PAGDATING ni Gian sa Infinity bar, sinalubong siya ng bartender. Itinuro nito sa kanya ang kinauupuan ni Ren.
"Eto yung cellphone at wallet niya. Iniwanan 'to sakin nung magandang babaeng kasama niya kanina."
Kinuha naman 'yon ni Gian, "Salamat."
Tinabihan niya si Ren sa upuan.
"May problema ba, bakit ka nagpakalasing?" tanong niya. Pero imbes na sagutin siya, hinanap nito sa kanya si France.
"Nawawala ba siya, bakit mo hinahanap?"
"She's here bro," sigaw ni Ren.
"Wala siya rito, umayos ka nga diyan!" inis na sagot ni Gian.
"Anong wala, kasama ko siya kanina."
"Aist, ang kulit! Hindi siya 'yon!"
"Si France yon bro, sigurado ko na siya 'yon. Ramdam ko dito," kinapitan pa nito ang kaliwang dibdib.
Nagsisigaw si Ren, tinatawag ang pangalan ni France.
"Hay, pasensya ka na pre, pero ang kulit mo e kaya kailangan kong gawin 'to."
Kumuha si Gian ng isang bote ng alak at ipinukpok sa ulo ni Ren.
PLEASE try your call later. toot toot--
Hindi sinasagot ni Ren ang tawag ni Marj kaya napilitan siyang puntahan na ito sa condo nito.
Sa tapat ng unit ni Ren, naabutan ni Marj ang isa sa mga kaibigan nito. Kung hindi siya nagkakamali, ito yung Jed.
Lumapit siya rito, "Excuse me," mahinhin niyang sabi. "Kaibigan ka ni Ren, tama?"
Tumango lang ito.
"Nandiyan ba siya sa loob?" tanong niya ulit.
"Wala," matipid na sagot nito.
"Alam mo ba kung nasaan siya?"
"Hindi." Pagkasabi niyon ay umalis na ang lalaki.
Nasaan ka ba Ren?
Nagpasya na lang si Marj na pumunta ng mall at manood ng movies.
HABANG naglalakad papasok ng sinehan, aksidente niyang nasagi ang isang babae.
"Ouch!" sigaw niya.
Agad naman siyang humingi ng paumanhin.
Hinabol niya ng tingin iyong babae.
Si France ba 'yon? Pero bakit naman siya nandito?
Inayos ni Marj ang sarili at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Naupo siya sa unang row sa tabi ng isang lalaki. Napatingin siya rito.
Wait, Ren?--- Napangiti si Marj nang makumpirmang si Ren nga.
NANG magkita sina Ren at Marj noon sa sinehan ay nag-usap ang dalawa.
"Niloloko ka lang niya Ren! Babae siya. Babae si France!"
"Imposible," ani Ren.
"Please Ren, maniwala ka." Bakas sa mukha ni Marj ang pagsasabi ng katotohanan, pero hindi... alam ni Ren na hindi siya magagawang lokohin ni France.
"Shut up!" sigaw ni Ren. "Bakit naman ako maniniwala sayo?"
"Dahil totoo ang sinasabi ko!" giit ni Marj. "Galit siya sa kapatid mo kaya gumaganti siya. Ginagamit ka lang niya, pinaglalaruan niya lang kayo!"
"Umalis ka na," mahinahong sabi ni Ren.
Tinalikuran niya si Marj. Aalis na sana siya pero pinigilan siya nito, "Sandali!" May inabot itong brown envelope sa kanya, "Patutunayan ng envelope na 'yan na nagsasabi ko ng totoo."
IPINAKITA ni Ren ang laman ng envelope kay Gian, ang mga pictures, id at birth certificate na nagpapatunay na babae nga talaga si France. "Ang akala ko in-love na talaga ko sa bakla," nakangisi niyang sabi.
Napakunot ng noo si Gian, "Ibig bang sabihin, t-totoong nagugustuhan mo na siya?"
"Hindi ba kapani-paniwala?"
"K-Kailan mo pa naramdaman?"
Hindi na sumagot si Ren at sa halip ay napahawak na lang siya sa kanyang ulo.
"Hindi ako makapaniwala na magagawa mo kong pukpukin ng bote." Tiningnan nito si Gian, "Masuwerte ka dahil kaibigan kita."
Nag smirk lang naman si Gian, "Ang sabihin mo naduduwag ka lang."
"Maawa ka sa katawan mo!" matapang na sabi ni Ren.
Pinakita ni Gian ang muscles nito, "Kaya mo na ba 'to?"
Doon na napatawa si Ren nang malakas.
KASALUKUYAN si France na nakatayo sa harap ng Minhye University. Ngayon kasing alam na ni Gian na babae siya, wala ng dahilan para ipagpatuloy niya pa ang pag-aaral dito.
Sigurado siya na mamimiss niya ang mala-palasyo na paaralang 'to at ang lamesa sa library, "Paalam, Minhye University."
KASAMA ni France ngayon sa sala sina Mr. at Mrs. Lee.
"Talaga bang aalis ka na sa Minhye University?" tanong ni Mr. Lee.
Tumango si France at sumagot, "Nakapagpasya na po ko."
"Kung mamarapatin niyo po, gusto ko po sanang bumalik na lang ng probinsya," dagdag pa niya.
"Wala kaming magagawa kung 'yan ang gusto mo."
Napangiti si France sa sagot na iyon ni Mr. Lee.
"Maraming salamat po."
Nagsalita naman si Mrs. Lee, "Pero France tuloy pa rin ang kasal niyo ni Gian kaya kung aalis ka kasama mo siyang titira sa probinsya."
Eh? Napanganga si France sa narinig.
"Hoy bakla, nasaan yung medyas ko?"
Lumapit si France kay Gian, "Ayan!"
"Yung damit ko?"
Tumakbo naman si France sa kabilang side para kuhanin yung damit nito, "Oh, heto na."
Pagkaabot niya ng t-shirt, tinalikuran na niya si Gian. Hay!
"Teka, nasaan yung brief, ha?"
Nilingon niya si Gian nang nakataas ang isang kilay, "Ano? Pati ba naman iyon iuutos mo pa?"
"Ayaw mo?" matapang na tanong ni Gian.
"Talagang ayaw ko!" sabi naman ni France nang nakapamewang.
"Huh, e di sige, hubo na lang akong papasok sa school."
Nanlaki ang butas ng ilong ni France sa sinabing 'yon ni Gian. "AHH!!!" sigaw niya.
And back to reality.
Oh no! Ngayon pa lang kung anu-ano na ang naiiisip ni France. Mukhang mas mahihirapan nga talaga siya kapag silang dalawa na lang ni Gian sa isang bahay. Pero anong gagawin niya, pano niya matatakasan si Gian? Ito na siguro ang kapalaran niya.
Nakaramdam si France ng antok. Nagpaalam siya kay Mr. at Mrs. Lee na aakyat at magpapahinga na sa taas nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Gian kasama ang mga Mokong.
MATATAPOS na ang first semester of school kaya bago mag-sembreak naisipan ng mga Mokong na mag bonding. Nagpunta sila sa Mansiyon nila Gian.
Naabutan nila si France kasama ang parents ni Gian sa sala.
"Good afternoon po tito, tita," bati ng mga Mokong. Sa kanilang lahat si Chris ang pinaka magalang. Minana nito yon sa mga magulang nitong politician.
"Gian, nasabi mo na ba sa kanila ang tungkol sa kasal?" biglang tanong ni Mrs. Lee.
"M-Ma," parang napipi si Gian. Pakiramdam niya ay nagtayuan ang mga balahibo niya.
Hindi nila dapat malaman ang tungkol don, pero ang mas higit kong inaalala ay si Ren-- Ano na lang ang mararamdaman niya?
BINABASA MO ANG
Better Than Sex
ChickLitIsang pangyayari sa nakaraan ang magtutulak kay France Gem Sandoval na magpanggap na transgender at pumasok sa Minhye University---isang all boys school na pinamumugaran ng mga delikwenteng estudyante. Makikilala niya rito ang limang lalaki na gagaw...