CHAPTER 2
IBINABA si France ng taxi sa isang mansiyon. Nakasuot siya ng asul na palda at puti na blusa na mayroong seal ng Minhye University. Ito ang uniporme na pinasadya para sa kanya ng pinapasukang paaralan.
Napatigil si France sa labas ng mansiyon. Napansin niya ang katahimikan ng buong paligid. Naisip niya agad na marahil ay dahil ito sa malayo ang pagitan ng bawat bahay rito.
Wala na masyadong dumadaang sasakyan. Nakakatakot pa ang itsura ng mansiyon dahil gabi na. Patay na ang lahat ng ilaw, pero maaaninag pa rin ang maraming punong kahoy sa paligid nito. Pakiramdam tuloy ni France ay nagsasalita ang mga ito.
Dahil sa kung anu-anong naiisip, nagpasya si France na pumasok na sa loob. Dahan-dahan niyang binuksan ang mataas at kulay itim na gate ng mansiyon. Kasabay niyon ang pag-ihip nang napakalakas na hangin.
Napatigil si France. Nanlamig ang kanyang buong katawan lalo na nang may kamay na lumapat sa kanang balikat niya.
Hindi niya maigalaw ang sarili, hindi niya rin maibuka ang kanyang bibig. Unti-unting nagtayuan ang mga balahibo sa balat niya. Pero mas nanlamig siya nang maramdaman na dalawang kamay na ang nakalapat sa magkabilang balikat niya.
May bigla rin nagsalita. Boses ng matandang lalaki. Binulong nito na parang malalagutan na ng hininga ang kanyang pangalan, "France..."
At doon na nagawang gumalaw ni France.
"Ahhh!" sigaw niya habang kumakaripas ng takbo papasok ng mansiyon.
BLAG!
Bumagsak siya sa lupa, pero ganoon pa rin ang panginginig ng buong katawan niya.
Huminga muna siya ng malalim.
Natatakot siya... namumutla, pero unti unti niyang hinarap ang multo. "A-A...Aaaah!" Sigaw niya matapos makita na nagliliwanag ang mukha nito.
Nanlamig si France. Paiyak na siya nang biglang tumawa ang multo at dahan-dahan na inalis ang ilaw na nakatapat sa mukha nito. Isa lang palang flashlight.
Namilog ang mga mata ni France nang mamukhaan ang inakala niyang multo. Si Gian. Naglakad ito at tumigil sa harap niya. Pagkatapos ay naupo at pinantayan ang mukha niya."Ahhhh!" muling napasigaw si France.
Inuga siya ni Gian. "Hoy!" sigaw nito.
Saka pa lang tuluyan na natauhan si France.
Ngumisi si Gian. "Ang duwag mo naman!" anito bago tumayo at magsimulang maglakad papasok ng mansiyon.
Dalawang linggo na simula nang tumira si France sa pamilya Lee, pero simula noong araw na iyon ng pagdating niya ay puro kamalasan na lang at pangti-trip ang pinaparanas sa kanya ni Gian. Hindi naman ito malupit sa kanya noon. Nagbago lang ang lahat nang malaman ni Gian na ang dating kaibigang lalaki ay isa na ngayong transgender.
Hanggang sa pagtulog ay naaalala pa rin ni France ang nakakainis na pananakot sa kanya ni Gian. "Ang unggoy na iyon. Hindi na siya nakakatuwa!" inis niyang wika.
KINABUKASAN, maagang bumangon si France. Sa sala siya dumiretso; naabutan niya roon ang kanyang Tito Vhen at Tita Hanna. Abala ang mga ito sa pagbabasa ng dyaryo.
"Good morning po!" nakangiting bati ni France.
Umupo si France sa tabi ng kanyang tita Hanna. "Kumusta ka nga pala sa school?" biglang tanong nito."Nakausap namin ng Tito mo ang parents ng mga estudyante, wala naman daw problema sa kanila at sa mga anak nila yung naging changes. Mukhang ikinatuwa pa nga nila eh," dagdag pa ng kanyang Tita.
"Ah o-opo, sa palagay ko rin po," nakangiting sagot ni France. "Mababait ang mga estudyante, lahat naman po sila roon ay friendly."
Labas sa ilong ang mga sinabing iyon ni France, dahil ang totoo... loner siya sa school. Simula nang pumasok siya roon, wala pa ni isa ang lumapit sa kanya para makipagkaibigan o makipagkilala man lang. Lumalapit lang ang mga ito para i-bully siya, kaya tuwing vacant sa school, sa library na lang siya naglalagi. Wala kasing nagbabantay roon, wala rin masyadong pumupunta, dahil sa halip na maglibrary, mas pinipili na lang ng mga estudyante na bumili ng sarili nilang libro. Ganoon ka-spoiled brat ang mga mag-aaral ng Minhye University.
Biglang naalala ni France ang unang araw niya sa Minhye---kung paano siya pinahirapan ng kilalang grupo na MOKONG.
Inutusan ng grupo ni Gian ang mga kamag-aral na dalhin si France sa likod ng university. Mapuno ang lugar na iyon at hindi na dinadaanan ng tao.
Itinali si France ng tatlong lalaking kamag-aral sa puno na maraming langgam. "Hoy kayong mga mukhang unggoy, bitawan niyo nga ako!" sigaw ni France. Nagpupumiglas siya, pero malakas ang mga lalaking iyon. "Sabi ng tigilan niyo ko e!"
Matapos maitali, pinagbabato si France ng papel ng iba pang estudyante.
Nang mapagod na ang mga ito ay isa-isa na silang nag-alisan. Pero limang minuto pa lang ang nakalilipas ay may panibagong grupo na naman ng mga estudyante ang lumapit kay France. Inalis ng mga ito ang pagkakatali niya. "T-Teka, saan niyo ko dadalhin?"
Binuhat ng isa sa mga lalaki si France papunta sa lumang gusali ng paaralan.
"Wait, hoy, huwag niyo kong iwanan dito!" muling pakiusap ni France sa mga kamag-aral. Ikinulong kasi siya ng mga ito sa lumang banyo ng gusali.
Pagkatapos ng dalawang oras ay pinagbuksan na rin si France ng banyo. Paalis na siya sa mabahong lugar na iyon nang harangin siya ni Gian. Nagbanta ito na kapag hindi pa siya umalis sa paaralan ay baka hindi niya na magustuhan ang mga susunod na mangyayari. Bumilis ang paghinga ni France. Actually, gusto niyang umiyak ng mga sandaling iyon, pero naisip niya na hindi---hindi na siya padadaig sa kahit sino.
Ngumiti ang kanyang Tita Hanna, "Mabuti naman kung ganon." Talagang naniwala ito na okay ang kondisyon ni France sa paaralan.
Napatingin si France sa kanyang tita, kung mukha at katawan ang pagbabasihan, hindi aakalain na meron na itong binatilyong anak. Kung titingnan kasi ito ay parang nasa twenty's lang.
"Ah n-nasaan po si ung--- I mean si Gian?" pag-iiba ni France ng topic.
"GOOD MORNING!"
Yeah, speaking of the devil. Dumating si Gian na mayroong malaking ngiti sa kanyang labi.
"Bakit mo ako hinahanap, ha?" mapang-asar na tanong nito.
Gusto tuloy pagsisihan ni France na ito pa ang ginamit niyang palusot upang maiba ang topic nila ng kanyang tita.
Tumuon si France kay Gian "H-Hindi ikaw," sabi niya na medyo nauutal.
"Bakit, may iba pa bang Gian dito bukod sa akin?" nakapamewang na tanong ni Gian.
Mabilis na sumagot si France. "E-Ewan ko, pero sa mundo marami kayo, yung tatay ng classmate ko, yung alagang aso nung High School teacher ko, at yung butiki sa kisame n'yo."
Pagkasabi niyon ay tumingin si France sa kisame. Itinuro niya yung butiki na nakapinta sa dingding nila Gian, "Hayun oh!"
Ngumiti si Gian, "Sabi mo eh."
At naglakad na ito papunta sa kusina.
Nagtaka naman si France sa inasta nito. "Manang, ako na po ang bahala sa breakfast," narinig pa niya na sinabi ni Gian sa kasambahay nila.
Seriously? Weird.
BINABASA MO ANG
Better Than Sex
ChickLitIsang pangyayari sa nakaraan ang magtutulak kay France Gem Sandoval na magpanggap na transgender at pumasok sa Minhye University---isang all boys school na pinamumugaran ng mga delikwenteng estudyante. Makikilala niya rito ang limang lalaki na gagaw...