Five

5.2K 137 16
                                    

CHAPTER 5

MAGKASAMANG pumasok sa canteen sina Ren at France. Puno ang canteen ng mga estudyante. Ang iba ay nakapila sa counter habang ang iba naman ay kumakain at masayang nagkukwentuhan sa kani-kanilang table. Nakaupo sa pinakagitnang table ang ibang miyembro ng Mokong.

"Makinig kayong lahat," sigaw ni Ren habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni France. Nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat. "Nasa harap n'yo ngayon ang babaeng mahal ko, kaya mag-iingat kayo-- dahil mananagot sakin ang sino mang manakit sa kanya."

Matapos sabihin 'yon, hinalikan ni Ren sa labi si France.

Napanganga naman sina Chris, Dave, at Jed sa natunghayan.

"Tsong, anong kahibangan ba yang pinaggagagawa ni Ren?" tanong ni Chris sa mga kasama. "Yeah, she's pretty and has a perfect body, but we all know that she's a he!"

Biglang napangisi si Jed. "Tama ka, pero hayaan na natin si Ren, alam niya naman siguro ang ginagawa niya.

Sinang-ayunan ito ni Gian sa pamamagitan nang pagtango.

Napailing naman si Dave, "It's crazy! Baliw lang ang papatol sa bading."

"Ren si ano oh, yung bida sa pinanuod natin na movie!" Itinuro ni France yung lalaking moreno na naka shades kay Ren.

"Hindi ah, ka-look a like lang 'yan."

"Ahh..."

Nasa isang TV station sina Ren at France ngayon, part time model/actor si Ren dito. "France, kakausapin daw ako ni Direct in private, okay lang ba na iwanan muna kita rito?" tanong ni Ren sa kasintahan.

"Oo naman, basta babalik ka ha?" malambing na sagot ni France.

Natigilan si Ren, "Bakit, iniisip mo ba na iiwanan kita?"

Umiling si France, "I don't believe in second chances kaya hindi mo puwedeng gawin 'yon."

Ngumiti lang si Ren at binigyan ng halik sa noo si France bago iniwan.

Nang makabalik si Ren ay inaya niya si France na kumain sa restaurant, pero bago iyon ay nagpasama muna siya rito sa kanyang condo unit para magpalit ng damit.

Habang naglalakad sila papunta sa unit niya, may babae silang nakasalubong na bumati sa kanya.

"Sino 'yon?" tanong ni France nang makaalis na yung babae.

"Ex classmate," matipid na sagot ni Ren.

Napakunot ng noo si France, "Ows, babae mo yon, ano?"

"Hindi ah, good boy 'to!" itinuro pa ni Ren ang sarili.

"Weh? Parang hindi naman kapani-paniwala."

Naka-pout si France na humarap kay Ren.

"Hay, halika nga dito." Inakbayan ni Ren si France, ginulo niya rin ang buhok nito gamit ang sariling kamay. "Mambabae lang ako kapag dumami ka na," bulong niya.

PAGDATING nila sa unit ni Ren, may naabutan silang babae na nakatayo sa labas ng pinto.

"Marj?" nasabi ni Ren.

Napahinto si France at napabitaw sa hawak ni Ren.

"Ren!" tawag ni Marj. Lumapit ito ay yumakap kay Ren na parang hindi napansin ang presensiya ni France.

Napakagat si France sa kanyang labi. "Sige, magyakapan pa kayo sa harap ko!" anito sa kanyang isip.

Tila nabasa ni Ren ang isip ni France kaya agad siyang bumitaw sa yakap ni Marj.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Ren to Marj.

"Gusto kitang makausap," sagot ni Marj.

Gusto niya makausap si Ren? Para saan pa? -France

"Sa loob tayo mag-usap. Lets go!"-Ren

Hinawakan ni Ren ang kamay ni Marj, pero agad siyang napabitaw nang makita si France.

"R-Ren..." –Marj.

Kinuha ni Ren ang kamay ni France, "Babe tara!"

Nang makapasok na sila sa loob ay agad na nagsalita si Marj. "Ren, gusto ko sana na makausap ka nang tayong dalawa lang."

Napatingin si France kay Marj, pagkatapos ay kay Ren, "M-Mag C-CR lang ako," paalam nito.

Pabalik-balik na naman si France sa unit ni Ren at hindi rin naman ito kalakihan kaya saulo niya na ang pasikot-sikot dito.

Nang makarating sa banyo ay agad naghilamos si France.

Ano ba talagang pag-uusapan nila?

Fifteen minutes din si France naghintay sa CR. Sa tingin niya ay sapat na ang oras na iyon para masabi ni Marj ang mga gustong sabihin kay Ren. Subalit bigla niya rin pinagsisihan na lumabas agad siya ng banyo. Nadatnan niya kasi si Ren at Marj na magkalapat ang mga labi.

Nakaharap sa kanya si Marj. Nakita na siya nito, pero wala itong pakialam, patuloy pa rin ito sa pakikipaghalikan kay Ren. Parang gustong sumabog ni France sa mga oras na 'to.

May mas sasakit pa pala sa ginawa sa kanyang pagtataboy ni Wade.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni France habang nakikitang sinusuklian ni Ren ang mga halik ni Marj kaya hindi niya na kinaya. Kinuha niya yung vase sa tabi niya at buong pwersa niya iyong ibinagsak.

Okay, nasira ko ang kissing scene nila.

Natigil sina Ren at Marj sa paghahalikan at napatingin kay France.

Agad na nagpaliwanag si Ren, "Mali ang nakita mo!"

Mas lalong nainis si France. Hindi pa malabo ang mga mata niya para magkamali sa nakita. Hindi pa rin siya nababaliw para maniwala sa sinasabi ni Ren.

"M-Manggagamit!"

Napailing si France habang lumuluha bago nanakbo paalis.

Stupid France, stupid! Bakit ako naniwala sa kanya, bakit ako pumayag na maging girlfriend niya? Hindi niya ko mahal. Ginamit niya lang ako, rebound niya lang ako!

Sinabayan ng buhos ng ulan ang mga luha ni France.

Ulan, ulan na naman... Palagi na lang ba itong bubuhos sa tuwing nasasaktan siya?

"REN, please..." Iyak ni Marj.

Napailing si Ren, "P-Patawad, pero sa tingin ko... nakamove on na ako sa'yo."

"No, hindi Ren! The way you kiss me, alam kong ako pa rin. Ako pa rin Ren!"

Napapikit si Ren nang mariin.

Hindi pa rin tumigil si Marj sa pagsasalita, "Ren, alam ko nagkamali ako, but look! Nandito ko para ayusin ang lahat. Magsimula tayo ulit. Let's fix this!... Yung kasama mong babae kanina, hindi ko alam kung natatandaan niya pa ko, but I know her! Nang mamatay ang parents niya sa plane accident, tinulungan siya ng family ni Gian... na family ko rin."

"I know."

"Alam mo? Alam mo rin ba na ex girlfriend siya ni Wade? Wait... ginagamit mo ba siya para gantihan ang kapatid mo? Para saktan ako?"

Biglang sumigaw si Ren, "Shut up!"

Napahinto si Marj.

Muli naman nagsalita si Ren, "Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan!"

WALA ng ibang makita si France kundi ang nakaharang na luha na lang sa kanyang mga mata. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo na animo'y walang pakialam sa paligid.

Takbo, takbo, takbo hanggang sa namalayan niya na lang na mababangga na siya. May itim na kotse na papunta sa direksyon niya. 

Better Than SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon