CHAPTER 6
"Gian."
"Gian."
Walang ibang magawa si France kundi ang tawagin lang ang pangalan ni Gian, halata kasing hindi ito mapakali.
"Gian."
"Ano ba, tawag ka ng tawag, nakakarindi ka!"
"Oh sige, tsonggo, tsonggo!!!"
"Nang iinis ka ba?"
"Eh pano, kanina pa kita tinatawag, hindi ka naman nag re-respond!"
"Ayoko rito, gusto ko ng umuwi. Hindi ako tatagal kasama kang bakla ka!"
Hindi na nag-react si France, nag pout na lang siya at pumunta sa kitchen.
Sa halip na makipagtalo sa tsonggong 'to, kakain na lang ako.
Medyo nahihirapan si France na i-explain ang mga pangyayari, pero malakas ang hinala niya na may kinalaman dito ang kanyang Tito Vhen at Tita Hanna.
Ganito kasi yon...
REWIND- REWIND
Ang sabi nila mag o-outing ang family sa Boracay, pinasundo pa nila sina France at Gian... tapos ganito ang nangyari---
Wala ang tito at tita ni France,
Hindi sa Boracay hinatid sina France at Gian, kundi sa isang rest house malapit sa beach.
At yung driver nila, tumakas.
"Loko kang driver ka, nasaan ka na?" sigaw ni Gian sa telepono.
Ang sabi kasi ng driver mag stop over lang daw sila sandali. Nagpaalam ito na iihi lang, pero after two hours hindi pa rin ito bumabalik, kaya ayon, tinawagan na ito ni Gian.
"Sumagot ka nga, nasan ka na?"
"Sorry po, boss, napag utusan lang ako...
Tooooootttt...
Pinatay nito ang telepono.
"Aahh... Sira ulo kang driver ka!!!" singhal ni Gian sabay bato ng cellphone.
"Hoy, cellphone ko yan!"sigaw naman ni France. Pero wala na siyang nagawa... Dumami yung cellphone niya.
"Ang sama mo Gian!"
Hindi siya pinansin ni Gian. Umalis ito na may dalang gamit.
Mukhang uuwi na.
Teka, iiwan niya ba ako rito?
"Hoy Gian, huwag kang umalis!" Tawag ni France, pero hindi na niya napigilan pa ang kasama. Hinayaan niya na lang ito.
Tumingin si France sa rest house na pinag-iwanan sa kanila, mukha namang maganda.
Naisip niya na lang na pumasok.
Ang ganda naman ng bahay na'to...
Pero curious pa rin si France kung bakit sila ipinadala dito ng mga magulang ni Gian.
Naupo si France sa sofa.
Medyo malayo rin ang naging byahe nila kaya napagod siya.
Ang mabuti pa magpahinga na ko... baka na late lang sina Tito kaya wala pa sila.
Hindi naman siguro nila kami pababayaan dito.
SCreechhh... --tunog ng pinto.
"May tao!"
Nge! Si Gian lang pala.
"Oh, bakit ka bumalik, akala ko ba uuwi ka na!"
"Gutom na ko!"
"Gutom ka?"
"Magpapahinga ko!"
"Bleh! Ang sabihin mo, naligaw ka... hindi mo alam ang daan pauwi, no?"
"Wala akong sinabi na uuwi ako!"
"Haha, palusot.com ka pa!"
"Isa pa, uupakan na kita!"
Umuusok na si Gian kaya tumahimik na si France.
Nakita ni France na idi-nial ni Gian ang phone nito. Hindi maipinta ang mukha nito.
"Ano bang klaseng mga magulang 'yon, patay ang phone nila," reklamo nito.
IYON ang kwento kung bakit napunta sina Gian at France sa rest house na ito.
Take note, isa itong tagong rest house na malapit sa beach.
Napaisip si France...
Pero teka... wait... What?
Kami lang dalawa ni Gian, as in... dalawa lang kami dito?
Oh no... Ren... nasan ka, save me from this tsonggo!
UMINIT talaga ang ulo ni Gian dahil sa kalokohan ng kanyang mga magulang.
Ano naman kaya ang balak nila at ginawa nila ang bagay na ito--- hinayaan nila kami ni bakla na magkasama. Makauwi lang talaga ako, lagot sila sa akin. Pero teka, paano nga pala ako makakauwi? Kaasar!
Tumayo si Gian at pumunta sa kusina, nakita niya roon si France na nakasuksok ang ulo sa ref.
"Hoy, bakla, maglabas ka nga ng pagkain, gutom na ko!"
"Walang pagkain."
"Ano?"
"I mean, may pagkain, pero hindi puwede sakin"
"Ang dami mong arte, tumabi ka nga dyan!" inis na sabi ni Gian. Itinulak niya si France at siya na ang tumingin sa pagkain.
Puro raw food, ang tanging luto ay cake.
"See, cake lang ang puwedeng makain dyan" –si France.
"Puwede na to."
Kinuha ni Gian yung black forest na cake. Alam talaga ng mommy niya kung ano ang gusto niyang kainin lalo na kapag badtrip siya.
Ini-slice na niya yung cake. Nakita niya na parang malungkot si France.
"Ano, ayaw mo ba nito?"
"Ah, eh kase... hindi naman sa ayoko, kaya lang kakakain ko lang kasi ng cake kahapon, kapag kumain na naman ako baka magkasakit ako... may allergy kasi ako sa itlog."
"Ano? Ano namang klaseng allergy yan?!"
Wala ng pakialam si Gian, basta kumain na lang siya.
Nag smile si France at lumabas na lang.
Naiwan naman si Gian na confuse.
Totoo ba yung sinasabi niya o nag bibiro lang siya? Ngayon ko lang nalaman na may allergy siya sa itlog.
"Ano ba yan, gutom na ko... Kung bakit naman kasi sa dinami rami ng puwedeng maging bawal sa akin, eh itlog pa," himutok ni France sa kuwarto.
Well, hindi naman malala ang allergy niya , talaga lang kapag nasobrahan siya sa any food with egg ay hindi siya makahinga. Ayaw niya naman na dito pa siya atakihin, buti sana kung nandito ang boyfriend niyang si Ren, kung kay Gian sigurado siyang he will let her die ugly.
BLOCK OUT
BINABASA MO ANG
Better Than Sex
ChickLitIsang pangyayari sa nakaraan ang magtutulak kay France Gem Sandoval na magpanggap na transgender at pumasok sa Minhye University---isang all boys school na pinamumugaran ng mga delikwenteng estudyante. Makikilala niya rito ang limang lalaki na gagaw...