One.1

8.8K 164 28
                                    

KINABUKASAN sa rooftop ng Minhye University...

"WHAT? MAY BAKLANG PAPASOK SA MINHYE?" in chorus na tanong ng mga Mokong. Kinausap sila ni Gian matapos malaman na mag-aaral ang kababata niyang si France sa pinapasukan nilang all boys school.

Mokong 1, si Chris- ang pinakabata sa grupo, pero siya'ng pinaka matangkad sa lahat.

Mokong 2, si Ren- blonde ang buhok. Siya ang tinaguriang playboy ng grupo. Araw-araw kasi ay iba't ibang babae ang makikitang kasama niya.

Mokong 3, si Jed- Ang genius ng barkada, president din ng student council, pero siya ang madalas pinag-uugatan ng away.

Mokong 4, si Dave- Siya naman ang pinakamasungit sa grupo. Galing siya sa pamilya ng mga gangster kaya sa kanilang lahat, siya ang pinakakinatatakutan.

At syempre, si Gian Lee-ang leader ng mga Mokong.

Silang lima ang batas sa Minhye University. Nagmula ang lima sa mayaman na pamilya. Kilala rin sila sa iba pang sikat na mga unibersidad sa Pilipinas dahil sa angking mga kagwapuhan at katalinuhan. Singkit ang mga mata nila dahil may lahi silang Koreano. Lahat sila ay matangos ang ilong at makikisig ang tindig. Mapuputi rin sila maliban kay Gian na may morenong balat na minana niya sa kanyang mama.

"Seryoso? Pinayagan siya? Pero... Paano?" sunud-sunod na tanong ni Jed.

"Mahabang kuwento. Huwag n'yo ng itanong," ani Gian na nakakunot na ang noo.

"Ikuwento mo na!" sigaw naman nina Chris at Dave.

Napabuga na lang si Gian ng hangin. Wala naman siyang choice kundi ang sabihin sa mga kaibigan ang nalalaman. "Okey! To tell you the truth, kababata ko siya. Inampon siya ng parents ko after mamatay ng mga magulang niya. Hindi kami nagkita for almost seven years. Kaya nga talagang nagulat ako nang sabihin ni Dad na naging babae na siya. Hindi ko maimagine. Lalo na dahil dito na siya mag-aaral at sa bahay pa namin siya titira."

Iyon lang ang sinabi ni Gian sa mga kaibigan. Hindi niya na binanggit na ang kababata niyang iyon ang nakasakay nila kahapon sa bus na nambato ng sapatos.

Si Ren ang unang nagreact sa sinabing iyon ni Gian. Nanlaki ang mga mata nito. "So... nagkita na ba kayo? Anong itsura niya?" tanong nito.

Sabay-sabay na napatingin ang apat kay Ren.

Napansin naman iyon ni Ren kaya bigla siyang napaiwas ng tingin. "B-Bakit ganyan kayo makatingin? D-Don't tell me? Oy, oy, oy, mali ang iniisip nyo! Wala kong interes sa baklang 'yon! I'm only interested with girls because of s**, 'yun lang yon! Wala kong balak magkama ng bading no!, Kilabutan naman kayo!" tuloy-tuloy na sabi nito habang pinagpapawisan. Napayapos din ito sa kanyang sarili.

Bigla naman tumawa si Chris habang seryosong umiiling ang katabi nitong si Dave.

Napangisi lang si Gian, "Defensive," aniya.

Napahawak naman sa suot nitong salamin si Jed bago nagsalita. "Pero mga tol, kahit sabihin pa natin na lalaki talaga ang bading na iyon, hindi pa rin sapat 'yon para payagan siyang mag-aral dito. Physically, babae siya! Kapag nagkataon baka pati image ng school ay madamay," seryoso at mahabang litanya nito. Natigil sa pagtawa si Chris.

"O-Oo, may punto si Jed. Ano ng mangyayari nito sa University?"-Chris

"Magsitigil nga kayo!" biglang sigaw ni Gian.

Napatingin ang lahat sa kanya. "Hindi na natin mapipigilan ang pagpasok nang baklang 'yon dito dahil si tanda na ang nagdesisyon."

Tinatawag ni Gian na tanda ang kanyang Papa sa tuwing gumagawa ito ng bagay na kinaiinis niya.

"Kaya hahayaan na lang natin?"-Dave

"Syempre hinde!"sigaw ni Gian. Tumingin siya sa malayo. "Walang imposible kay Tanda," pagpapatuloy niya. "Pero may plano na ko."

"Kalabanin si Mr. President?" out of the blue na tanong ni Ren.

"Ano ba'ng klaseng tanong 'yan!" Tiningnan siya nang masama ni Gian. Aware naman sila na mahirap gawin ang bagay na iyon. Maimpluwensiyang tao si Mr. Vhen Lee. Kahit siya mismo na anak nito ay hindi pa nagawang manalo sa Papa niya.

"So, paano?" tanong ng lahat kay Gian.

Saglit na natahimik si Gian bago niya ibinulong ang naisip na plano sa mga kasama.

Agad na sumang-ayon ang lahat sa plano maliban kay Ren."Ano? Gusto mong paligawan sa'kin ang baklang 'yon?!" bulyaw nito.

Ngiti lang ang itinugon sa kanya ni Gian.

Better Than SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon