NANLUMO si Ren nang mapatingin sa kanyang relo. Alasais medya na ng umaga.
Nasaan ka na ba, France? Tanong niya sa kanyang isipan.
May usapan sila ni France na magkikita sa park bago sumikat ang araw, pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito.
Sinubukan niya na rin tawagan ang cellphone nito, pero naka-off naman.
Maya maya ay biglang nag ring ang phone ni Ren. "France!" Agad niyang sinagot ang tawag. "Parating ka na ba?"
"Parating, bakit?" Natigilan si Ren nang boses ni Jed ang marinig. Hindi naman sa ayaw niya itong makausap, pero si France talaga ang inaasahan niya.
"Bakit napatawag ka?" tanong niya.
"Alam mo na ba? Mamaya na ang kasal ni Gian."
"O-Oo."
"Pupunta kami ng mga Mokong, sasabihin ko na lang sa kanila na hindi ka puwede."
"Sige," tanging nasagot ni Ren bago in-end ang tawag.
"Aist!" Napakamot siya sa ulo.
Imposibleng hindi dumating si France, nangako siya kaya maghihintay ako.
TULUYAN ng sumikat ang araw, pero wala pa rin si France.
Nangangahulugan na ba 'to na hindi ako ang pinili niya?
SA ISANG resort sa Laguna magaganap ang wedding nina France at Gian. Pagdating ni Gian sa venue ay naabutan niya ang mga Mokong. Siyempre kulang ang mga ito ng isa.
Inaasahan na naman 'to ni Gian. Kung may magagawa lang sana siya para hindi matuloy ang kasal, gagawin niya para kay Ren.
"Aba ang guwapo ng groom ah," nakangiting sabi ni Jed. "Akala ko talaga nung una nagbibiro lang si tita na ipapakasal ka kay bakla, pero totoo pala. Well sabagay... hindi naman talaga siya transgender."
"Tsk, tsk, tsk. Naisahan niya tayo! Pero condolence pre," pang-aasar pa ni Chris. "Goodbye na sa pagiging single," dagdag nito saka tumawa ng malakas. Batok naman ang inabot nito kay Gian.
"Awts naman tol," angal nito.
"Huh! Tara na nga sa loob," aya ni Gian sa mga ito.
NAUNANG dumating sa resort sina Mr. at Mrs. Lee. Kasunod ng pagdating ng mga ito ay ang pagtigil ng isang itim na van. Mula roon lumabas ang lola ni Gian kasama ang pinsan niyang si Marj. Kabuntot naman ng mga ito ang tatlong guard at dalawang katulong na may dalang payong.
"Congratulations baby boy," bati ni lola Theresa sabay kiss sa pisngi ng apo.
Sunod namang lumapit si Marj, pero mukhang iba ang pakay nito.
"S-Sila lang ba ang invited mo?" tanong nito habang palinga-linga sa paligid.
"Hindi makakadalo si Ren," mabilis na sagot ni Gian.
Kita sa mukha ni Marj ang pagkadismaya, "Oh, I see."
Bigla naman lumapit sa kanila si Jed, "Pre, nandiyan na si France."
Napatingin sila ni Marj sa puting kotse na parating.
MAKULIMLIM na ang ulap, mukhang uulan, pero hindi pa rin umaalis sa park si Ren, nagbabakasakaling darating pa ang kanyang hinihintay.
Hay, France, dumating ka na kasi!
Biglang tumunog ang phone niya. May text message.
"Si France ba?"
Umasa siya, pero hindi. Galing kay Marj ang text message. "Nasaan ka? Nagsisimula na ang kasal."
Hindi niya na namalayan na may mga luha ng pumapatak mula sa mga mata niya. Agad niya iyong pinunasan. Hindi siya dapat umiyak nang dahil lang sa babae. Tama. Pero... ang babaeng iyon ay mahal niya at ikinakasal na ito ngayon, ibig sabihin hindi siya ang pinili nito.
BINABASA MO ANG
Better Than Sex
Literatura FemininaIsang pangyayari sa nakaraan ang magtutulak kay France Gem Sandoval na magpanggap na transgender at pumasok sa Minhye University---isang all boys school na pinamumugaran ng mga delikwenteng estudyante. Makikilala niya rito ang limang lalaki na gagaw...