Two.1

7K 139 25
                                    

SA MINHYE UNIVERSITY...

Dahil walang bantay sa library, ipinrisinta ni France ang sarili sa kanyang Tito Vhen. Pumayag naman ito, pero pinaalalahanan siya nito na magbantay lamang sa mga bakante niyang oras.

Naupo si France sa favorite spot niya sa library---sa ilalim ng lamesa; at sinimulang basahin ang isa sa mga paborito niyang kwento sa e-book, ang Kiss the Prince.

"In a world called Akaba people shared special abilities. Power to manipulate memory, power to duplicate, power to control sand. Name it! What power do you want?"

Huminto siya sa pagbabasa para mag-isip kung anong power ang gusto niya nang makarinig siya ng kaluskos sa likod ng bookshelf malapit sa pwesto niya.

S-Sino yon? May tao kaya?

"Ssh, hinaan mo lang baka may makarinig."

Meron nga.

Hindi na lang iyon pinansin ni France. Nagpatuloy siya sa pag-iisip.

Pagkalipas ng tatlongpung segundo, muli siyang nakarinig ng ingay.

"Ooohhhhhhh"

Napaawang siya ng labi.

Teka, u-ungol ba 'yon?

"Tiisin mo lang, mawawala rin ang sakit niyan."

"Uuuhhh, oohhh!"

Oh my gosh! Ungol nga!

Tinakpan ni France ang kanyang mukha gamit ang cellphone niya.

May muling nagsalita. "Ano pre, masakit pa ba?"

Pre? Lalaki? Lalaki sa lalaki?

"SUCCESS!" sagot naman ng isa pang boses.

Doon na nagimbal si France.

Ano ang ibig sabihin ng ungol na iyon? Alin ang masakit? Sino ang mga ito?

Kung anu-anong tanong ang nabuo sa isipan niya.

T-Teka... Is this bromance? Iyon ang naisip niyang sagot.

Nang marinig ni France ang pagsara ng pinto ng library, nagmadali siyang gumapang paalis sa ilalim ng lamesa. Pero bigla siyang natalisod. "ARAY!" sigaw niya.

Dinampot niya ang bagay na nakatalisod sa kanya. Student ID.

Matapos makita ni France kung sino ang nagmamay-ari nang napulot niyang ID, nanlaki ang mga mata niya. "Hindi, Imposibe ito."

GABI na naman nang makauwi si France sa mansiyon. Pero hindi niya na hinayaang muling mapagtripan ni Gian. Pagkababa niya ng taxi ay agad na siyang pumasok sa loob.

Sa pangalawang palapag ang kuwarto ni France. Hindi pa man siya nakatutuntong sa hagdanan ay napansin niya ng nakabukas ang ilaw sa silid niya.

May tao kaya?

Sa halip na mag-isip ng kung anu-ano, nagmadali na lang siyang umakyat sa taas.

Mas lalong nagtaka si France nang hawakan niya ang door knob. Hindi ito naka-lock.

Kung gayon, may tao nga. Pero sino?

Unti-unti niyang binuksan ang pinto.

Pagpasok niya, "O-M-G! Anong ginagawa mo sa drawer ko?"

Tumambad sa kanya si Gian na hawak-hawak ang isa niyang bra--- yung Hello Kitty.

"Mind your own chenes, like ko ang isang 'to kaya aketch na'to!" sigaw ni Gian gamit ang malamyang boses.

Better Than SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon