Katapusan ko na ba?
Ipinikit na lang ni France ang mga mata niya.
Handa na siya sa maaaring mangyari, pero may taong biglang humila sa kamay niya, iniligtas siya nito.
"Ren," nasambit ni France.
"Kung magpapakamatay ka isama mo na ko dahil ikaw ang buhay ko, mamamatay ako kung mawawala ka sa piling ko."
Minumog ni Ren ang kapit nitong softdrinks, tiningnan nito si France at unti unting hinalikan. Sinuklian naman ni France ang halik na iyon. Nang kumawala ang labi ni Ren sa labi ni France ay sabay silang naghabol ng hininga. Nakita ni France ang sincere na mga mata ni Ren, mga mata na naglalarawan ng nararamdaman nito.
"Kinain ko ang pride ko, pinagsigawan kong bakla ako, kinalimutan ko lahat para sayo."
Ren...
"Ngayon mo sabihing manggagamit ako?"
Napaluhod si Ren. Hindi matukoy ni France kung umiiyak ba ito o dahil lang sa ulan kaya parang may luha ang mga mata nito?.
"Y-Yung nakita ko kasi..." Hindi na pinatapos ni Ren ang sasabihin ni France.
"Mahal kita France. Sinubukan ko naman e, sinubukan kong iwasan ka. Pero anong gagawin ko?"
Sandaling huminto si Ren bago nito ipinagpatuloy ang sasabihin, "Pa'no ko titigilan kung pakiramdam ko mababaliw na ko sa sobrang pagmamahal ko sayo?"
Naramdaman na lang ni France na umiiyak na ulit siya. Umupo siya at niyakap si Ren, "I'm sorry, Ren. Inaamin kong nasaktan ako sa nakita ko, pero alam kong mas masasaktan ako kapag hinayaan kong mawala ka sa buhay ko."
Kumalas sa pagkakayakap niya si Ren at pilit na ngumiti, "Huwag ka na ulit gagawa ng bagay na ikasasakit ko, okay?"
"Yung kanina... S-Sorry."
"Tama na, mas pinapaiyak mo lang ako eh."
Hinaplos ni Ren ang mukha ni France at pinunasan ang tumulong luha. "Sh*t! nakakainlove!" mahinang sabi nito.
Diretso lang ang titig ni Ren kay France.
"N-Nung una nag-aalangan pa ko sa tunay na nararamdaman ko para saiyo, pero ngayon... sigurado na ko. Ren...M-Mahal-" Sinabayan ng kulog ang dapat sasabihin ni France kay Ren. Mas lumakas rin ang buhos ng ulan.
Naghanap sila ni Ren ng masisilungan. Suwerte naman dahil nakakita agad sila ng waiting shed. Doon na sila nagpatila ng ulan bago ihinatid ni Ren si France sa tinutuluyan nito.
KINABUKASAN, ang sama ng gising ni France. Pumunta agad siya sa dining area. Hindi niya mawari kung gutom ba siya o ano dahil sa kakaibang nararamdaman.
"Ba't ganito yung amoy?" sabi ni France habang sinusuri ang mga ulam na nakahain sa mesa.
Napatingin sa kanya si Gian na kasama niyang kumakain.
Parang aso si France na inaamoy-amoy pa rin ang mga ulam.
"Talagang ang baho nitong Adobo Manang e, pati 'tong ham, itong hotdog, lahat ng ulam!" reklamo ni France. "Erb!" Para siyang masusuka sa kakaibang amoy niyon kaya agad siyang nanakbo papunta sa lababo.
Ano ba 'tong nangyayari sakin? Nahihilo rin ako, may lagnat ba ko? Kung bakit pa kasi ko nagpaulan kahapon.
DAHIL sa masamang pakiramdam, nahuli si France ng dating sa school. Nananakbo siya papunta ng class room nang may isang matabang lalaki na dumagi sa kanya.
Bam!
Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon siya sa sahig.
"Aray!"
BINABASA MO ANG
Better Than Sex
ChickLitIsang pangyayari sa nakaraan ang magtutulak kay France Gem Sandoval na magpanggap na transgender at pumasok sa Minhye University---isang all boys school na pinamumugaran ng mga delikwenteng estudyante. Makikilala niya rito ang limang lalaki na gagaw...