod ni Wade.

Napatingin si Wade sa lalaki, "Sino ka?"

Namilog ang mga mata ni France nang mamukhaan ang lalaki. Si Gian.

Bigla nitong binigyan ng malakas na suntok si Wade, "Bobo! Mukha mo ang nakakasuka!"

Tumalsik si Wade. Nagdatingan naman yung mga lalaking naka purong itim.

"Boss!" sigaw nila.

"Gawin niyo na ang dapat gawin sa lalaking 'yan!" galit na utos ni Wade sa mga lalaki.

Agad naman nilapitan ni Wade si France. May kinuha itong balisong mula sa bulsa.

Tumingin ito kay Gian, "Kapag lumaban ka sisirain ko ang mukha niya."

Mas nilapit ni Wade ang patalim sa mukha nito. Bumilis ang tibok ng puso ni France.

Oh hinde! Ang mukha ko!!!

"Nagpapatawa ka ba?" sabi ni Gian sabay ngiti. "E di sirain mo!"

Waaa! Katapusan ko na!

Sinimulan ng labanan ni Gian ang mga lalaki. Ipinikit na lang ni France ang mga mata niya.

Maya maya, naramdaman niyang tahimik na ang buong paligid. Dahan-dahan na siyang mumulat. Nakita niyang nakabagsak na ang mga lalaki sa sahig kabilang na ron si Wade. May nagdatingan ding mga pulis na dumampot sa mga ito.

"Tara na!" aya ni Gian.

Nag-alangan pa si France na sumama.

"Hindi ka ba sasama sa'kin?"

"Paano mo nalaman na nandito ako?" naisip ni France na itanong.

"Si Ren, tumawag siya sa'kin!"

"Si Ren?" Doon na naalala ni France na nabugbog nga pala ito. "N—Nasan siya? Nasan si Ren?"

"Nasa hospital na siya ngayon. Ayaw mo ba siyang makita?"

"Ah, hinde. Gusto, gusto ko siyang makita!"

"Kung gayon, halika na."

"Sige."

Sumakay si Gian sa isang motor. Pinaandar na niya ang makina nito, "Ge, sakay na!"

Sasakay na si France nang makita niya ang masamang tingin ni Gian.

"Oh, bakit?"

"Huwag dito!"

Better Than SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon