Special Chapter

3.6K 43 1
                                    

SAMPUNG MINUTO pa bago ang susunod na klase ni Japan kaya't naisip niya na pumunta na lang muna sa school canteen.

Sa pintuan pa lang ay rinig niya na ang ingay ng mga estudyante.

"Ang gagaling nila," bulalas ng lalaking nakasalamin sa tabi ni Japan. Nakatingin ito sa nakapaskil na papel sa bulletin board na katabi ng entrance door ng canteen. Listahan iyon ng top 10 students na nakapasa sa entrance exam ng Chonen University. Nangunguna sa listahang iyon ang pangalan ni Vince Romero. "Ang suwerte talaga ni Romero!" dagdag pa nung lalaki.

"Actually, mas suwerte si Punzalan," singit ni Japan.

Napatingin sa kanya ang lalaki. Nagdikit ang mga kilay nito.

"S-Sorry," paghingi niya ng paumanhin.

Ang hilig niya talaga makisali sa usapan ng iba.

"Si Romero kasama yung girlfriend niya oh!" sigaw naman ng isang mapayat na babae sa gilid ni Japan.

Napatingin si Japan sa itinuro nitong direksyon.

Nakita niya si Vince Romero sa tabi ng isang magandang babae. Naglalakad ang mga ito hawak ang kamay ng isa't isa.

Sina Vince at Juliet.

Half-Filipino, half-chinese si Vince. Bukod sa angkin kaguwapuhan, tagapagmana rin ito ng sikat na financial group company sa Pilipinas.

Mula naman sa pamilya ng mga artista si Juliet. Hindi pa ito ganoong kilala ni Japan, pero maraming nagsasabi na talented at mabait ito. Napakaganda rin nito. Ibang-iba sa kanya na walang ibang maipagmamalaki kundi ang maputing balat, height, at slim na katawan. Napaka-plain at ordinaryo lang kasi ng mukha niya. Kulot din ang mahaba niyang buhok na minsan ay nagw-wave pa.

Napansin ni Japan na papunta sina Vince at Juliet sa direksyon niya, kaya naman minabuti niyang umalis na lang. Hindi niya na itinuloy ang pagpasok sa canteen. Hindi niya na rin pinasukan ang iba pa niyang subjects tutal ay last week na rin naman ng kanilang pasukan. Sa susunod na linggo ay graduation na nila.

UMUWI si Japan sa nirerentahan niyang condo at ibinagsak ang katawan niya sa kama. Umiyak siya gaya ng nakagawian niyang gawin mula nang iwan siya ni Vince at ipagpalit kay Juliet.

Oo, palagi niyang sinasabi sa iba na masuwerte siya dahil nakalaya na siya sa mga kasinungalingan ni Vince, pero sa tuwing makikita niya ito kasama ni Juliet... nanghihina siya. Iniisip niya na sana hinayaan niya na lang kahit hindi totoo ang pagmamahal nito sa kanya, sana pinalampas niya na lang ang mga kasinungalingan nito, at sana nagpakulong na lang siya sa pagkakagapos nito. Sana... Sana.

Habang patuloy na pumapatak ang mga luha niya, naalala niya ang mga panahon na kasama niya pa si Vince.

Childhood friend niya ito. Business partners ang mga magulang nila. Sa katunayan, binalak pa ng mga ito na ipakasal sila pagtungtong nila sa wastong edad, nabago lang iyon nang mamatay sa ambush ang magulang at ibang kaanak ni Japan.

First year highschool si Japan nang mangyari ang aksidente. Wala ni isang malapit na kaanak ang natira sa kanya. Solong anak lang din kasi siya. Noong panahon din na iyon ay nalaman niya na lubog na pala sa utang ang mga magulang niya. Isa-isang nawala ang mga ari-arian nila... maging ang bahay na napamahal na sa kanya ay narimata sa bangko. Kaya lang siya nakakakain at nakakapag-aral ay dahil sa education plan at sa allowance na tulong sa kanya ng pamilya Romero.

Sa puntong iyon, binalak ni Japan na kitlin na rin ang sariling buhay, pero hindi niya itinuloy dahil kay Vince. Si Vince ang tumulong sa kanya na bumangon. Ipinaramdam nito sa kanya kung gaano kasarap ang mabuhay. Mahal siya ni Vince, ramdam niya iyon, pero bilang kaibigan lang. Nagulat na lang si Japan isang araw nang ligawan siya nito.

Better Than SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon