Six.1

4.9K 130 5
                                    

NANG magising si France, medyo madilim na. Tsaka niya na lang naalala na bumalik sa kusina para magluto. Gutom na kasi talaga siya..

EH?

Nagulat na lang si France dahil may mga luto nang pagkain sa table.

"Teka, dumating na ba sina tita?"

Na-excite siya. Kumain siya agad.

"Wow, ang sarap naman."

Pork Steak at Tacos ang nasa hapag.

Ang sarap ng Tacos. Mukhang mapaparami ang kain ko. Pero teka... si tita ba talaga ang nag-prepare nito, o si...?

Ang bobo mo Gian, bakit mo ba pinagluto ang baklang ' yon, baka mamaya kung anong isipin non. Kaasar!

Padabog na humiga si Gian sa kama at nagtakip ng unan.

Wala naman talaga siyang balak na ipagluto si France, inis siya rito, kaya bakit niya ito ipagluluto? Nagawa niya lang dahil nakakaawa ito.

Pagkatapos niya kasi kumain ng cake, narinig niya ito na nagsasalita na mag-isa.

BALIW!

Nagsasalita ito habang tulog.

"Gusto kong kumain, gutom na ko... Mama, puwede niyo ba kong ipaghanda ng Tacos, o kaya Nachos. Ayoko ng cabbage, mas gusto ko ng Lettuce... okay din lang kahit walang kamatis, basta may pineapple... tsaka pork steak ni Papa, miss ko na po 'yon..."

Para syang sira, kakausapin lang ang parents nya sa panaginip, tungkol pa sa pagkain.

Mas lalong nainis si Gian kay France, pero naisip niya na kahit bakla ito, alam niya na gaya niya, nasaktan din ito sa nangyaring aksidente. Sa aksidenteng pumatay sa parents ni France at sa kuya niya.

Bumalik si Gian sa kusina at nag decide na lutuin ang request ni France.

Sa isip niya ay hindi niya ito gagawin para kay France. Gagawin niya ito para sa ala-ala ng parents nito.

Pero ngayon, nagsisisi siya kung bakit niya iyon ginawa.

Ang sarap. Masarap talaga.

"Ma, Pa... salamat"

Para akong sira, iniisip na sina mama at papa ang nagprepare nito. Paano naman mangyayari yon, eh matagal na silang patay.

Hindi na naman affected si France sa pagkamatay ng parents niya, matagal na kasi iyon, pero... bakit ngayon...

"Mama, Papa..."

Ano ba yan, may luha na agad ako. Ang OA ko naman.

Pinahid ni France ang luha niya. Ipinagpatuloy niya na lang ang pagkain. Eh kasi naman, wala naman siyang pinagsabihan na kahit sino na gusto niya ng nachos with pork steak. Special tee kasi iyon ng Mama at Papa niya.

Naiyak na naman tuloy si France.

M- Mama, Papa!

Hindi na napigilan ni France, napasubsob siya sa lamesa at nagsimulang umiyak.

Sa tinagal tagal niyang ulila, ngayon na lang uli siya napaiyak ng ganito.

BALIW.

Isa talagang malaking hangal yang bakla na yan.

Sasabihin sana ni Gian na i-norder niya lang yung mga pagkain o any lies basta hindi niya malalaman na siya ang nagluto, pero ito ang bumungad sa kanya. Si France na umiiyak.

Para siyang babae kung umiyak. Kung hindi nga lang alam ni Gian na nagpa-sex change ito ay baka maniwala siya na babae talaga ito.

KINABUKASAN, pagkagising ni Gian, nakita niya sa may table malapit sa kama niya ang isang note.

Better Than SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon