CHAPTER 9
"SINONG IKAKASAL?" tanong ni Ren. Napatingin ang lahat sa kanya.
Tumingin naman kay Gian ang Mama nito. Kinakabahan na siya sa sasabihin nito.
"Kung ganon hindi mo pa pala nasasabi sa kanila?" Pinandilatan siya nito ng mga mata. "Ah, eh kasi po," nauutal niyang sabi.
Biglang tumawa si Mrs. Lee, "Gian, anak, mga kaibigan mo sila. Hindi ka dapat mahiya sa kanila."
Ito na nga ba ang sinasabi ni Gian. Kilalang kilala niya ang Mama niya. Alam niyang hindi ito titigil sa pang-aasar sa kanya.
Nagsimula nang magkwento si Mrs. Lee. Sinabi nito ang tungkol sa pagkakahuli nila kina Gian at France sa guest room. Nanlaki ang mga mata ng mga Mokong sa narinig.
"Hu-huwag! Huwag kayong maniwala," depensa ni Gian.
Binato ni Mrs. Lee ng unan si Gian, "Hindi pa ko tapos magkuwento."
Nagpatuloy si Mrs. Lee sa pagku-kuwento, "At ngayon nga, naka-set na ang kasal nila. Hay, babae o lalaki kaya ang magiging apo namin. Ano sa palagay niyo?"
"P-Pero Tita, hindi po ko buntis," biglang singit ni France.
Napailing si Dave habang nagpipigil naman ng tawa si Chris.
"Hija,kayo na mismo ni Gian ang umaming dalawang beses nyo ng ginawa. Sinasabi mo ba'ng baog ang anak ko?"
Napatungo na lang sa sobrang hiya si France.
"Ma!" tawag ni Gian.
Tiningnan nang masama ni Mrs. Lee si Gian, "Huwag mo kong ma-mama mama diyan!"
Bigla namang napahalakhak ng tawa si Chris. Hindi pa nito alam ang tungkol sa pagiging babae ni France kaya malamang ay hindi nito pinaniniwalaan ang sinasabi ni Mrs. Lee, pero si Ren—hindi sigurado ni Gian.
"Nga pala, sino sa inyo ang gustong maging best man ni Gian?" tanong ni Mr. Lee sa apat.
Nagbiro naman si Chris, "Si Ren na lang po." Agad naman itong tiningnan ni Gian.
Napangiti si Ren. Hindi alam ni Gian kung totoo ba ang mga ngiting 'yon.
Hindi ko talaga siya makuha.
Biglang nagpaalam si Ren,"Excuse me po."
Tumingin si Gian kay Jed, "Sundan mo."
Maya-maya, si France naman ang nagpaalam, "Aakyat na po ko sa taas."
TAHIMIK na naglakad si Ren palabas ng Mansiyon. Hindi pa siya nakakalayo nang tawagin siya ni Jed.
Nilingon niya ito, "I'm fine, bumalik ka na sa loob."
"Kilala kita, hindi mo kailangan itago ang tunay na nararamdaman mo."
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Ren, "At anong gusto mong gawin ko, magalit, magwala don sa loob?"
"Pakinggan mo muna si Gian siguradong may maganda siyang paliwanag tungkol dito."
Sumiryoso si Ren ng tingin sa kaibigan, "Hinde pare, niloko nila ko! Si France at Gian, ginawa nila kong tanga!"
HINDI maintindihan ni France ang kanyang tito at tita. Bakit nila agad inopen ang tungkol sa kasal? Hindi pa naman sila pumapayag ni Gian.
Hindi nila kami naiintindihan.
Humiga si France sa kama at nagtakip ng unan sa mukha.
Bigla naman nag ring ang cellphone niya.
(From unknown number)
"I'm sorry," malungkot na sabi ni Marj kay Ren. Kasama niya ngayon ito sa Infinity bar. "Hindi ko na lang sana kayo ginulo ni France."
"Wala kang kasalanan."
"Pero Ren dahil sakin nasasaktan ka!" diin niya.
"Choice ko 'to." Hinarap ni Ren si Marj, "Gabi na, iwanan mo na ko dito."
Hinawakan ni Marj ang kamay nito, "Hindi ako aalis. Nandito ko bilang kaibigan mo, Ren."
Hindi talaga umalis si Marj sa tabi ni Ren, binantayan niya ito hanggang sa magsawa na ito sa pag-inom ng alak.
Nabigla si Marj nang bigla itong umiyak, "R-Ren..."
Hinagod niya ang likod nito, "Si France, gustong gusto mo talaga siya no?"
Mabilis namang sumagot si Ren, "Mahal ko siya."
Tumayo si Marj at nginitian ito, "Then find a way to get her."
"FRANCE!" Sinalubong si France ng yakap ni Wade, "Salamat dahil pumayag kang makipagkita sakin bago ko pumunta ng New York."
Bumitaw si France sa yakap. Ngumiti siya at pinagmasdan ang guwapong mukha ni Wade. Hindi siya makapaniwala na makakausap niya ulit ito ng ganitong kalapit. Hindi niya rin mapaniwalaan na makakamove-on siya at magagawa niya itong patawarin.
"Wade, pangit ba ko?" tanong niya kay Wade habang naglalakad sila papunta ng Icecream house.
"Sinong nagsabi?" kunot noong tanong ng lalaki.
"Wala, naisip ko lang. Parati na lang kasi akong iniiwanan."
Tumigil si Wade sa paglalakad, "Pinariringgan mo ba ko?"
Napangiti si France sa sinabi nito.
Napapatitig naman sa kanya si Wade.
"Oh, bakit?"
"Nagsisisi ko France, kung di sana kita ipinagtabuyan noon, ako pa rin sana ang dahilan ng mga ngiti mo," sumimangot ang mukha nito.
Hinalikan ito ni France sa pisngi, "There is a time for everything. Darating yung panahon na makikilala mo siya—yung totoong para sa'yo, yung babaeng worthy para sa'yo."
Bigla namang tumalikod si Wade, "Tama na nga, mas mahihirapan lang ako mag move-on kapag ganito eh," sabi nito sabay pout.
Natawa si France sa kinilos nito. Para talaga itong bata kung minsan. Nauna itong maglakad papasok ng Icecream house.
"Hoy, hintay!" habol ni France.
PAGKAKAIN nila ng Icecream, nagpaalam na si France kay Wade.
"Sigurado ka ba'ng ayaw mo magpahatid?"
"Oo, kaya ko na."
Napakamot si Wade sa ulo nito, "Hindi puwede, delikado. Ihahatid na kita."
Si France naman ang nag-pout, "Wala ka bang tiwala sakin?"
At sa huli napapayag na rin niya si Wade.
"Hay! Sige na nga, pero tawagan mo kaagad ako kapag nasa bahay ka na ha?"
"Yes sir!" nakasaludo pang sabi ni France.
HABANG naglalakad si France pauwi ng Mansiyon ay kinakabahan siya. Para kasing may sumusunod sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad, "M-May tao ba?"
Wala naman sumagot kaya nagpatuloy na lang uli siya sa paglalakad. Twenty steps na lang nasa gate na siya ng Mansiyon nang may biglang nagtakip ng panyo sa ilong niya. Doon na siya nawalan ng malay.
NANGANGANIB ngayon ang Minhye University at nangangailangan ng pinansyal na tulong. Lumapit sina Mr. at Mrs. Lee kay Chairwoman Theresa Lee---mom ni Mr. Lee. Tutulong naman daw ito, pero may isang kondisyon— ito ay ang bigyan siya ng apo sa tuhod sa lalong madaling panahon. Nag-aalala kasi ang matanda na baka mamatay na lamang siya at wala pa ring apo sa tuhod. Dalawa lang naman kasi ang apo nito---sina Marj at Gian. Alam ng matanda na wala itong mapapala sa spoiled brat na si Marj kaya si Gian na lang ang pag-asa nito.
BINABASA MO ANG
Better Than Sex
ChickLitIsang pangyayari sa nakaraan ang magtutulak kay France Gem Sandoval na magpanggap na transgender at pumasok sa Minhye University---isang all boys school na pinamumugaran ng mga delikwenteng estudyante. Makikilala niya rito ang limang lalaki na gagaw...