Seven

4.5K 112 1
                                    

CHAPTER 7

Ayos na, itim na ulit ang buhok ko.

"Oh eto tip ko sayo." Inabot ni Ren ang bayad kay Mylene, ang official hair stylist ng Mokong. Trenta anyos na ito, pero hindi halata sa maliit nitong boses at magandang mukha at katawan. Kung pagmamasdan ay parang teen agers lang. Isang factor siguro kaya't looking young ito ay dahil sa pagiging single. Career woman kasi ang babae at wala pa sa isip niya ang magkaron ng sariling pamilya.

"Ano ka ba, huwag na." -Mylene

"Sigurado ka?" pangungulit ni Ren.

Ngumiti lang si Mylene. "Pero Ren, hindi pa rin ako makapaniwala na pinabalik mo sa dati ang buhok mo. Wala na rin yung hikaw sa kaliwang tenga mo. Ang sabi mo noon, asset mo ang mga iyan, diba?"

Nahihiyang ngumiti si Ren.

"Nga pala Ren, tumawag sa'yo kanina si Gian kaso binaba agad. Pasensya na kung sinagot ko."

"Ayos lang yon, ate ka naman namin," nakangiting sabi ni Ren sa babae.

"France!" tawag ni Ren. Masaya niyang sinalubong ang kasintahan. Tatlong araw niya rin ito hindi nasilayan kaya sobrang saya niya na makita ito ngayon. Nasa mall sila.

Niyakap ni Ren si France, ganoon din ang ginawa ni France. Tumagal din ng isang minuto ang yakapan nilang iyon.

Nang kumalas si France sa bisig ni Ren-- "Pinaitiman mo na ang buhok mo?" tanong nito.

"Oo, bagay ba?"

Numiti lang si France, "B-Bagay na bagay."

Hinila na ni France ang kamay ni Ren papasok ng mall, "Halika na, Ren."

Pumunta sila sa sinehan. Dito isinama ni Ren noon si France nong panahon na lugmok si France dahil kay Wade.

Umupo silang dalawa sa unang row.

"Ren," tawag ni France. "Para sa'yo, ano ba ang pag-ibig?"

Nilingon at sandaling pinagmasdan ni Ren ang kasintahan bago nagsalita, "Ewan, basta ang alam ko-- umiibig ako sayo."

Bumilis ang tibok ng puso ni France. Ang sarap paniwalaan ng mga salita ni Ren. Kung hindi niya siguro nalaman na niloloko lang siya nito ay baka kinikilig na siya ngayon.

"E para sayo babe, ano ang pag-ibig?" Si Ren naman ang nagtanong.

Ngumiti si France ng mapait, "Ang pag-ibig parang alahas 'yan, kapag hindi totoo...kumukupas."

Nakaramdam si France ng bigat sa kanyang dibdib, para siyang sasabog, naiiyak siya.

"Please... not now, not here," pigil niya sa sarili.

Dahil anong gagawin niya? Kapag umiyak siya, magtataka si Ren. Hindi niya naman kasi puwedeng idahilan ang palabas dahil Comedy ang genre ng pinapanuod nila. At sa huli ay nagpaalam na lang siya na magbabanyo sandali. Nag insist si Ren na ihatid siya, pero tinanggihan niya.

Patakbo siyang lumabas ng sinehan. Sa pagmamadali niya, may nasagi siyang babae.

"Ouch!" sigaw nung babae.

"I'm sorry," mabilis na paghingi ni France ng paumanhin. Hindi niya na nagawang tingnan pa yung babae, nagpatuloy siya sa pagtakbo—hanggang sa makapasok na siya sa loob ng CR.

Timing naman dahil walang tao, umupo siya sa sahig saka ibinuhos ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

Bakit Ren, bakit mo ginagawa sakin 'to? Mahal na kita, bakit ngayon pa?

"Hanggang anong oras ka pa ba iiyak diyan?"

Napalingon si France sa lalaking nagsalita.

"IKAW? A-Anong-" Nakatayo si Gian sa tabi niya habang nakakapit sa zipper ng pantalon nito.

"AIST, hindi ko na kayang pigilan 'to!" Kinapitan ni Gian si France sa magkabilang balikat.

"T-Teka, anong balak mo, ha?"

Bago pa maisigaw ni France ang salitang rape, naitulak na siya ni Gian sa may pinto.

"Aruy ko po!" Tumama siya sa black bag na puno ng mga basura.

Nilingon niya si Gian, "Hoy! Bakit-"

Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya itong umiihi, "AHHH!!! BASTOS!"

Doon niya na napagtanto na banyo pala ng mga lalaki ang napasukan niya.

"Ang bastos mo talagang tsonggo ka!" sigaw ni France kay Gian na katatapos lang umihi.

"Aba't kasalanan ko ba'ng sasabog na yung pantog ko?"

"Kahit na, sana pinigilan mo!"

"Hoy bading, tandaan mo, ikaw ang pumasok sa CR namin!"

"Oh c'mmon, CR mo 'to? Kailan mo pa nabili?" pang-asar na sagot ni France. "Huh, diyan ka na nga!"

Tinalikuran niya na ang nanggagalaiti sa galit na si Gian. Palabas na sana siya ng pinto nang may marinig siyang mga lalaking nagtatawanan. Mukhang dito sa CR ang punta nila. Muli niyang nilingon si Gian, "A-Anong gagawin natin?"

Sa isip ni France, kapag pumasok ang mga lalaki at nakita silang dalawa ni Gian na solo sa banyo ay baka iba pa ang maisip ng mga iyon.

Hindi maipinta ang mukha ng dalawa. Gusto nilang gumawa ng paraan, pero ano? Paano?

Tiningnan nang masama ni Gian si France at hinila sa kabilang side ng banyo. Inutusan niya itong sumakay sa balikat niya para makaakyat sa taas papunta sa CR ng mga babae.

Tiningnan ni France ang itinuro ni Gian na aakyatin. Bigla siyang napailing, "H-Hindi, ayoko."

"Tss, huwag ka na nga mag-inarte diyan!" bulyaw ni Gian.

No choice tuloy si France kundi sundin ang kasama.

Isa. Dalawa. Tatlo...

Makakaakyat na sana si France sa itaas ngunit aksidente itong nadulas. Mabuti na lang at nasalo agad ito ni Gian.

"Ahh!"

Napahiga si Gian sa sahig, nakapatong naman sa ibabaw niya si France. Sa ganoong posisyon sila naabutan ng apat na lalaki.

"Uh-oh," komento ng isa sa mga nakakita sa kanila.

KASALUKUYANG magkakasama sina Jed, Chris at Dave sa food court habang hinihintay si Gian.

"Teka, halos 30 minutes nang nagbabanyo 'yon ah!" inip na sabi ni Dave.

"Easy lang tsong, tapos na naman natin yung mga pinahandang regalo ni Ren e," mahinahong sabi naman ni Chris.

"Si Ren ba yon?" biglang tanong ni Jed sa mga tropa. Tinuro niya yung lalaking naka dark blue na may kasamang babae na nasa harap ng sinehan.

"Si Ren nga," kumpirma ni Dave.

Pinagmasdan ni Jed yung kasamang babae ni Ren. Namumukhaan niya ito. Kung hindi siya nagkakamali, ito iyong pinsan ni Gian na nakilala niya dati sa isang gathering.

"Si France ba yung kasama niya?" taas kilay naman na tanong ni Chris.

Sasagot na sana si Jed, pero naunahan siya ni Dave. "Hindi," anito.

Better Than SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon